Saturday , December 21 2024

Masonry Layout

PH eagle Pamana utas sa boga

PATAY makaraan barilin ang Philippine eagle na si Pamana sa Davao Oriental. Kinompirma ito ni Dennis Salvador ng Philippine Eagle Foundation. Natagpuang patay si Pamana noong Agosto 16, isang kilometro mula sa Brgy. San Isidro sa nasabing probinsya, kung saan ito pinalaya noong Hunyo 12, Independence Day. Base sa necropsy, ang 3-anyos agila ay may tama ng bala sa kanang …

Read More »

9 opisyal ng state university sinibak (Sa Bulacan Madlum river tragedy)

SINIBAK sa puwesto ang siyam matataas na opisyal ng Bulacan State University (BSU) makaraan ibaba ng Office of the Ombudsman ang hatol na guilty sa kasong administratibo kaugnay sa pagkamatay ng pitong tourism students sa Madlum River sa San Miguel, Bulacan noong Agosto 19, nakaraang taon. Batay sa 12 pahinang desisyon ng Ombudsman, guilty sa kasong grave misconduct at gross …

Read More »

Enrile pinayagan mag-piyansa

PINAYAGAN si Senador Juan Ponce-Enrile ng Korte Suprema na makapaghain ng piyansa para sa kinakaharap na kasong plunder kaugnay sa multi-bilyong pork barrel scam.  Sa botong 8-4, pinaboran ng mayorya ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang P1 milyong piyansa kapalit ng pansamantalang kalayaan ng senador.  Bukod sa argumentong mahina ang mga ebidensya laban sa kanya, iginiit ng batikang politiko …

Read More »

Agaw-cellphone target sa NAIA

PINALAKAS ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang puwersa ng seguridad sa labas ng mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang biguin ang masasamang elemento na gumagala sa paligid ng paliparan. Inihalimbawa rito ang naganap na pang-aagaw ng cellphone sa isang intern ng China Southern Airlines nitong Agosto 7, dakong 2:37 a.m. habang ang biktima ay papasok sa …

Read More »

Namatay na Pinay sa Bangkok bombing bineberipika pa — DFA

WALA pang kompirmasyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa napabalitang isang Filipina ang namatay nangyaring pagsabog sa Bangkok, Thailand. Nilinaw kahapon ni DFA spokesperson Charles Jose, patuloy pa nilang beniberipika ang nasabing impormasyon. Nagpadala na rin aniya ng mga opisyal ang embahada ng Filipinas sa ospital kung saan isinugod ang mga biktima makaraan ang pagsabog sa Hindu Shine …

Read More »

Pedicab driver binoga ng mag-utol

SUGATAN ang isang pedicab driver makaraan barilin ng isa sa magkapatid na kanyang nakaaway sa larong basketball sa Tondo, Maynila kamakalawa. Nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Reynaldo Zorilla, 26, ng 227 Pacheco St., Tondo, dahil sa tama ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan. Habang pinaghahanap ng mga tauhan ng Manila Police District-Don …

Read More »

Bombay tiklo sa P1-M sex drugs

ARESTADO ng mga operatiba ng Southern Police District Office (SPDO) ang isang Indian national na sinasabing nagbebenta ng party at sex drugs sa ilang club at bars, at nakompiska sa kanya ang tinatayang P1 milyong halaga ng droga kamakalawa ng gabi sa Makati City. Base sa ulat na ipinarating ni Supt. Lorenzo Trajano, hepe  ng District Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group, kay …

Read More »

Dalagita 2 taon sex slave ng ama

NATULDUKAN ang pagdurusa ng isang dalagitang halos dalawang taon ginawang sex slave ng ama at kinalbo pa upang hindi makalabas ng bahay, makaraan maaresto ang suspek sa Navotas City, iniulat ng pulisya kahapon. Nakapiit na sa detention cell ng Navotas City Police habang nahaharap sa kasong multiple rape in relation to R.A. 7610 (Anti-Child Abuse law) ang suspek na si …

Read More »

Dalagita tinurbo ng 3 kelot sa harap ng BF

BUTUAN CITY – Tinutugis ng mga tauhan ng Butuan City Police Station 1 (BCPS-1) ang dalawa sa tatlong lalaking tumakas makaraan halinhinang gahasain ang isang dalagita sa harapan ng kanyang kasintahan sa Butuan By The River. Unang nadakip ang isa sa mga suspek base na rin sa kompirmasyon ng 17-anyos biktima na itinago sa pangalang “Inday” nang makita ang suspek …

Read More »

Karibal sa BF sinaksak ng bebot

TARGET ng awtoridad ang isang 25-anyos babae makaraan saksakin ang kapwa babae na sinasabing “apple of the eye” ng kanyang boyfriend sa Marikina City kamakalawa. Kinilala ni Senior Supt. Vincent Calanoga, hepe ng Marikina City Police, ang suspek na si Maybelle Jasmine Estanislao, nakatira sa 254 E. Dela Paz St., Brgy. Sto. Niño ng lungsod. Habang nilalapatan ng lunas sa …

Read More »

SUMUGOD at kinalampag ang tanggapan ng National Housing Authority (NHA) ng 1,000 kasapi ng Samahang Nagkaisa sa Lupa mula sa Brgys Batasan, Commonwealth, at Payatas sa lungsod Quezon para hilingin na ibigay na sa kanila ang titulo ng lupa sa nabanggit na lugar. (ALEX MENDOZA)

Read More »

HINAMON ni Chrisler Cabarrubias, chairman ng Confederation of Guardians in the Phillipines, at ng iba pang mga miyembro nito, ang mga opisyales ng Bureau of Customs na buksan na ang hinihinalang 89 smuggled container vans mula China na ilang linggo nang nakatengga sa BOC, sa isang press conference sa Parañaque City. (BONG SON)’

Read More »

Karapatan ng mangingisda segurado kay Ebdane

TINIYAK ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr., na ang mga karapatan ng daan-daang mangingisda ay maipagkakaloob bilang kaagapay sa kanilang pangkabuhayan sa oras na maipasubasta ang mga ‘palutang’ o ang Chinese dredge floaters na natagpuan sa karagatang sakop ng Brgy. Sto. Cristo, na binabantayan na ng provincial government ang nasabing mga palutang. Ipinunto ni Ebdane ang Article 719 ng Civil …

Read More »

Butz Aquino pumanaw na

Pumanaw na si dating Sen. Agapito “Butz” Aquino, 76. Ayon sa kanyang pamangkin na si Sen. Bam Aquino, binawian ng buhay ang dating senador dahil sa kom-plikasyon habang nasa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan. Si Aquino dalawang terminong nagsilbi bilang senador. Si dating Sen. Butz Aquino ay kilala noon na malamig sa politika at walang balak na kumandidato …

Read More »

Grace ayaw kay ‘Frankie’(Sasagot kay Mar sa tamang panahon)

SINABI ni Senadora Grace Poe na katulad ni Yaya Dub ayaw niyang mapunta kay Frankie Arinoli ng Aldub phenomenon, kaya’t pinag-aaralan niyang mabuti at sasabihin sa tamang panahon kung siya ay tatakbo sa mas mataas na posisyon.  Ito ang naging reaksiyon ng senadora makaraan aminin na nagtungo sa kanyàng tahanan kamakalawa ng gabi si DILG Secretary Mar Roxas kasama ang …

Read More »

10 bagong helicopter ‘di gagamitin sa West PH Sea

NILINAW ni Philippine Air Force (PAF) Commanding General Lt. Gen. Jeffrey Delgado, hindi gagamitin sa maritime patrols sa West Philippine Sea ang 10 brand new helicopters na binubuo ng walong Bell-412 EPs utility helicopter, at dalawang Augusta Westland attack helicopter. Ayon kay Delgado, kanilang ide-deploy sa Mindanao,Visayas at Luzon ang mga helicopter at walang plano ang Hukbong Panghimpapawid na i-deploy …

Read More »

DoJ probe sa INC muling idinepensa ng Palasyo

BINIGYANG-DIIN ng Malacañang na “no one is above the law” o walang nakatataas sa batas. Sa harap ito nang pahayag ni Atty. Harry Roque na hindi raw dapat nakikialam ang Department of Justice (DoJ) sa internal affairs ng Iglesia ni Cristo (INC). Ito ay kaugnay ng ginagawang imbestigasyon ng DoJ sa pamamagitan ng NBI sa sinasabing nagkaroon ng abduction at …

Read More »

Parating na bagyo category 4 na

PATULOY ang paglakas ng bagyong may international name na Goni at bibigyan ng local name na Ineng kapag nakapasok sa Philippine area of responsibility (PAR). Ayon sa ulat ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC), nasa category 4 na typhoon o may lakas na 140-170 kph. Sa ulat ni Gladys Saludes ng Pagasa, huling namataan ang bagyong Goni sa layong 2,200 …

Read More »

Dorobo ng aircon bus tiklo sa Bulacan

ARESTADO sa pulisya ang isang notoryus na holdaper na nambibiktima sa mga pasahero ng bus na biyaheng bayan ng Sta. Maria, Bulacan. Sa ulat na nakalap sa tanggapan ni Supt. Rodolfo ‘Boy’ Hernandez, hepe ng Sta. Maria Police, kinilala ang suspek na si Leonardo Hinay, nasa hustong gulang, at walang pirmihang tirahan. Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong 2 p.m. kamakalawa …

Read More »

Kelot patay, 4 sugatan sa kotse vs trike

PATAY ang isang lalaki habang apat ang sugatan makaraang salpukin ng isang kotse ang sinasak-yan nilang tricycle sa Don Mariano Marcos Avenue, Quezon City kamakalawa ng gabi.  Sa ulat ni Insp. Marlon Meman, hepe ng Quezon City Police Traffic Sector 2, kinilala ang biktimang si Michael Capatian, 39, driver ng tricycle, at residente ng 56 Sora St., Brgy. Paltok ng …

Read More »

10 katao nalason sa paksiw

NAGA CITY- Iniimbestigahan ng mga awtoridad at ilang eksperto ang dahilan ng  pagkalason ng ilang residente sa Brgy. Banga, Tinambac, Camarines Sur kamakalawa. Ito’y makaraan isugod sa ospital ang 10 katao na nakaramdam nang pananakit sa tiyan, nakaranas ng pagsusuka at pagtatae makaraan kumain ng nilutong paksiw. Ayon kay Chief Insp. Paul Cabug ng PNP-Tinambac, nagsimula ang insidente makaraan makakain …

Read More »

MULING namahagi si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim ng libreng wheelchairs sa nangangailangang residente kagaya ng dalawang residente sa Tambunting, Sta.Cruz, Maynila, na sina Marq Glenn Virtudazo, 15-anyos at Danilo Dulay, 73, stroke victim (not in photo). Bago ito, namahagi rin ng tungkod sa elderly citizens mula sa fifth district ang dating alkalde. Katuwang niya sa pamamahagi si dating Manila …

Read More »

High risk inmate na taiwanese nat’l nakapuga sa MPD

NAKAPUGA sa isang tauhan ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), ang isang Taiwanese national, itinuturing na “high risk” prisoner dahil sa large scale illegal recruitment, kamakalawa ng hapon makaraan ilabas sa MPD Headquarters para ipa-medical exam, nang tumalon sa sinasakyang motorsiklo sa Taft Avenue, Maynila. Nakadetine na ngayon sa MPD- Integrated Jail si PO2 Marlon Anonuevo makaraan …

Read More »

BBL ni Marcos inalmahan ni Iqbal

ITINURING na ‘premature’ ni Communications Secretary Herminio Coloma ang pagbutas ni MILF chief negotiator Mohagher Iqbal ukol sa inilabas na bersiyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL) ni Senator Bongbong Marcos. Ito’y makaraan umalma si Iqbal dahil mahigit 100 probisyon ang sinasabing tinanggal mula sa orihinal na bersyon ng BBL. Kabilang rito ang pagtatanggal ng preamble na inihalintulad ni Iqbal sa …

Read More »

Debate para sa 2016 polls suportado ni Miriam

SUPORTADO ni Sen. Miriam Dafensor-Santiago ang binabalak ng Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng presidential debate para sa mga kandidatong kalahok sa 2016 national elections. Ayon kay Santiago, makatutulong sa mga botante ang debate ng mga kandidato kung sino ang nararapat sa bawat posisyon sa darating na halalan. “A debate format among presidential and vice presidential candidates would test …

Read More »