Friday , November 15 2024

Masonry Layout

NPA itinuro sa kidnapping ng 3 turista, Pinay sa Samal Is.

DAVAO CITY – Inaalam ng mga awtoridad kung kagagawan ng New People’s Army (NPA) ang pagdukot sa tatlong dayuhan at isang Filipina dakong 11:30 p.m. sa Yatch Club sa Holiday Ocean View Park sa Camudmud, Island Garden City of Samal. Ito’y makaraang maka-recover ng sulat kahapon dakong 4 a.m. ang security guard na si Alfie Monoy sa bahagi ng gate, …

Read More »

Singson kalaban ninyo ‘di kami — Sekyu ni Chavit (Sinabi sa Vargas couple bago napatay)

ITO ang pahayag ng isang security guard na kinilalang si Rogelio Mariano alyas Kamatis, sinasabing tauhan ni dating Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson, sa uploaded video sa YouTube, na kuha bago ang naganap na extra-judicial killing nitong Sabado sa mag-asawang sina Roger at Lucila Vargas, kapwa lider-magsasaka ng San Jose Del Monte, Bulacan. “It is obvious that the security …

Read More »

Bautista sa Comelec, Sarmiento sa DILG lusot sa CA

PINAGTIBAY ng Commission on Appointments (CA) ang nominasyon nina Interior Secretary Mel Senen Sarmiento at Commission on Elections Chairman Andres Bautista. Ito ay makaraang irekomenda ng dalawang committee ng CA ang pagpapatibay ng nominasyon nina Sarmiento at Bautista. Walang kahirap-hirap na pumasa si Samiento sa CA at 15 minuto lamang ang itinagal sa pagdinig, ngunit si Bautista ay kinailangan pa …

Read More »

Anak na babae at lalaki tinurbo ni daddy (Misis OFW)

SWAK sa kulungan ang isang ama makaraang ireklamo ng panghahalay sa menor de edad niyang anak na babae at lalaki sa Caloocan City. Kinilala ang suspek na si Adrian Campos, 29, walang trabaho at walang permanenteng tirahan. Salaysay ni Brgy. 59 Kagawad Salvador Balatbat, inaresto nila ang suspek makaraang humingi ng tulong ang biyenan ni Campos na si Rosalinda Casabar, …

Read More »

Pamilya ng ABS broadcaster ligtas sa tandem

NAKALIGTAS sa tiyak na kapahamakan ang pamilya ng ABS CBN broadcaster na si David Oro nang mataranta ang riding in tandem na nagtangkang holdapin ang pamilya sa Quezon City, iniulat ng pulisya kahapon. Kaugnay nito, agad nagpalabas ng kautusan si Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Supt. Edgardo G. Tinio, sa kanyang 12 station commander na paigtingin ang police …

Read More »

Sanggol, ina 1 pang paslit pinatay ng ama

NAGTANGKANG magpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili ang isang padre de pamilya makaraang pagsasaksakin ang kanyang asawa at apat na anak na ikinamatay ng tatlo sa kanila sa Sitio Bukid, Brgy. Riverside, San Pedro, Laguna. Ayon kay San Pedro, Laguna Chief of Police, Supt. Cecilio Ison, kinilala ang suspek na si Ruel de Castro Maraña, 31, talunan sa sugal …

Read More »

Pinoy nurse 4 buwan kulong sa Singapore

APAT na buwan pagkakakulong ang inihatol sa isang Filipino nurse na si Ello Ed Mundsel Bello sa Singapore dahil sa kasong sedition at pagsisinungaling sa mga awtoridad. Kasunod ito nang pagpo-post niya sa social media website na Facebook nang mapanirang komento hinggil sa mga Singaporean. Kinompirma ni Foreign Affairs Assistant Secretary Charles Jose, kinasuhan ng 1 count of sedition at …

Read More »

Bigtime tulak sa Visayas nakatakas sa parak

CEBU CITY – Nagpalabas na ng direktiba ang direktor ng Police Regional Office (PRO-7) sa Cebu City Intelligence Branch (CIB) na magsagawa ng imbestigasyon sa hinggil sa sinasabing ‘leakage’ na nangyari sa operasyon laban sa tinaguriang pangalawang biggest drug lord sa Central Visayas. Malaki ang paniniwala ni PRO-7 Director C/Supt. Prudencio Tom Bañas na isang pulis na kabilang sa nasabing …

Read More »

Mag-utol na Reyes arestado sa Thailand (DFA bulag, DoJ kompirmado)

ARESTADO sa Thailand si dating Palawan Governor Joel Reyes at kapatid niyang si dating Coron Mayor Mario Reyes. Ito ang kinompirma ni Justice Secretary Leila de Lima kahapon. Ayon kay De Lima, ipinaabot sa kanya ng Interpol ang pagkakahuli sa magkapatid. Ang Reyes brothers ay pangunahing suspek sa pagpaslang sa enviromentalist at broadcaster na si Gerry Ortega noong 2011. Nabatid …

Read More »

Roxas iniwanan si Binay sa SWS Poll

PUMAILANLANG sa pangalawang puwesto si Mar Roxas, pambato ng Aquino administration, sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa mula  Setyembre 2 hanggang Setyembre 6. May sample size na 1,200 respondents ang survey at may margin of error na 3% ang mga resulta sa national at 6% sa mga lokal na area. Lumalabas na umakyat mula 21% ang …

Read More »

Aresto sa Reyes bros welcome sa Palasyo

IKINAGALAK ng Palasyo ang pagkadakip ng Interpol-Manila kamakalawa ng gabi sa magkapatid na sina Joel at Mario Reyes sa Phuket, Thailand, na wanted sa kasong pagpatay  kay environmentalist-broadcaster Gerry Ortega. Nagpasalamat ang Malacañang sa pamahalaan ng Thailand sa pakikipagtulungan sa mga awtoridad ng Filipinas para madakip ang Reyes brothers. “We thank the cooperation and assistance of the Thailand government in …

Read More »

Oral arguments sinimulan na ng SET (Sa DQ case vs Sen. Poe)

SINIMULAN na ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang oral arguments sa disqualification case laban kay Sen. Grace Poe na isinampa nang natalong senatorial candidate na si Rizalito David. Hindi dumalo ang senadora sa closed-door hearing sa Korte Suprema. Tanging ang abogado lang ni Poe na si Atty. Alex Poblador ang kumatawan sa senadora. Habang dumalo si David sa oral argument. …

Read More »

BAWD umalma sa upfront fee

MARIING tinututulan ng Bulacan Association of Water Districts (BAWD) ang hinihingi ng Bulacan Government na P350 milyon bilang upfront fee o paunang bayad sa mananalong bidder para sa bulk water. Bukod sa upfront fee, kailangan din magbigay ng taunang bayad na isang porsiyento mula sa gross annual revenue ang mananalong bidder. Ang nasabing mga kondisyon ay nakasaad sa Sangguniang Panlalawigan …

Read More »

Ex-Iloilo Gov. Niel Tupas Sr., arestohin (Utos ng Sandiganbayan)

INIUTOS ng Sandiganbayan Fifth Division ang pag-aresto kay dating Iloilo Governor Niel Tupas Sr. at tatlo pa niyang kapwa akusado sa kasong graft dahil sa maanolmalyang pagbayad ng P4 milyon para sa koryente na hindi naman nagamit ng Iloilo. Ayon sa Sandiganbayan, may probable cause ang kasong isinampa laban kay Tupas. “After a careful assessment of the records, the documents …

Read More »

5 sundalo sugatan sa IED explosion

CAGAYAN DE ORO CITY – Sugatan ang limang sundalo makaraang masabugan ng improvised explosive device (IED) sa Brgy. Pagan, Kitaotao, Bukidnon kamakalawa. Ito’y makaraang magsagawa ng normal combat operations ang tropa ng 403rd IB, Philippine Army, sa nasabing lalawigan. Inihayag ni 403rd IB commander Lt. Col. Jesse Alvarez, madaling naka-manuever ang kanilang puwersa laban sa hindi matukoy na bilang ng …

Read More »

Anak ni Jawo kinasuhan na

 KASONG attempted murder, direct assault at illegal possession of fire arms and ammunition ang isinampa ng pulisya sa Makati City Prosecutors Office laban sa anak ni basketball living legend at dating Senador Robert Jaworski at sa driver na nakipagbarilan sa mga pulis at nahulihan ng mga armas at bala nitong Sabado, Setyembre 19, ng madaling araw sa nasabing lungsod. Kamakalawa …

Read More »

Plaridel Budol-budol queen timbog

NALUTAS na ng pulisya ang serye ng mga panggagantso sa Bulacan makaraang maaresto ang isang ginang na tumatayong lider ng sindikato sa Brgy. Bañga 1st, Plaridel, sa naturang lalawigan kamakalawa ng hapon. Makaraang maaresto ay agad na kinasuhan ang suspek na si Evelyn De Guzman, 44, ang tinaguriang ‘Budol-Budol queen’ ng Bulacan, at residente ng Brgy. Makinabang sa Baliwag. Sa …

Read More »

‘Gapo, “crime capital” na ba ng Central Luzon?

KINONDENA ng Kulisan Kontra Katiwalian at Kabulukan (4K) ang kawalang aksiyon ng pulisya at pamahalaang lokal ng Olongapo City sa katakot-takot na krimen sanhi ng ilegal na droga at nakawan kaya ikinokonsidera na “crime capital” sa Central Luzon ang lungsod. Ayon kay 4K secretary general Rodel Pineda, sa halip na iutos ni Olongapo Mayor Rolen Paulino ang mabilisang paglutas sa …

Read More »

Shabu, armas kompiskado sa 4 miyembro ng Laguna drug group

LIMBAN, Laguna – Umaabot sa P60,000 halaga ng shabu at iba’t ibang uri ng matatas na kalibre ng baril ang nakompiska mula sa apat miyembro ng Papera-Rana drug group sa isinagawang drug-bust operation ng Intel Operatives ng PNP sa Bgy. Lewin, Lumban, Laguna, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Senior Inspector Richard Corpuz, hepe ng Lumban Police, ang mga suspek na …

Read More »

Mag-asawang magsasaka itinumba sa Bulacan

PATAY ang mag-asawang magsasaka makaraang pagbabarilin ng riding in tandem nitong Sabado sa San Jose del Monte, Bulacan. Ang mag-asawang sina Roger Vargas, 65, at Lucila Vargas, 60, ay lulan ng tricycle patungo sa Grotto market sa Brgy. Tungkong Mangga para itinda ang inani nilang mga gulay nang sundan sila isang motorsiklo at sila ay pinagbabaril sa Igay Road, Purok …

Read More »

Lady ring boss, bangag timbog sa P7.2-M shabu

ARESTADO sa mga awtoridad ang isang babaeng lider ng Amalie drug group at nakompiskahan ng P2.2 milyong halaga ng shabu sa Quezon City habang nakompiskahan ng P5 milyong halaga ng parehong droga ang isang bigtime drug pusher na kumanta habang bangag sa droga sa Valenzuela City. Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Quezon City Police District, District Anti-Illegal Drugs …

Read More »

Roxas anti-Bicol (Sa alok na VP kay Leni)

DESPERADO, mababaw, makasarili, salat sa malasakit para sa Bicol. Ito ang deretsahang paglalarawan ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., sa pinakahuling hakbang-pampolitika ng Liberal Party (LP) presidential aspirant na si Mar Roxas na kombinsihin ang kaprobinsyang mambabatas mula sa Camarines Sur na si Leni Robredo upang maging vice presidential candidate ng LP sa 2016. “Sa pagtakbo ni Cong. Leni …

Read More »

Roxas-Robredo 2016 takes off

“RORO” para sa “Roxas-Robredo” ang naging bansag sa umuugong na tandem ni Mar Roxas at Camarines Sur Congresswoman Leni Robredo, na pormal nang inalok maging vice presidential candidate ng Daang Matuwid ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino sa darating na Halalan 2016. Nagtungo sa Naga City si Roxas upang pormal na kausapin si Robredo, na sa ngayon ay pag-iisipan pa ang …

Read More »

Hamon kay De Lima sa Ortega murder: Reyes Usigin

TAHASANG hinamon si Justice Secretary Leila de Lima na isulong ang prosekusyon laban kina dating Palawan governor  Joel Reyes at sa kanyang kapatid na si dating Coron mayor Mario Reyes, kapwa akusado bilang utak sa pagpatay kay environmentalist-mediaman Dr. Gerry Ortega noong 2011. Pirmado ng mahigit 32,000 tagasuporta ang petisyon ng pamilya Ortega para resolbahin ni De Lima ang pagdinig …

Read More »

P20-M alahas nasabat sa NAIA

UMAABOT sa P20 milyong halaga ng mga alahas ang nasabat ng airport authorities mula sa isang babae kamakalawa ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Dumating sa NAIA Terminal 3 bandang 9 p.m. ang suspek ngunit hindi idineklara ang dala niyang tatlong bagahe para sa kaukalang import duties and taxes. Sa isinagawang inspeksiyon sa bagahe ng nasabing babae, nakuha …

Read More »