Thursday , June 4 2026
road accident

2 sugatan sa motorsiklo vs kotse

DALAWA ang sugatan makaraan sumalpok ang isang motorsiklo sa isang kotse kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Ginamot sa Parañaque District Hospital ang mga biktimang si Vincent Quirante, 42, driver, at ang back rider niyang si alyas Alex, ng Bacoor, Cavite.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Edgar Suarez ng Parañaque City Traffic Enforcement Unit, dakong 9:30 pm lulan ang mga biktima ng isang motorsiklo habang binabagbatas ang Roxas Blvd. nang sumalpok sila sa itim na Toyota Corolla (VC-8349) na minamaneho ni Luvern Sampang.

Sa salaysay ni Sampang, malayo pa lamang ay napansin na niya na pagewang-gewang ang motorsiklo hanggang sa bumangga sa kanyang sasakyan.

( JAJA GARCIA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …