Friday , November 15 2024

Masonry Layout

23 sugatan sa tumagilid na jeep sa Camsur

NAGA CITY – Aabot sa 23 katao ang sugatan makaraan tumagilid ang pampasaherong jeep sa Balatan, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang driver ng jeep na si Isagani Sanyo. Ayon kay Senior Insp. Christopher Aduviso, galing sa bayan ng Nabua ang nasabing jeep papuntang Balatan nang biglang tumagilid sa pababang bahagi ng nasabing lugar. Sinabi ni Aduviso, nawalan ng kontrol ang driver …

Read More »

House arrest kay GMA lusot sa House panel

LUSOT na sa House Justice Committee ang resolusyong humihiling na i-house arrest si dating Pangulo, ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo.  Sa botong 8-1, pinayagan ng komite ang hiling dahil sa humanitarian reasons.  Non-binding anila ang resolusyon at sunod na isasalang sa plenaryo para aprubahan. Naniniwala si Justice Committee Chair Niel Tupas na sasang-ayon din ang boto pagdating sa plenaryo. Nitong …

Read More »

30 bata sugatan sa karambola ng jeep, 2 bus sa Coastal Road

SUGATAN ang 30 pasahero karamihan’y mga bata makaraan maputukan ng gulong ang sinasakyan nilang jeep hanggang salpukin ito ng dalawang pampasaherong bus sa Las Piñas City, kahapon. Agad isinugod ang mga sugatan sa San Juan De Dios Hospital.  Sa sketchy report ng Las Piñas City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong 12:20 p.m. sa Northbound lane ng Coastal Road ng naturang lungsod. Sakay ang …

Read More »

Arrest order vs 14 Binay pals aprub kay Drilon

NILAGDAAN na ni Senate President Franklin Drilon ang arrest order laban sa 14 individual na iniuugnay kay Vice President Jejomar Binay, makaraan i-contempt ng Senate Blue Ribbon Committee kamakalawa bunsod nang patuloy na pag-isnab sa imbestigasyon ng kapulungan. Una nang sinabi ni Drilon na kailangan niyang lagdaan ang arrest order para ipaaresto ang mga hindi tumata-lima sa kautusan ng Senado …

Read More »

2 sako ng damo natagpuan sa elevator

DALAWANG sako na puno ng pinatuyong dahon ng marijuana ang natagpuan ng isang security guard sa loob ng elevator kamakalawa ng gabi sa Legaspi Tower sa Malate, Maynila. Itinawag ni Joy Lance Estrellado, 28, security guard, residente ng 24 F Carlos St., Baesa, Quezon City, sa tanggapan ng Police Community Precinct (ALPHA PCP) na pinamumunuan ni Chief Insp. Brigido Salisi, …

Read More »

Estudyante nagbigti sa Quezon (‘Di na makapag-aaral)

NAGA CITY – Problema sa pera ang tinitingnang dahilan ng mga awtoridad kung bakit nagpakamatay ang isang estudyante sa Sitio Judith, Brgy. Poblacion, Polillo, Quezon kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Jhoemary Azaula, 19 anyos. Natagpuan na lamang ng ama ng biktima ang katawan ng binatilyo habang nakabigti sa kisame ng kanilang bahay. Ayon sa ama, isa sa pinaniniwalaan nilang …

Read More »

Imbestigasyon vs Mison hiniling kay de Lima (Sa ‘entry for a fee, fly for a fee’ racket)

NANAWAGAN ang mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI) kay Justice Secretary Leila de Lima na imbestigahan ang alegasyong pagkakasangkot ni Commissioner Siegfred Mision at iba pang immigration officials sa multimillion-peso “entry for a fee, fly for a fee” racket sa bureau. Sa nasabing raket, ang undesirable aliens ay pinahihintulutang makapasok o makaalis ng bansa nang hindi inaaresto kapalit ng …

Read More »

DOLE inisnab ng Kentex (DOLE inisnab ng Kentex, sa ipinatawag na pulong)

HINDI sinipot ng mga kinatawan ng Kentex Manufacturing Corp., pero ibininbin ng mga guwardiya ang mga survivor at pamilya ng biktima sa entrance ng gusali sa ipinatawag na mandatory meeting ng DoLE-NCR kahapon. Binanggit ni Renato Paraiso, legal counsel ng pabrika ng tsinelas, wala silang dadaluhang pulong sa DoLE dahil walang abiso o komunikasyon mula sa kagawaran.  Ngunit ayon kay …

Read More »

14 personahe ipinaaaresto (VP Binay probe inisnab)

IPINAAARESTO ng Senate Blue Ribbon Comittee ang 14 personalidad dahil sa pag-isnab sa pagdinig ng Senado sa sinasabing mga anomalya ni Vice President Jejomar Binay. Kabilang sa na-contempt ang negosyanteng si Antonio Tiu at kapatid na si James Tiu, ang sinasabing bagman ni Vice President Binay na si Gerardo Limlingan. Lalagdaan muna ni Senate President Franklin Drilon ang arrest warrant …

Read More »

Maayos na implementasyon ng Candaba projects, pinuri ng DILG

PINURI ni Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang munisipalidad ng  Candaba sa Pampanga bilang isa sa pinakaorganisadong local government unit (LGU) pagdating sa pagbibigay ng prayoridad at implementasyon ng mga proyekto para sa mamamayan. Ayon kay Roxas, batid ng Candaba LGU sa pangunguna ni Mayor Rene Maglanque kung anong mga programa at proyekto ang kailangan ng …

Read More »

Pacquiao agaw-pansin sa BBL hearing (Ipinakilalang nanalo vs Mayweather)

AGAW-PANSIN ang biglang pagdating ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa ginaganap na pagdinig ng House ad hoc committee on the Bangsamoro para sa Bangsamoro Basic Law (BBL). Kung maaalala, kagagaling lamang sa operasyon ng kanang balikat ni Pacman sa Los Angeles makaraan ang laban kay Floyd Mayweather Jr. Dumating siya noong nakaraang linggo at ginawaran ng hero’s welcome sa Metro Manila …

Read More »

Karneng baboy ipinalit sa shabu, kelot arestado

NAGA CITY – Sa kulu-ngan ang bagsak ng isang lalaki makaraan makompiskahan ng illegal na droga na ibinayad sa kanya sa biniling karne ng baboy ng isang kapitbahay sa Pacol, Naga City kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Joel Azotilio, ng nasabing lugar. Ayon kay PO2 Gil Guban, nagpapatrolya ang kanilang grupo nang mapansin na tila may nakasukbit sa baywang …

Read More »

Bar owner na Japok nilaslasan ng leeg ng empleyado

PATAY ang isang 28-anyos Japanese national nang laslasin ang lalamunan ng hinihinalang sariling empleyado sa kanyang bar sa kanyang tinutuluyan sa Malate, Maynila. Kinilala ang biktimang si Tomoyuki Takasugi, nakatira sa 26th floor ng Malate Bay View Mansion sa 1481 Adriatico St., Malate. Habang pinaghahanap ng Malate Police Station 9 ang lalaking suspek na si alyas Amie Magnaan, 45, maintenance ng …

Read More »

Outing ng pamilya naging trahedya (Sasakyan swak sa bangin)

DAGUPAN CITY – Hindi inaasahan ng mag-anak na mauuwi sa trahedya ang masaya sana nilang outing nang mahulog sa bangin ang kanilang sasakyan sa isang resort sa San Fabian, Pangasinan kamakalawa. Agad binawian ng buhay ang isang Anselmo Cayabyab, 48-anyos. Habang sugatan ang kanyang mga kaanak na sina Erlinda Tucay, 65; Remidios Mosarbas, 67; Consorcia Bautista, 45; Alicia Fernandez, 31; …

Read More »

Sekyu nagwala nahulog mula 16/F nalasog

PATAY noon din ang isang security guard ng isang condominium makaraan mahulog mula ika-16 palapag habang bumaba sa bintana ng isang unit gamit ang bedsheets makaraan magwala sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw. Sa ulat ng  Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Malton Baldosa, security guard ng Kaakibat Security Agency, at stay-in …

Read More »

2 paslit, 1 pa patay sa sunog sa Cavite

PATAY ang tatlo katao sa naganap na sunog sa residential area sa Brgy. Bagong Kalsada, Naic, Cavite nitong Sabado. Kinilala ng BFP Region 4-A ang mga biktimang sina Nomer Eridao, 48-anyos; Arth Gavriel Nazareno, 5; at Ayana Gracellana Nazareno, 2, pawang na-suffocate. Sumiklab ang sunog dakong 4 p.m. at umabot sa ikalawang alarma bago naapula dakong 6:55 p.m. Dalawang bahay …

Read More »

Chairwoman, 2 kagawad sinuspinde ng Ombudsman (2 kelot pinarusahang uminom ng 10 bote ng gin)

INIUTOS ng Office of the Ombudsman sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagpapatupad ng tatlong buwan suspensiyon nang walang sahod sa isang barangay chairwoman at dalawang kagawad ng isang barangay sa City of San Jose del Monte, Bulacan. Iniutos ni Deputy Ombudsman for Luzon Gerard Mosquera ang suspensiyon laban kay Laarnie Miranda Contreras, barangay chairwoman ng Brgy. …

Read More »

Mega lindol paghandaan — Palasyo

HINIMOK ng Palasyo ang publiko na makipagtulungan sa mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan para mapalakas ang kahandaan sa lindol at iba pang kalamidad. Ang pahayag ng Malacañang ay kasunod ng babala ng Philippine Institute for Volcanology and Seismology (Phivolcs) na hinog na ang West Valley Fault para sa isang posibleng mega earthquake sa Metro Manila at karatig lalawigan na kikitil …

Read More »

6 taon kulong ‘sentensiya’ ng BFP Spokesperson sa Kentex fire  

MAAARING makulong ng mula anim buwan hanggang anim na taon ang may-ari ng Kentex Manufacturing Corp., at iba pang responsable sa malagim na sunog sa pagawaan ng tsinelas na ikinamatay ng 72 katao sa lungsod ng Valenzuela. Ito ang paniniwala ni Bureau of Fire Protection spokesman Supt. Renato Marcial at sinabing dapat managot ang mga responsable sa insidente dahil maraming …

Read More »

Talamak na shabu isinisi ng PNP sa China

KINOMPIRMA ng pamunuan ng pambansang pulisya na mula sa bansang China ang malaking bahagi ng suplay ng shabu na naibebenta sa bansa. Ayon kay PNP spokesperson, Senior Supt. Bartolome Tobias, dahil mahigpit ang monitoring at operasyon ng mga awtoridad sa mga shabu laboratory sa Kamaynilaan kaya’t ini-import na lamang ng drug dealers ang kanilang ibinibentang shabu. Isiniwalat din ng PNP …

Read More »

Waiver sa bank accounts, iginiit ni Lacson kay Binay

Muling iginiit ni dating Senador Panfilo Lacson kay Bise Presidente Jejomar Binay na bigyan ng waiver ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa mga bank accounts nito para maging malinaw sa sambayanan kung mayroon siyang tagong yaman. Ayon kay Lacson, kabilang sa mga awtor ng  Anti-Money Laundering Act, hindi maganda ang laging pag-atras ni Binay upang ipaliwanag kung paano siya yumaman …

Read More »

P12-M budget sa upgrade ng PAF OV-10

NASA P12 milyon pondo ang inilaan ng pamunuan ng Philippine Air Force (PAF) para sa pag-upgrade ng kanilang OV-10 “Bronco” attack aircraft, lalo na sa pagbili ng spare parts at sa maintenance nito. Ayon sa Philippine Air Force (PAF), ang nasabing pondo ay kanilang gagamitin sa procurement ng “electrical, pneudraulic and APG System requirements” para sa OV-10 bomber plane. Sa …

Read More »

Kentex, DOLE, BFP idiniin sa multi-violations (Dapat managot sa batas)

IBA’T IBANG paglabag sa panuntunan at batas ang posibleng sanhi ng pagkamatay ng 72 trabahador sa pabrikang nasunog sa Valenzuela City, ayon sa fact-finding team na binubuo ng apat na labor groups. Sa imbestigasyon ng Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR), Ecumenical Institute for Labor Education and Research (EILER), Institute for Occupational Health and Safety Development (IOHSAD) at …

Read More »

Labi ng 72 obrero na natupok sa Kentex inilibing (Habang hinihintay ang DNA results)

PANSAMANTALANG inilibing ang 72 manggagawa na namatay sa naganap na sunog sa pabrika ng tsinelas sa Valenzuela City. Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, nitong Huwebes ng gabi inilibing ang 21 biktima sa Arkong Bato Public Cemetery habang ang 48 ay kahapon ng hapon sa nabanggit ding sementeryo. Aniya, ang pinaglibingan sa mga biktima ay temporary internment lamang habang …

Read More »

Tagumpay ng El Gamma sa AGT pinuri ng Palasyo

ANG tagumpay ng El Gamma Penumbra ay sumasagisag sa angking talino at husay ng mga Filipino na sa maraming pagkakataon ay napatunayan na sa iba’t ibang larangan. Ito ang pahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. makaraan itanghal na kauna-unahang winner ang grupong El Gamma Penumbra sa Asia’s Got Talent sa Singapore kamakalawa ng gabi. Tinalo ng grupo ang walong …

Read More »