MULING pinalawig ng Supreme Court (SC) ang status quo ante order sa planong paghihimlay sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Ayon kay SC spokesperson, Atty. Theodore Te, nagpasya ang mga mahistrado na muling palawigin hanggang Nobyembre 8 ang status quo ante order para sa Marcos burial. Aniya, kamakalawa pa lamang umikot sa mga mahistrado …
Read More »Masonry Layout
PH war on drugs nais gayahin ng karatig bansa sa Asya
NAIS gayahin ng mga bansa sa Asya ang istilo ng Filipinas sa kampanya kontra ilegal na droga. Nalaman ito ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa nang magsama-sama ang mga hepe ng pulisya ng ASEAN sa anibersaryo ng Royal Thai Police noong nakaraang Linggo. Sinabi ni Dela Rosa, nape-pressure na ang hepe ng pulisya ng Indonesia dahil sinasabihan siya …
Read More »Killer ng ex-wife ni Kerwin pinatay kasabay ng B-day (Kasabwat ni Kerwin sa UAE tinutukoy)
CEBU CITY – Patay ang isa sa itinuturong mga suspek sa pagpatay sa dating misis ni Kerwin Espinosa na si Analou Llaguno. Kinilala ang napatay na si Michael Lendio, 41, residente sa Brgy. Duljo Fatima, Cebu City. Ayon kay PO3 Cristobal Geronimo, imbestigador ng Homicide Section ng Cebu City Police Office, nag-iinoman ang biktima at mga kaibigan upang ipagdiwang ang …
Read More »Lawin supertyphoon — foreign agencies
NASA supertyphoon category na ang bagyong Lawin kung pagbabatayan ang pagtala ng foreign weather agencies. Sa tala ng The Weather Channel sa Amerika, umaabot na sa 220 kilometers per hour (kph) ang lakas ng hangin ng typhoon Lawin (international name Haima). Ito ay katumbas na ng Category 4 na hurricane dahil nasa pagitan 210kph hanggang 249 kph na kategorya. Ang …
Read More »Sasakyan ng security ni Sec. Aguirre binaril
BINARIL ang sasakyan ng close in security ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre. Taliwas sa unang impormasyon, nilinaw ni Justice Undersecretary Erickson Balmes, hindi ang bahay ni Aguirre ang binaril kundi ang pribadong sasakyan ni Senior Inspector Recaredo Sarmiento Marasigan. Nagmamaneho sa expressway si Marasigan nang maramdaman niya na may tumama sa kanyang sasakyan. Inakala niyang may bumato lamang sa kanyang …
Read More »Drug dealers sa Davao pumuslit
DAVAO CITY – Kinompirma ng Davao City Police Office (DCPO) na ilan sa drug dealers na kanilang sinusubaybayan ay umalis na sa lungsod dahil sa mas mahigpit na kampanya laban sa illegal drugs. Ayon kay DCPO spokesperson, Senior Insp. Catherine dela Rey, mula nang binisita nila ang mga tirahan ng mga pinaniniwalaan at kompirmadong drug dealers, umalis na sila sa …
Read More »1,661 ‘neutralized’ sa anti-drug ops (‘Killed’ pinalitan)
PINALITAN ng PNP ang termino nila para sa napapatay na mga drug suspect sa lehitimong anti drugs operations. Sa inilibas na datos ng Oplan Double Barrel ng PNP kahapon, tinanggal na ang salitang “killed” at pinalitan ito ng salitang “neutralized.” Paliwanag ni PNP spokesman, Senior Supt. Dionardo Carlos, walang intensyon ang mga pulis na patayin talaga ang target na mga …
Read More »Pagsibak kay De Lima hinarang ni Umali
MARIING tinutulan ni House committee on justice chairman, Rep. Reynaldo Umali ang suhestiyon na irekomenda ang pagpapasibak sa puwesto kay Sen. Leila de Lima. Binigyan diin ni Umali, malinaw na paglabag sa inter-parliamentary courtesy ng Kamara at Senado ang suhestiyon na ito ni Kabayan Rep. Harry Roque. Binara ni Umali ang iginigiit ni Roque na dapat irekomenda ng Justice Committee …
Read More »JV aprub sa Japan trip ni Duterte
PINAYAGAN na ng Sandiganbayan ang pagsama ni Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito sa state visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan sa Oktubre 25 hanggang sa Oktubre 27. Ito ay makaraan paboran ng Sandiganbayan Sixth Division ang “urgent motion to travel” ng senador. Kasabay ng pabor na pasya ng anti-graft court ay pinasusumite ang kanyang kampo ng requirements kabilang ang …
Read More »Biyahe ng cargo vessel sa Cebu kinansela
CEBU CITY – Kinansela na ng Philippine Coast Guard Cebu (PCG)-7 ang biyahe ng small sea craft at cargo vessel dahil sa bagyong Lawin. Ayon kay PCG-7 Commander Agapito Bibat, hindi na nila pinayagang bumiyahe ang mga cargo vessel na patungong Catanduanes dahil mayroon nang signal warning doon. Nilinaw niyang bagama’t wala pang signal warning ang Cebu, mahigpit nilang ipinagbabawal …
Read More »Ama patay sa sagasa (Anak hinihintay)
ILOILO CITY – Patay ang isang ama makaraan masagasaan ng 10-wheeler truck sa Aglalana, Passi City kamakalawa. Ayon kay Supt. Ruby Gumban, hepe ng Passi City Police Station, hinihintay ng biktimang si Manolo Murillo ang kanyang anak sa harap ng Aglalana Elementary School nang mangyari ng insidente. Bukod sa namatay na biktima, inararo rin ng truck na minamaneho ni Carlo …
Read More »2 patay, 1 kritikal sa ambush
PATAY ang dalawang lalaking hinihinalang sangkot sa droga habang kritikal ang kalagayan ng isa pa makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek sa mga lungsod ng Las Piñas at Makati. Sa pagsisiyasat ng pulisya, pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktimang hindi pa nakikilala sa Vatican St., BFRV, Talon Dos, Las Piñas City dakong 2:40 am. Samantala, si Arnold Omandac, 33, …
Read More »2 salvage victims natagpuan sa Navotas
NATAGPUAN ang dalawang bangkay ng hindi nakilalang lalaking hinihinalang biktima ng extrajudicial killings sa madilim na bahagi ng kalsada sa Navotas city kahapon ng madaling araw. Ayon kay Navotas Police deputy chief for operation, Supt. Bernabe Embile, dakong 1:30 ng madaling araw nang matagpuan ang mga biktima ng nagpapatrolyang mga barangay tanod sa Santillan Street, Brgy. San Jose. Sa imbestigasyon …
Read More »Mag-utol dedbol sa parak (Tulak patay sa vigilante)
PATAY ang magkapatid makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa anti-illegal drug operation habang patay ang isang hinihinalang sangkot sa droga nang pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng vigilante group sa Caloocan City. Agad binawian ng buhay sa insidente ang mga biktimang sina Jessie Arceo at si Jojie Arceo, kapwa nasa hustong gulang, ng Sampaguita St., Green Valley Phase 5, Brgy. …
Read More »Kerwin Espinosa arestado sa Abu Dhabi
INIHAYAG ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa kahapon ang pagkaaresto sa hinihinalang drug lord na si Kerwin Espinosa sa Abu Dhabi. Ayon kay Dela Rosa, si Espinosa ay naaresto dakong 2:00 am kahapon. “With the help of Abu Dhabi police, just this morning 2:00 am our team arrested Kerwin Espinosa,” ayon kay Dela Rosa. …
Read More »Case build-up vs Central Visayas narco-cops lilinaw na
CEBU CITY – Malilinawan na ang mga alegasyon laban sa mga pulis na sangkot sa ilegal na droga kasunod nang pagkakadakip sa bigtime drug lord sa Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa. Ito ang sinabi ni Police Regional Office Director 7 Chief Supt. Noli Taliño makaraan lumabas ang balita na nadakip na si Kerwin sa Abu Dhabi. Ayon kay Taliño, …
Read More »Unity rally, prayer vigil inilunsad ng Kailian marchers sa SC (FEM sa Libingan ng mga Bayani)
UNITY rally at prayer vigil ang inilunsad ng Kailian marchers bilang pagtatapos ng kanilang lakbayan, sa harap Supreme Court (SC) hanggang ilabas ang pinal na desisyon kaugnay sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos (FEM) sa Libingan ng mga Bayani (LNMB). Hindi magkamayaw ang mga tagasuporta ng dating Pangulo sa pagsigaw ng katagang “Marcos pa rin! Marcos idi, Marcos …
Read More »Isyung EJKs demolisyon ng ‘dilawan’ vs Digong (Tumining na)
PAKANA ng ‘dilawan’ ang pagdawit kay Pangulong Rodrigo Duterte sa extrajudicial killings sa bansa na sinakyan ng US, Eupropen Union at United Nations bilang ganti sa pangungulelat noong nakalipas na eleksiyon. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na inumpisahan ng mga ‘dilawan’ ang demolition campaign laban sa kanya nang tumaas nang todo ang kanyang ratings noong nakalipas na presidential elections na …
Read More »Drug war magpapatuloy
BRUNEI – Binigyang-diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng Filipino community sa Brunei, magpapatuloy ang kanyang maigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa Filipinas. Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa Indoor Stadium Hassanal Bolkiah National Sports Complex sa harap ng 6,000 Filipino. Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi siya papatinag o papipigil sa tinatanggap na mga batikos …
Read More »Sindikato sa judiciary binalaan ni Digong
BILANG na ang araw ng judiciary fixer at bentahan ng kaso sa panahon ng administrasyong Duterte. Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panayam ng Al-Jazeera, naniniwala siya sa judicial system dahil ginagarantiya niya na masusunod ang mga batas habang siya ang nakaupo sa Palasyo. “Right now, I still believe in the system because I will guarantee this time that the …
Read More »4.3 kgs cocaine nasabat sa Venezuelan (Sa NAIA Terminal 3)
ARESTADO ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pamamagitan ng tulong ng US-DEA, ang isang Venezuelan national sa pagpuslit sa bansa ng 4.3 kilo ng high-grade cocaine na nakatago sa loob ng sachets ng hair coloring solution. Kinilala ng NAIA customs authorities sa pamumuno ni District Collector Ed Macabeo at X-ray Inspection …
Read More »Kamara maglalabas ng reward money vs Ronnie Dayan
PLANO ng Kamara na maglabas ng reward money upang agad maaresto ang nagtatago na dating driver ni Sen. Leila de Lima na si Ronnie Dayan. Ayon ito kay House justice committee chairman, Rep. Reynaldo Umali at sinabing kanya itong idudulog kay House Speaker Pantaleon Alvarez. Ngunit hindi sinabi ni Umali kung magkano ang itatakda nilang halaga bilang reward sa pagdakip …
Read More »Lawin tinatayang magiging supertyphoon (NDRRMC todo-handa sa pagpasok ni Lawin)
PINAGHAHANDA ang lahat sa pagpasok ng bagong bagyo na tatawaging “Lawin” dahil mas malakas ito kompara sa bagyong Karen. Inaasahang magiging supertyphoon ang naturang bagyo na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) dakong hapon nitong Lunes kung hindi magbabago ang direksyon at bilis nito. Base sa weather update ng Pagasa, namataan ang sama ng panahon sa 1,265 kilometro sa …
Read More »12 katao arestado sa anti-illegal drug ops sa Lucena
NAGA CITY – Aabot sa 12 katao ang naaresto sa anti-illegal drug operation ng mga awtoridad sa Purok Mutya, Brgy. Cotta, Lucena City kamakalawa. Kinilala ang mga suspek na sina Corazon Tabernilla, 49; Arturo Conti, 61; Emerson Generali, 54; Randolph Romero, 53; Jesus Barros, 42; Michael Recto, 41; Erickson Tan De Guzman, 39; Roilan Millan, 38; Efren Llanera, 30 ; …
Read More »4 akyat-bahay tiklo sa QC
NADAKIP ang apat hinihinalang akyat-bahay, kabilang ang isang nasa drug watchlist ng Quezon City Police District (QCPD), sa follow-up operation ng pulisya, iniulat kahapon. Sa ulat kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar mula kay Supt. Rodel Marcelo, Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) chief, kinilala ang mga nadakip na sina Elpidio de Tomas Rafael, 44; Francisco Penarubia …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com