Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Killer ng bebot nalambat

BUMAGSAK na sa kamay ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police ang dalawang suspek na sinasabing pumatay sa 38-anyos  babae sa harap ng New Bilibid Prison (NBP) nitong Biyernes (Oktubre 9) sa lungsod. Kinilala ni Muntinlupa City Police chief, Senior Supt. Alan Nobleza ang mga nadakip na sina Eugene Ebisa, 30, at Reynaldo Cunanan, Jr., 36, sasampahan ng kasong murder …

Read More »

680 sakong resin pellets hinaydyak ng driver, pahinante

ARESTADO ang isang truck driver at pahinante sa paghaydyak sa 680 sakong resins pellet na sangkap sa paggawa ng plastic materials, makaraang salakayin ng mga awtoridad ang isang maliit na bodega sa bahagi ng Canumay East, Valenzuela City. Kinilala ang mga naaresto na sina Romar Palabrica, 31, truck driver, at Arnold Arellano, 27, truck helper, kapwa residente ng Sitio Hilltop, …

Read More »

DFA no comment muna sa 2 light houses sa Spratlys

TUMANGGI munang magbigay ng ano mang komento ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa kinompirma ng Beijing na tapos na at kanila nang binuksan ang dalawang light house sa may Cuarteron Reef at Johnson South Reef sa Spratly Islands. Ayon kay DFA spokesperson Assistant Foreign Seccretary Charles Jose, nasa proseso pa sila sa pagkokumpirma hinggil sa nasabing report. Sinabi …

Read More »

Bongbong deklarado magbi-VP (May running mate o wala)

TULOY ang pagtakbo ni Senador Ferdinand Marcos Jr., sa pagka-bise presidente sa 2016 elections, may running mate man o wala. Sa ginanap na paglulunsad ng Bongbong Marcos for Vice President sa Intramuros, Maynila, kinausap ng anak ni dating strongman Pangulong Ferdinand Marcos ang libo-libo niyang mga tagasuporta at inilatag ang kanyang plataporma de gobyerno. Kasabay nito, inakusahan niya ang administrasyon …

Read More »

Aksiyon ng MPD sa hostage-taking idinepensa ng NCRPO chief

IDINEPENSA ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Chief Supt. Joel Pagdilao ang naging aksiyon ng mga tauhan ng Manila Police District na nagresponde sa insidente ng hostage-taking sa isang bus sa Maynila kamakalawa ng umaga. Sinabi ni Pagdilao, tactical decision ang ginawa ng mga tauhan ng Manila Police District laban sa hostage taker. Ayon sa heneral, mayroon silang …

Read More »

‘Nuisance candidates’ sa final list tatapusin sa Disyembre (Ayon sa Comelec)

PUNTIRYA ng Comelec na malinis sa nuisance candidates ang listahan ng mga kandidato sa buwan ng Disyembre. Ginawa ni Comelec Chairman Andres Bautista ang pahayag dalawang araw bago ang pagsisimula ng filing ng certificate of candidacy (COC) sa Lunes. Ayon kay Bautista, mahalagang maisaayos ang pinal na listahan dahil kailangan itong maimprenta at mailagay sa automated machines. Dahil dito, pagbibigyan …

Read More »

11 preso patay sa nasunog na Leyte Penal Colony (Naka-bartolina?)

TACLOBAN CITY – Umabot sa 11 inmates ang namatay makaraan ang naganap na sunog sa Leyte Penal Colony sa Abuyog, Leyte na tuluyang na-fire out kahapon ng madaling araw. Ayon kay Leyte Provincial Police Office (LPPO) spokesperson, Chief Insp. Edgardo Esmero, posibleng ang mga biktima ay nasa bartolina at nakalimutang i-unlock ang mga padlock nang maganap ang sunog. Sa inisyal …

Read More »

Sy, Zobel, Aboitiz pasok sa Asia’s richest — Forbes

PASOK ang tatlong mayayamang pamilyang Filipino sa 50 richest families ng Forbes sa Asya. Kinabibilangan ito ng pamilya Sy, Zobel at Aboitiz. Nasa ika-13 pwesto ang pamilya ni Henry Sy na nagmamay-ari ng SM investment corporation na may estimated net worth na $12.3 billion. Kinilala ng Forbes ang pagpupursige ni Sy para mapalago ang kanilang negosyo na nag-umpisa noong 1958. …

Read More »

‘Daang Mabilis’ ni VP binay inupakan ng Palasyo

MINALIIT ng Palasyo ang inilalakong “Daang Mabilis” ni Vice President Jejomar Binay bilang 2016 presidential bet. Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, subok na ang “Daang Matuwid” na pamamahala sa gobyerno na ipinamalas  ni Pangulong Benigno Aquino III. Napatunayan na aniya ng “Daang Matuwid” ang tapat at malinis na pamamahala at hindi ibinubulsa ang pera ng bayan. “Doon sa …

Read More »

Mayor Binay sinibak ng Ombudsman

INIUTOS ng Office of the Ombudsman ang dismissal kay suspended Makati Mayor Junjun Binay. Ito ang ibinabang utos ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales nitong Biyernes ng hapon. May kinalaman ito sa kasong administratibong kinakaharap ni Binay kaugnay sa maanomalyang Makati City Hall parking building. Paliwanag ng Ombudsman, malakas ang ebidensiyang nag-uugnay sa alkalde sa kontrobersiya sa kontrata ng parking building kaya …

Read More »

5 karnaper ng taxi patay sa shootout SA QC (Sa loob ng 5 oras)

LIMANG hinihinalang karnaper ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District Anti-Carnapping Unit at Traffic Special Action Group kahapon ng umaga sa Brgy. Payatas, Quezon City. Habang isinusulat ang balitang ito, ayon kay Chief Supt. Edgardo G. Tinio, QCPD Director,  patuloy pa ring kinikilala ng mga operatiba ang napatay na mga suspek na pawang tinamaan ng …

Read More »

Nang-abuso ng asawa piloto inaresto sa airport

INARESTO ng Aviation police ang isang piloto ng AirAsia Zest sa kaso ng paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children Act. Kadarating lang sa Ninoy Aquino International Airport ng pilotong si Captain Mark Takeahi Hill kasama ang ibang crew mula sa Macau nang arestohin sa bisa ng warrant of arrest. Nabatid na nagsampa ng kaso laban sa kanya ang dating …

Read More »

‘Felix Manalo’ parangal sa Filipino (Ayon kay Joel Lamangan)

MATAPOS mag-set ng dalawang world record sa katatapos nitong premiere night, nagsimula nang itanghal ang pelikulang “Felix Manalo” sa mga sinehan sa buong bansa ngayong Miyerkoles, na nagbigay sa mga Filipino ng pagkakataong matunghayan ang buhay ng taong nag-umpisa sa pananampalatayang kinabibilangan ng tinatayang tatlo hanggang limang milyong kapanalig sa mahigit isandaang bansa sa mundo. Inanyayahan ni Joel Lamangan, direktor …

Read More »

Bawas buwis una sa Grace-Chiz

IKINALUGOD ni Valenzuela Mayor at Nationalist People’s Coalition spokesman Rex Gatchalian ngayong Huwebes ang paninindigan ni presidential frontrunner Sen. Grace Poe at ng kanyang katambal na si Sen. Chiz Escudero “na iangat ang antas ng talakayan” at pagtuon ng  atensiyon sa mga usaping higit na mahalaga para sa mamamayan gaya ng isyu sa tax reform sa kabila ng sunod-sunod na …

Read More »

Tolentino Senador sa Vice Mayors

PINURI ng Metro Manila Vice Mayors League ang limang-taon-pamumuno ni Chairman Francis Tolentino sa MMDA at nagpahayag ng suporta sa kanyang kandidatura bilang senador sa 2016. Sa isang resolusyon na pirmado ng 17 vice mayors ng Metro Manila, binanggit nila kung paano nagpakita ng liderato at commitment sa paglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng mga programa na nagpataas ng kalidad …

Read More »

Hostage taker sa bus utas sa parak (Coed tinutukan, pasahero nagpulasan)

PATAY ang isang hindi nakilalang lalaking hinoldap at ini-hostage ang isang college student sa loob ng isang pampasaherong bus, makaraang barilin ng isang opisyal ng Manila Police District-Police Station 5 na nagresponde sa insidente kahapon ng hapon sa Pedro Gil, Ermita, Maynila. Hindi na umabot nang buhay sa Philippine General Hospital (PGH) ang suspek na may gulang na 30-35 anyos, …

Read More »

Hipag na may topak pinapak ni bayaw

POLILIO, Quezon – Walang awang ginahasa ng bayaw ang kanyang hipag na may diperensiya sa pag-iisip sa Brgy. Poblacion ng bayang ito kamakalawa. Ang biktima ay itinago sa pangalang Auring, 19, habang agad tumakas ang suspek na kinilala sa alyas na Bobby, nasa hustong gulang, pawang ng nabanggit na lugar. Ayon sa ulat ng Polilio PNP, dakong 11:00 a.m. makaraang …

Read More »

Pinagkaisa sa Caloocan (Magkakaibang partido…)

ITO ang buong pagmamalaking sinabi ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa pormal na pagpapakilala sa kanyang mga makakasama sa halalan sa susunod na taon. “Kung sa national ay nagbabangayan ang iba’t ibang political party, iba kami sa Caloocan dahil napagsama-sama natin ito sa partidong “Tao ang Una” na tayo ang nagtatag kasama ang mga kaibigan na katulad natin ay …

Read More »

Babaerong mister sinaksak ni misis

BUNSOD nang matinding galit, sinaksak ng isang ginang ang kanyang mister nang matuklasang may kabit ang lalaki kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila. Nilalapatan ng lunas sa Tondo Memorial Medical Center ang biktimang si Conrado Estoria, 47, pantry man ng Tropical Hut restaurant. Habang nakapiit sa Raxabago Police Station 1 ang suspek na si Ma. Maritess Estoria, 33, kapwa nakatira sa …

Read More »

Sariling pagbabago tunay na daan sa kaunlaran—Alunan

MALAKI ang paniniwala ni dating Interior and Local Government secretary Rafael Alunan III na ang pagbabago sa sarili ng bawat Filipino ang magsisilbing tunay na daan upang makamit ng bansa ang tunay na kaunlaran. Sa panayam ng Radyo Bombo Dagupan, iginiit ni Alunan ang kahalagahan ng leksiyon na ipinamalas ng bayani at rebolusyonaryong si Heneral Antonio Luna sa pelikula hinggil …

Read More »

Bodyguard ng Batangas solon utas sa ambush

SARIAYA, Quezon – Agad binawian ng buhay ang isang dating sundalo na bodyguard ng isang kongresista, makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki kamakalawa sa Brgy. Sto. Cristo ng bayang ito. Kinilala ng Action Team sa pamumuno ni Senior Insp. Fernando Reyes III, at Supt. Harold Deposositor, hepe ng Sariaya PNP, ang biktimang si Julito Quiring Renegado, 47, may asawa, residente …

Read More »

‘Midnight List’ para sa 200 IOs kinamada ni Mison (Inihabol bago mag-resign si De Lima)

MATAGAL nang nakakamada ang ‘midnight list’ ng mga bagong 200 Immigration Officers kahit patuloy na nag-i-interview umano ng aplikante ang Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Maynila, ito ang nabatid kahapon. Sa panayam kahapon sa mga susing empleyado ng BI, nabatid na matagal nang inayos ni Immigration Commissioner Siegfred Mison ang nasabing IOs ‘midnight list’ para agad maipapirma kay Secretary …

Read More »

BIR Chief Kim Henares kinasuhan ng graft

NAHAHARAP sina Bureau of Internal Revenue (BIR) commissioner Kim Henares at apat pang opisyal ng kasong graft sa Tanggapan ng Ombudsman base sa reklamo ng isang negosyanteng babaeng kinasuhan nila ng tax evasion at paglabag ng National Revenue Code. Sinampahan kahapon, Oktubre 7 (2015), ni Marivic Ramilo, managing partner ng Goodwill Metal Co., Ltd. sina Henares at revenue officers Jefferson …

Read More »

Sen. Joker Arroyo pumanaw sa Amerika

KINOMPIRMA ni dating Senador Rene Saguisag na sumakabilang buhay na si dating Senador Joker Arroyo sa edad 88 anyos. Batay sa impormasyon ni Saguisag, si Arroyo ay dinala sa Amerika upang magpa-opera sa puso ngunit nabigo ang mga doktor at nitong Lunes ay pumanaw ang dating senador. Ayon kay Saguisag, inaayos pa ng maybahay ni Arroyo na si Odelia Gregorio ang …

Read More »

Tolentino inasunto sa malaswang show

KINASUHAN ng grupo ng mga kababaihan sa Office of the Ombudsman si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino kaugnay sa kontrobersyal na pagsayaw ng Play Girls sa event ng Liberal Party (LP) sa kaarawan ni Laguna Rep. Benjie Agarao. Pinangunahan ng party-list group na Gabriela ang paghahain ng reklamong paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for …

Read More »