2 tulak tumba sa shootout

DALAWANG hinihinalang tulak ng droga ang napatay sa pakikipagpalitan ng putok sa mga pulis sa Navotas City.

Dakong 1:20 am kahapon nang makipagputukan sa mga pulis si Joel Carbonnel, 32, sa  Road 10, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) nang matiyempohan ng mga awtoridad habang nagbebenta ng shabu.

Habang dakong 2:15 p.m. nitong Biyernes nang mapatay si Paquito Mejos makaraan lumaban sa mga tauhan ng Navotas Police Community Precinct (PCP) 4 sa pangunguna ni Insp. Albert Trinidad, sa ipinatupad na Oplan Tokhang  sa Brgy. NBBS.

( ROMMEL SALES )