Thursday , June 4 2026

Pasimuno sa Bilibid riot tutukuyin ng CIDG

TINUTUTUKAN ng PNP-CIDG sa kanilang imbestigasyon ang pagtukoy kung sino ang nagpasimuno ng riot sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay PNP-CIDG Director, Chief Supt. Roel Obusan, tapos na sila sa pagkausap sa mga biktima at testigo sa naganap na kaguluhan ng high profile inmates na sina Jaybee Sebastian, Peter Co, Vicente Sy at dating Chief Inspector Clarence Dongail at ang napatay na si Tony Co.

Nakuhaan na nila ng testimonya ang mga taong sangkot sa kaguluhan sa loob ng maximum security cell partikular si Sebastian.

Anila, kailangan na lamang  nila ng tatlong magkakatugmang pahayag mula sa mga suspek at testigo para mabuo ang kanilang report.

Kinompirma ni Obusan na hawak na nila ang kopya ng kuha ng CCTV sa loob ng Building14.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …