1 patay, 9 arestado sa drug ops sa Caloocan
ISA ang namatay habang siyam hinihinalang sangkot sa droga ang naaresto sa operasyon ng pulisya kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.
Kinilala ang napatay na si Nog-Nog Pangit, ng Block 39, Lot 40, Salay-Salay St., Brgy. 12 sa na-sabing lungsod, sinasabing lumaban sa mga awtoridad nang maaktohang nagbebenta ng droga.
Habang arestado ang mga suspek na sina Je-rome Asis, 25; Noel Compania, 46; Marvin Panoy, 22; Tirso Arevalo, 44; Randy Araoho, 36; Grace Bade, 30; Randy Fuentes, 27, Rose Marie Perez, 31, at Momelito Inos, 32, pawang nahaharap sa kasong paglabag R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
( ROMMEL SALES )
