Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Dalagita nabuntis, lolo tinutugis

BACOLOD CITY – Pitong buwan nang buntis ang isang dalagita makaraang gahasain ng kanyang lolo sa Negros Occidental. Ito ang lumabas sa resulta ng pagsusuri sa biktima makaraang mabunyag ang panghahalay sa kanya ng suspek na ngayon ay tinutugis ng mga awtoridad. Nabunyag ang panghahalay ng lolo sa kanyang apo nang mahalata ng mga kaklase ng biktima ang paglaki ng …

Read More »

2 dalagita ginilitan ng tiyuhin, suspek nag-suicide

CEBU CITY – Patay ang dalawang dalagita makaraang gilitan sa leeg ng tiyuhin na pagkaraan ay naglaslas din ng kanyang leeg dakong 10 p.m. kamakalawa sa Sitio Lower Kalangyawon, Brgy. Napo, lungsod ng Carcar sa Cebu. Kinilala ang mga biktimang sina Rosalyn Mangyao, 11, at Charmaine, 16, habang nagpakamatay makaraan ang krimen ang suspek na si Domingo Mangyao, kapatid ng …

Read More »

INC dasal para kay Menorca (Isyu maaaring samantalahin)

“KUMAKATOK sa tarangkahan ng langit” sa paraan ng panalangin ang mga pinuno ng Iglesia ni Cristo (INC) para humingi ng “kaliwanagan” ukol sa dati nilang kasamahan sa panunungkulan. Ito ay sa gitna ng alegasyong itinago nila ang dating ministro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na si Lowell Menorca nang labag sa sarili nitong kalooban. Ayon sa INC legal counsel na …

Read More »

‘Suspek’ utas sa bugbog sa Sta. Ana police station (Kaanak sumisigaw ng katarungan)

UMIIYAK ang babaeng kapatid at pamangkin nang dumulog sa tanggapan ng pahayagang ito dahil sa karumal-dumal na pagkamatay ng kaanak nilang  carwash boy na nakapiit sa detention cell ng Sta. Ana police station, sa Sta. Ana, Maynila nitong Linggo ng hapon. Si Gerardo Arguta, Jr., 45 anyos, ay huling nakita ng kanyang kapatid nang hatiran nila ng pagkain nitong Linggo …

Read More »

Force evacuation sa komunidad na nilamon ng sinkhole sa Benguet

BAGUIO CITY – Nadagdagan pa ang mga pa-milyang nagsilikas sa Kamanggaan, Virac, Itogon, Benguet, dahil sa banta nang paglubog ng lupa na sanhi ng sinkhole sa naturang lugar. Ito’y nang lumawak pa ang sakop ng nasa-bing sinkhole na lumamon sa ika-anim na bahay roon habang pinangangambahang mahuhulog ang iba pang kabahayan. Ayon kay Virac Punong Brgy. Noel Bilibli, pinag-iisipan na …

Read More »

Dibdib ng bebot minasa ng panadero

SWAK sa kulungan ang isang panadero makaraang lamutakin at lamasin ang dibdib ng isang 26-anyos babaeng may kapansanan sa pag-iisip sa Caloocan City   kamakalawa ng hapon.  Kasong acts of lasciviousness ang kinakaharap ng suspek na si Ariel Calaparo, 35, ng 149 Milagrosa St., Bagong Barrio ng nasabing lungsod. Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa loob ng bahay ng …

Read More »

3 paslit todas sa karne ng pawikan

LEGAZPI CITY – Kasong multiple homicide ang kakaharapin ng isang fish vendor sa Irosin, Sorsogon, makaraang malason ang isang pamilyang bumili sa kanyang ibinentang karne ng pawikan. Kasunod ito nang lumabas na resulta mula medico legal na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa tunay na sanhi ng pagkamatay ng mga biktimang sina Juvelyn Alon, isang taon at …

Read More »

Lehitimong kompanya ginagamit ng sugar smugglers

NABISTONG gumagamit ng lehitimong mga kompanya ang sindikatong nagtangkang magpuslit kamakailan ng 57 containers ng asukal mula sa Thailand na may halagang P40 milyon at naharang ng Intelligence Group (IG) ng Bureau of Customs (BOC). Naka-consign ang epektos sa Rainbow Holdings, Inc., isang kompanyang Koreano na may tanggapan sa Madrigal Business Park, Ayala, Alabang, Muntinlupa City pero pinabulaanan ng presidente …

Read More »

3 ASG patay, 4 sundalo sugatan sa Basilan clash

PATAY ang tatlong hinihinalang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group habang apat na sundalo ang nasugatan sa sagupaan sa Basilan nitong araw ng Linggo. Ayon kay Navy Commander Roy Vincent Trinidad, chief of staff ng Naval Forces sa Western Mindanao, habang nagsasagawa ng operasyon ang Joint Task Group Basilan sa pamumuno ni Col. Rolando Bautista sa Brgy. Baiwas sa bayan …

Read More »

Lopez pink castle mansion nasunog, 2 sugatan

ILOILO CITY – Dalawa ang sugatan sa nangyaring sunog sa Lopez Pink Castle Mansion sa Luna, La Paz, Iloilo City kamakalawa ng gabi. Nangyari ang insidente habang isinasagawa ang sponsored dinner ng pamilya Lopez sa loob ng mansiyon. Agad nagresponde ang 10 firetrucks at naapula ang apoy bago pa tuluyang matupok ang mansiyon. Kabilang sa sugatan ang isang bombero at …

Read More »

Palasyo nanawagan vs Lumad attacks

NAKIKIISA ang Palasyo sa panawagan ng dalawang lungsod sa Metro Manila na itigil na ang pag-atake ng paramilitary groups sa mga pamayanan ng Lumad sa Mindanao. Sa ipinasang resolusyon ng Caloocan City at Marikina City ay hinimok ang pambansang pamahalaan na ipatigil sa paramilitary groups ang pag-atake sa mga komunidad ng Lumad sa Mindanao. Tinukoy sa resolusyon ng dalawang local …

Read More »

3 milyon hindi makaboboto sa 2016 – Chiz (Dapat walang maiiwan)

NANGANGAMBA ngayon si Sen. Chiz Escudero na mahigit tatlong milyong botante ang maaaring hindi makaboto sa halalang pampanguluhan sa susunod na taon kung hindi makapagpapatala, hanggang sa susunod na Sabado, ng kanilang biometrics data. Kaugnay nanawagan ang senador sa mga kwalipikadong botante na pagtibayin ang kanilang registration bilang suporta sa information drive ng Commission on Elections (COMELEC). Ayon kay Escudero, …

Read More »

Ejercitos panggulo sa eleksiyon – Afuang

HINILING sa Commission on Elections (Comelec) na ideklarang nuisance candidates ang mag-amang sina Emilio Ramon “ER” Ejercito III at Jorge Antonio Ejercito na kapwa kandidato sa pagka-gobernador sa lalawigan ng Laguna. Ayon sa petitioner na si Abner Labastida Afuang, dapat ideklara ng Comelec na nuisance candidates o panggulo ang mag-amang Ejercito dahil inilalagay nila sa kahihiyan at ginagawang katawa-tawa ang …

Read More »

Mison muling natakasan ng puganteng Koreano (Sa ikalawang pagkakataon)

WALA pang 24 oras nang muling madakip sa Parañaque City ang puganteng Koreano na nakatakas sa Bureau of Immigration (BI) Warden’s Facility sa Bicutan nitong Setyembre 29, pero nakapagtatakang nakapuga na naman sa ISAFP detention cell sa Camp Aguinaldo, Quezon City. Kinilala ang puganteng Koreano na isang Cho Sheong Dae, wanted sa kasong robbery at extortion sa kanilang bansa, at …

Read More »

Chinese consul sugatan, 2 patay (Function room niratrat)

CEBU CITY – Sugatan ang Chinese consul general habang sugatan ang dalawa niyang kasamahan nang pagbabarilin sa isa sa function rooms ng Lighthouse Restaurant sa General Maxilom Avenue sa lungsod ng Cebu kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina Chinese Consul General Songrong Hua, Sun Shen, at isang Huil (female). Habang ang suspek ay natukoy na isang Li Qing Ling. Sinasabing …

Read More »

Pemberton inisyuhan ng deportation order (Kahit hindi pa tapos litisin sa murder case)

POSIBLENG makauwi sa Amerika si US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton kahit hindi pa siya tapos litisin sa kasong pagpatay kay Filipino transgender Jeffrey “Jennifer” Laude. Nabatid ito sa panayam ng programang Lapid Fire sa DZRJ 810KhZ kahapon, nang aminin ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfred Mison na puwedeng ipatupad ang deporation order na inilabas ng BI …

Read More »

Mison tameme sa ‘Greencard’ holder issue

ISANG mahabang dead air ang tila naging sagot ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfried Mison nang tanungin nang direkta sa isang radio program kung siya’y United States greencard holder. Ngunit imbes sagutin ng oo o hindi, isang mahabang dead air ang namagitan kay Mison at sa radio program host ng Lapid Fire sa DZRJ 810 Khz kahapon dakong 9:00 …

Read More »

Resolusyon sa kaso ni Poe aapurahin ng Comelec

BALAK ng Comelec na madaliin ang pagpapalabas ng desisyon sa mga kaso ng disqualification laban kay Senadora Grace Poe-Llamanzares, isa sa mga kandidato sa pampanguluhang halalan sa susunod na taon. Naniniwala si Comelec Chairman Andres Bautista, mas mabuting pagpasyahan agad ang mga kaso laban sa senadora  para sa halalan at maging sa demokrasya. Iginiit niya na kailangan agad lutasin ang mga …

Read More »

12 PNP officials, 3 pa kakasuhan sa AK-47 scam

PINAKAKASUHAN ng Office of the Ombudsman ang 15 opisyal ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa AK-47 scam. Ito’y batay sa desisyon na ibinaba ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ngayong Miyerkules. Nahaharap sa kasong multiple counts ng violations of Sections 3(e) of Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang nasabing mga opisyal ng pulisya dahil sa pagbibigay ng lisensya …

Read More »

Palasyo ‘di natinag sa SC order sa Arroyo case

TINIYAK ng Malacañang na hindi maaapektohan ang paghahanap ng katarungan sa mga katiwaliang nangyari noong nakaraang administrasyon sa kabila nang inilabas na status quo ante order ng Supreme Court (SC) na pumipigil sa pagdinig sa plunder case ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ng 30 araw. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, hindi natitinag ang paghahangad …

Read More »

2 pusher kalaboso sa P.5-M shabu

MAHIGIT P.5 milyon ng shabu ang nakompiska  sa dalawang naarestong drug pusher sa buy-bust operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City. Sa ulat kay PDEA Director General Arturo Cacdac Jr., naaresto makaraang makompiskahan ng 300 gramo ng shabu sina Rizaldy Quinto, 34, ng Soldier’s Village, Tala, Caloocan City, at Aliah Barauntong, 33, ng Sta. Rita, …

Read More »

Guro tumalon mula 25ft. tulay, ligtas (Sa Quezon Province)

NAGA CITY – Himalang nakaligtas ang isang guro makaraang tumalon mula sa 25 talampakang taas ng tulay ng Brgy. Bulakin 2, Dolores, Quezon kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Diwata Bonquin, 45-anyos. Ayon sa ulat, nabigla ang mga residente nang biglang sumampa ang nasabing guro sa tulay at walang pag-aalinlangang tumalon. Nasugatan ang biktima nang tumama sa mga bato sa ilog …

Read More »