Expired na mamon ipinakain sa isang bus na senate media ng PR ni Sen. Win Gatchalian

Iniismol ba ng PR team ng Department of Energy (DOE) at tanggapan ni Senator Sherwin Gatchalian ang mga katoto natin sa media?!

Isang sumbong ang natanggap natin mula sa Se-nate media (hindi galing sa reporter at photographer ng pahayagang ito) na bukod sa inubos ang oras nila, ginutom at pinakain sila ng expired na pagkain ng PR team ni Senator Sherwin Gatchalian at ng DOE.

Expired na Mamon with pineapple juice and bottled water na supposedly ay dinner naโ€ฆ

Ganyan din ba ang dinner ng PR team ni Gat-chalian nang gabing iyon?

Nangyari po iyan noong Setyembre nang dalhin sila sa Morong, Bataan para ipakita ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) na pinagtatalunan ngayon kung paaandarin ba o tuluyan nang gagawing โ€˜white elephantโ€™ sa tuktok ng sabi ay daan-daan taon nang natutulog na bulkan โ€” Mt. Natib.

Huwag na natin pag-usapan kung itutuloy ba โ€˜yan o hindiโ€ฆ

Ang gusto nating sabihin, bakit may mga umeepal na PR groups na ginagawang timawa ang mga lehitimong media men.

Bakit ba, mga mambabatas ang nagsasalita kung itutuloy o hindi ang operation ng BNPP?

Mga scientist ba sila o nuclear engineer kaya, para sila ang magsalita para riyan?!

Napag-aralan ba nila nang hustoย  ang pros and cons niyan?!

At bakit kailangang may PR?!

Grabe!

Ngayon pa lang nakikita na natin na parang gustong bumaha ng kuwarta sa usapin pa lang kung itutuloy o hindi?!

Puwede ba, magsalita ang dapat magsalita?!

Parang dinidiktahan lang ng mga senador na ipi-nangba-blackmail ang budget para sa DOE?!

[divider]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

[divider]

BULABUGIN – Jerry Yap