Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Presidentiables dadalo sa debate

TINIYAK ng mga kandidato sa pagkapangulo at bise presidente na dadalo sila sa itinakdang debate ng Commission on Elections (Comelec) at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) kaugnay ng nalalapit na halalan. Ayon kay KBP National Chairman Herman Z. Basbaño, halos lahat ng mga kandidato sa pagkapangulo at pangalawang pangulo ay nagbigay na ng katiyakan sa Comelec-KBP na dumalo …

Read More »

Pangalan ni Poe nasa balota kung walang ruling sa Feb 1 (Ayon sa Comelec)

TIYAK na mapapasama sa balota ang pangalan ni Sen. Grace Poe sa oras na hindi makapaglabas ng desisyon ang Korte Suprema hanggang sa Pebrero 1, 2016 kaugnay nang nakabinbing disqualification cases sa hukuman. Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, isinasapinal na nila ngayon ang listahan ng mga kandidato na mapapasama sa paglimbag ng balota para sa eleksiyon sa Mayo. Nakatakda …

Read More »

Imprenta ng balota iliban (Hirit ni Drilon)

NANAWAGAN at nakikiusap kay Commission on Election (Comelec) Chairman Andres Bautista si Senate President Franklin Drilon na iliban muna ang nakatakdang Pebrero 1 na pag-imprenta ng mga balota para sa May 2016 elections. Ayon kay Drilon dapat hintayin muna ni Bautista ang magiging desisyon ng Korte Suprema ukol sa kaso ni Presidential aspirant Senadora Grace Poe hinggil sa disqualification case …

Read More »

Basilan bomber patay sa shootout

ZAMBOANGA CITY – Patay sa shootount kamakalawa ang isang lalaki na hinihinalang responsable sa pagtatanim ng bomba sa magkakahiwalay na lugar sa Basilan.  Batay sa ulat mula kay C/Insp. Gean Gallardo, hepe ng Lamitan City police station, dakong 7:20 p.m. nang isilbi ang warrant of arrest sa suspek na si Haji Jabier Pinglias. Lumaban ang suspek at pinaputukan ang mga …

Read More »

Anak tinaga ng ama (Dudang kalaguyo ng ina)

VIGAN CITY – Selos ang dahilan ng pagtaga ng isang ama sa sariling anak sa Brgy. Apang, Alilem Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Roldan Lausan, 21-anyos, habang ang suspek na kanyang ama ay si Rolando Lausan, parehong residente ng nasabing bayan. Ayon kay Senior Inspector Joel Lagto, chief of police ng PNP-Alilem, matagal nang nagseselos ang ama sa pagiging …

Read More »

Gapos gang leader arestado

ARESTADO sa pinagsanib na puwersa ng CIDG Anti-Organized Crime Division at Limay, Bataan Police ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang Japanese national na nilooban sa kanyang tirahan sa Room 26F, Malate Bay View Mansion, Adriano Street, Malate, Manila. Pinangunahan ni Supt. Samson Belmonte ng PNP CIDG ang nasabing operasyon. Naaresto ang 47-anyos suspek na kinilalang si Magnaan, sa C3 …

Read More »

Chiz binatikos si Tatad sa pambu-bully (Sa petisyon laban sa TV ad ni Poe)

“Pati ba naman TV ad gustong ipa-DQ?” Ito ang naging tugon ni vice presidential frontrunner Sen. Francis “Chiz” Escudero sa petisyong isinampa ng dating senador na si Francisco Tatad na humihimok sa Korte Suprema na aksiyonan ang pinakahuling TV ad ni Sen. Grace Poe na nagsasabing hindi siya disqualified at pasok-na-pasok pa rin siya sa karera ng panguluhan sa Mayo. …

Read More »

Suspek sa NGCP bombing ‘di matukoy — PNP

CAGAYAN DE ORO CITY – Blangko pa ang pulisya ng Lanao del Sur kung anong grupo ang responsable sa huling pambobomba sa tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Lanao del Sur. Ayon kay Lanao del Sur provincial PNP director, Senior Supt. Seigfred Ramos, nagpapatuloy pa ang kanilang intelligence monitoring kasama ang militar upang kanilang malaman kung …

Read More »

AFP routine patrols sa border ng bansa tiniyak

AMINADO ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na hindi nila nababantayan 24/7 ang borders ng bansa dahil sa napakalawak nito gayon man sinisiguro ng militar na mayroon silang ginagawang routinary patrols sa bahagi ng southern Philippines na tinagurian din backdoors ng bansa. Ayon kay AFP spokesperson BGen. Restituto Padilla, bukod sa routine patrols ng pamahalaan mayroon din silang …

Read More »

Binatilyo sugatan sa saksak ng tanod

SUGATAN ang isang 18 anyos estudyante nang pagsaksaksakin ng barangay tanod na sinita ng biktima sa pag-ihi sa pader kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Inoobserbahan sa San Juan De Dios Hospital si John Paul Christian Eugenio, ng 2417 Cuenca St. ng siyudad, dahil sa tatlong tama ng saksak sa katawan. Habang arestado ng pulisya ang suspek na si Jayson …

Read More »

Bawas-pasahe ipaubaya sa LTFRB — Palasyo

DUMISTANSYA ang Palasyo sa panukalang bawas-pasahe ng transport groups kasunod nang sunud-sunod na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ipinauubaya ng Malacanang sa Land Transportation Franchising regulatory Board (LTFRB) ang pagpapasya sa panukalang bawas-pasahe. Aniya, nasa mandato ng LTFRB na magdesisyon kung kinakailangang magpatupad ng fare adjustment. Tungkulin aniya ng …

Read More »

Bebot dedbol sa bundol, driver ng SUV kinuyog

DAGUPAN CITY – Agad binawian ng buhay ang isang babae makaraang banggain ng isang SUV habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa Cabanatuan, Nueva Ecija kamakalawa. Bali ang balakang ng biktimang si Ella Lopez na tumilapon pa ng ilang metro dahil sa lakas ng impact bago nabagok ang ulo nang tumama sa konkretong poste. Nabigla ang mga kaibigan niyang kasamang …

Read More »

Rehab works sa ‘Yolanda victims’ mabagal — UN

AMINADO ang United Nations (UN) na nababagalan ito sa ginagawang rehabilitasyon para sa mga biktima ng bagyong Yolanda kasabay ang pangambang abutan pa sila ng panibagong kasinglakas na bagyo. Sinabi ni UN Special Representative of Secretary General for Disaster Risk Reduction Margareta Wahlstrom, nababagalan sila sa ipinatutupad na rehabilitation works ng gobyerno sa mga sinalanta ng kalamidad dahil hanggang ngayon …

Read More »

SSS sinisi ni Belmonte

TAHASANG sinisi ni House Speaker Feliciano Belmonte ang pamunuan ng Social Security System (SSS) kung bakit naipasa ang pension hike bill nang wala ang kaakibat na dagdag poder sa SSS board. Ayon kay Belmonte, napakatahimik ng liderato ng SSS sa panahong tinatalakay ang bill kaya hindi nailakip ang pagbibigay ng kapangyarihan sa board. Puro subbordinates at legal counsel aniya ang …

Read More »

Magtiyahin patay, 3 sugatan sa charger (Sa Negros)

BACOLOD CITY – Patay ang magtiyahin habang tatlo ang sugatan sa nangyaring sunog sa Negros Occidental dakong alas-1:20 a.m. kahapon. Kinilala ang mga namatay na si Lalaine Francisco at pamangkin niyang si John Lloyd alyas Jim-Jim, 12-anyos, residente ng Brgy. 9, Victorias City. Habang ang mga sugatan ay kinabibilangan ni Rowena Francisco, at mga anak niyang sina Angel at Jan …

Read More »

Palasyo itinangging walang ginawa si PNoy sa SAF 44

MARIING itinanggi ng Malacañang na pinabayaan at walang ginawa si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para iligtas ang napapalabang 44 PNP-Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao. Magugunitang sinabi ni Sen. Juan Ponce-Enrile, may hawak siyang ebidensiya para patunayang aktibong kabahagi si Pangulong Aquino sa pagpaplano at preparasyon ng Mamasapano operation ngunit walang ginawa sa kasagsagan ng operasyon hanggang matapos …

Read More »

7 adik tiklo sa drug den

PITO katao ang naaresto ng mga awtoridad, kabilang ang dalawang babae, makaraang mahuli sa aktong gumagamit ng ipinagbabawal na droga sa isang drug den sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Marvin Rivamonte, 30; Julius Dizon, 25; Reccar Braga, 20; Edmar Bayanay, 32; Paul Vincent Funa, 23; Joan Saligan, 32, at Rhoda Garcia, 43-anyos. Ayon …

Read More »

Sama-samang aksiyon laban sa kahirapan (INC nanawagan)

SA ulat na kalahati sa bilang ng pamilyang Filipino ay itinuturing na mahihirap, nanawagan ang Iglesia Ni Cristo (INC) sa bansa na sama-samang labanan ang kahirapan sa pagpapatuloy ng kanilang “anti-poverty outreach program” na naglalayong bigyan ng “tunay, makatotohanan at kongkretong paglingap” ang komunidad sa kanayunan sa buong bansa. Ayon kay INC General Auditor Glicerio B. Santos, Jr., ang Iglesia …

Read More »

Black Friday protest vs veto ilulunsad

MAGLULUNSAD ng serye ng Black Friday Protest ang mga apektadong sektor upang kontrahin ang pag-veto ni Pangulong Benigno Aquino III sa panukalang P2,000 across the board increase ng Social Security System (SSS) pensioners.  Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares, ang Black Friday Protest ay pagsusuot ng itim tuwing Biyernes upang ihayag ang pagtutol sa veto ng Pangulo sa panukala. …

Read More »

6 patay sa Tagaytay menor de edad na wala pang lisensiya

NATUKOY na ang pag-kakakilanlan ng apat mula sa anim namatay nang lumiyab ang kanilang sasakyan makaraang bumangga sa concrete barrier at puno sa Tagaytay City dakong 2:44 a.m. nitong Linggo. Nabatid na pawang menor de edad ang mga biktima at wala isa man sa kanila ang may lisensiyang magmaneho.       Sinabi ni Tagaytay City chief of police, Supt. Ferdinand Quirante, sakay …

Read More »

Armas sa terror attack sa Jakarta galing sa PH?

KINOMPIRMA ng opisyal sa Indonesia na ang mga baril at pampasabog na ginamit sa madugong pag-atake ng mga terorista sa Jakarta noong nakaraang linggo ay galing sa Filipinas. Ang nasabing ulat ay mula sa panayam ng Wall Street Journal kay Indonesian police spokesperson Anton Charliyan. Tinawag pang “well built” ang nasabing mga armas mula sa Filipinas. Aabot sa siyam na …

Read More »

Barker utas sa sekyu

PATAY ang isang barker makaraang saksakin ng guwardiya nang mapikon ang suspek dahil ibang pasahero ang pinasakay ng biktima sa ipinatawag niyang taxi sa Pasay City kahapon ng madaling-araw. Nalagutan ng hininga bago idating sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Severo Abulencia Jr., 58, ng Block 2, Lot 30, Sta. Rita Street, Brgy. 178, Zone 19, Maricaban ng nasabing …

Read More »

Pinay, asawang Egyptian tiklo sa Kuwait (250 kls. shabu, 4-K narcotic pills nakompiska)

INIHAHANDA na ang mga kasong isasampa laban sa isang Filipina at asawa niyang Egyptian sa Salimya, Kuwait makaraang madakip sa isinagawang drug-buy bust operation. Ayon sa ulat, patuloy pang inaalam ang pangalan ng naturang Filipina at ang kanyang asawa. Ayon sa Kuwaiti authorities, nakuha sa bahay ng mag-asawa ang 250 kilo ng shabu na nakasilid sa envelop at 4,000 narcotic …

Read More »

Bigtime oil price rollback ipatutupad

MAGPAPATUPAD nang panibagong big time rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis simula ngayong araw. Aabot hanggang P1.50 ang ibabawas sa kada litro ng diesel, habang P1.20 ang ikakaltas sa halaga ng gasolina. Kabilang sa nag-abiso ang Shell at PTT, na magsisimula ng rollback ngayong araw dakong 6 a.m. Ang rollback ay bunsod ng pagbaba …

Read More »

Kampanya vs terorista dapat paigtingin — Alunan

IGINIIT ni dating Department of Interior and Local Government Secretary Rafael Alunan III  na dapat paigtingin ng pamahalaan sa pamamagitan ng pulisya at militar ang paglaban sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na matagal nang nakipag-alyansa sa barbarong Islamic State of Syria and Iraq (ISIS). Ayon kay Alunan, hindi dapat maging kampante ang pulisya at militar lalo’t nagsagawa …

Read More »