AWOL na QC cop malubha sa tandem

NASA malubhang kalagayan ang isang AWOL (absent without official leave) na Quezon City cop makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem kahapon ng tanghali sa Brgy. Obrero ng nasabing lungsod.

Nakaratay at inoobserbahan sa St. Lukes Hospital si dating PO1 Raymund Escober, 35, huling nakatalaga sa Kamuning Police Station 10.

( ALMAR DANGUILAN )