Thursday , November 30 2023

Pulis at sundalo pa rin paniniwalaan ko — Digong (Kahit nagsisinungaling)

IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkoles, kahit nagsisinungaling ang pulis sa oras na naaargabyado sila sa kanilang “line of duty,” sila pa rin ang paniniwalaan niya.

Ngunit sinabi niyang ‘yung mga sinampahan ng reklamo ay dapat lamang harapin nila ang kaso.

“Itong sa pulis sa Albuera, of course I will believe the police even if [what they are saying] is not true … and you, the military guys, kasi magkasama tayo sa gobyerno, ako ‘yung Commander-in-Chief,” pahayag ni  Duterte sa harap ng mga pulis at sundalo makaraan ang isang golf tournament sa Camp Aguinaldo.

Pinatutungkulan niya ang pagkapaslang kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa sa loob mismo ng kanyang selda sa isang kulungan sa Baybay City.

Ayun sa mga opisyal ng pulisya sa Leyte, napatay si Mayor Espinosa sa isang shootout sa loob ng kulungan.

Habang taliwas ang sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI), at batay anila sa kanilang imbestigasyon sa kaso, pinatay si Espinosa sa isang insidente ng “rubout.”

“So kung sabihin ko sa inyo ang nangyari, ‘yun na ‘yun para sa akin. Now if I really wanted to fix the case, the Justice Department is under me. Tingnan labas nila, it was a rubout so we face the music,” pahayag ni Duterte.

Aniya, kahit yung mga ka-fraternity niya sa Lex Talionis ay pananagutin niya.

“‘Yung commissioner brod ko pa. Niyari ko talaga. Walang — it’s — hindi ito atin eh, tao ‘to.”

Pinatutungkulan niya ang nagbitiw na Bureau of Immigration officials na sina al Argosino at Michael Robles, nasangkot sa  milyon-milyong-pisong tangkang pangingikil sa negosyanteng si Jack Lam.

“Public interest says that I should support the police and I should believe them. Now you have a story there, we’ll provide to the court,” pahayag ni Duterte.

“Kasi kung anong sabihin ng taga-gobyerno ‘yun — eh ano ‘yang trabaho mo eh ‘di tatanong ka ng totoo. Alang-alang magsususpetsa pa ako sa iyo,” dagdag niya.

About hataw tabloid

Check Also

Bongbong Marcos Rodrigo Duterte

Partisano, Agila Party kinondena maugong na ‘destabilization plan’

NANAWAGAN ng isang armadong grupo, kinilala sa pangalang Partisano, sa mga manggagawa at mamamayan na …

112923 Hataw Frontpage

Para sa klarong refund sa customers dulot ng overcharging na WACC
RESET NG MERALCO RATE PINAMAMADALI SA ERC

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) na madaliin ang pag-reset ng …

112923 Hataw Frontpage

Tinabla sa pamamalakaya
MANGINGISDA NAGBIGTI SA DEPRESYON

ni Rommel Sales WINAKASAN ang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti ng isang 27-anyos mangingisda dahil …

SMFI Scholar 1

Education: A leverage for limitless aspirations
SM Foundation’s scholarship program empowers dreams of youth

In a world brimming with boundless possibilities, education serves as a powerful lever that propels …

Alden Richards Barbie Forteza, David Licauco Sanya Lopez

Alden bibida sa isang historical action-drama

MA at PAni Rommel Placente MAY bagong serye si Alden Richards sa GMA 7, na isang historical action-drama …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *