Friday , September 22 2023

17-anyos binatilyo humithit ng damo nagsaksak sa sarili (Sakit ng ulo ‘di nakayanan)

SINASABING bunsod nang hindi makayanang sakit ng ulo, nagpasya ang isang 17-anyos binatilyo na humithit ng marijuana at pagkaraan ay nagsaksak sa kanyang sarili na nagresulta sa kanyang pagkamatay dakong 9:30 pm kamakalawa sa Taguig City.

Nalagutan ng hininga bago idating sa Rizal Medical Center ang biktimang si Reden Presas, ng M. Lucas St., Purok 3, Brgy. Napindan ng lungsod.

Ayon sa ama ni Reden na si Rodolfo Presas, habang naghahapunan sila, sinabi ng anak na tumikim siya ng marijuana dahil masakit ang kanyang ulo.

Pagkaraan ay sinabi aniya ng biktima ang katagang “Magsasaksak na lang ako,” at pumunta sa kanyang silid.

Makaraan ang ilang sandali, natagpuan nila ang biktimang may saksak sa dibdib kaya agad nilang isinugod sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

( JAJA GARCIA )

About Jaja Garcia

Check Also

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

THE Department of Science and Technology (DOST) Region XII celebrated for three days from Sept. …

My Plantito Kych Minemoto Michael Ver

My Plantito fan meet dinaluhan ng mga Pinoy BL community at iba pang tagapagtangkilik

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga masugid na tagapanood ng kauna-unahang BL (Boy-Love) na serye ng …

Aiko Melendez Eddie Garcia

Aiko dapat nang ipasa ang ‘Eddie Garcia’ bill 

HINIMOK ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang Senado na ipasa ang tinatawag na “Eddie Garcia” bill, …

Domingo de Dolores Pakil, Laguna Sun Ring Rainbow

Sa Pakil, Laguna
IKA-235 PAGDIRIWANG NG DOMINGO DE DOLORES MGA DEBOTO GINULAT NG MALA-KORONANG SINAG NG ARAW

PINAG-ALAB ang pananampalataya ng mga deboto nang sila’y gulatin ng mala-koronang sinag ng araw na …

fire sunog bombero

International school sa QC, nasunog

SA kalagitnaan nang isinasagawang fire drill, biglang lumiyab ang apoy sa Starland International School (SIS) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *