IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na masakote at makompiskahan ng mahigit sa P100,000 halaga ng shabu sa Caloocan City, iniulat ng pulisya. Kinilala ni Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na isang alyas Remuel, 48 anyos, house painter, residente sa Phase 8 Block 171 Lot 3 Package …
Read More »Masonry Layout
Sa Caloocan
Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI
HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad ng irigasyon upang mapabuti ang seguridad sa pagkain ng bansa sa gitna ng patuloy na paglobo ng populasyon. “Kung hindi sisimulan ng gobyerno ang isang komprehensibong programa sa modernisasyon ng sektor ng agrikultura, magiging mahirap para sa bansa na makamit ang seguridad sa pagkain, lalo …
Read More »P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan
TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam sa isinagawang anti-criminality operations ng pulisya sa Bulacan kamakalawa. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nakasaad na dakong 11:40 pm, ang mga tauhan ng San Miguel Municipal Police Station (MPS) ay nagkasa ng matagumpay na drug sting …
Read More »
Sa Siniloan
NEGOSYANTENG MISIS PATAY SA 2 HOLDAPER
ni Roderick Palatino SINILOAN MPS – Patay ang isang ginang habang ang kaanak na tricycle driver ay sugatan sa naganap na robbery/holdap kamakalawa ng gabi, Lunes, 15 Abril 2024, sa Siniloan, Laguna. Sa ulat, nabatid na dakong 6:30 pm kamakalawa nang maganap ang insidente ng pagnanakaw at pamamaril sa Brgy. Mendiola. Kinilala ang biktimang pinaslang na si Lydia Susondoncillo …
Read More »Jake Cuenca napipisil na gumanap bilang Gringo Honasan
MATABILni John Fontanilla BUSY year para sa Borracho Films ang 2024 dahil tatlong malalaking pelikula ang kanilang gagawin. Isa na ang pelikulang One Dinner A week na pagbibidahan ni Edu Manzano, Spring In Prague na ang ilang eksena ay kinunan sa ibang bansa, at ang The Life Story of a Senator Gringo Honasan na isa sa mga artistang napipisil para gumanap bilang Gringo Honasan si Jake Cuenca. Ayon nga kay Sec. Gringo, magiging …
Read More »
Sa Digong-China gentlemen’s agreement
‘CAUCUS’ SAGOT NI TESDAMAN
Sa hiling na imbestigasyon ni Hontiveros
ni NIÑO ACLAN WALA pang katiyakan dahil ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva kanila pang pag-uusapan sa isang caucus sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso ang kahilingan ni Senadora Risa Hontiveros na imbestigahan ang sinabing gentlemen’s agreement sa pagitan ng China at ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Villanuea, kailangang matukoy …
Read More »
Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams
Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM City Clark In the Philippines, a significant number of students often face uncertain paths to higher education, especially those from low-income communities. Often, the pressing need to support their families leads them to consider skipping college altogether and entering the workforce straight out of high …
Read More »Alfie Alley Year 2 – The Ultimate Celebration of Street Culture, Art, Music and Drinks Returns with Alfonso Brandy
Manila, Philippines – With the echoes of last year’s resounding success still reverberating, Alfonso Brandy is thrilled to announce the highly-anticipated return of Alfie Alley in its second year. This nationwide event is poised to ignite the streets of Luzon, Visayas, and Mindanao with the electrifying energy of street culture, music, art, and the unmatched taste of Alfonso Brandy. In …
Read More »Criminal gang member, arestado sa entrapment
ARESTADO ang isang miyembro ng ‘Dacallos Criminal’ gang na sinabing sangkot sa ilegal na pagbebenta ng baril matapos matiklo sa entrapment operation sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Intelligence Section hinggil sa ilegal na pagbebenta ng baril ng suspek na si alyas Kwatog, 23 anyos, ng Brgy. …
Read More »3.2-M backlogs sa plastic cards ng LTO makokompleto na
INIHAYAG ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na makokompleto na ang 3.2 milyong backlog sa plastic cards ng driver’s license sa loob ng 45-araw. Sa press briefing nitong Lunes, sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, muli silang nakatanggap ng 600,000 piraso ng plastic card na ginagamit sa pag-imprenta …
Read More »
Sa P.6-M shabu
2 TULAK HULI SA KANKALOO
HINDI nakaligtas sa kamay ng mga awtoridad ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan ng mahigit P.6 milyong halaga ng shabu nang maaresto ng pulisya sa ikinasang buybust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Bebe, 23 anyos, ng Brgy. 120; …
Read More »Lalaki ‘bumulagta’ sa boga ng 2 suspek
BUMULAGTA ang duguang katawan ng 40-anyos lalaki nang pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek sa Malabon City, Linggo ng madaling araw. Kaagad nalagutan ng hininga ang biktimang si Ruel Clapano, residente sa C. Perez St., Brgy. Tonsuya sanhi ng isang tama ng bala sa ulo habang mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Sanciangco St., sa nasabing barangay. …
Read More »2 kelot nakiramay kahapon pinaglalamayan ngayon
PATAY ang dalawang obrero makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang nakikipaglamay sa nakaburol na kapitbahay sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Dead on arrival sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang biktimang kinilalang si Antonio Francisco, Jr., 34 anyos, residente sa Phase 8, Brgy. 176, Bagong Silang sanhi ng tama ng bala sa kanang dibdib. Binawian din …
Read More »
Bakit hindi pa naaaresto?
QUIBOLOY MAPANGANIB — HONTIVEROS
NANINIWALA si Senadora Risa Hontiveros na isang mapanganib na tao si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) appointed son Pastor Apollo Quiboloy kung kaya’t nagbabala na dapat maaresto ng awtoridad sa lalong madaling panahon. Ipinagtataka ni Hontiveros, sa kabila na dalawang warrant of arrest ang inilabas laban kay Quiboloy ay patuloy na nakalalaya at maituturing na pugante sa batas. “Pugante si …
Read More »PRO 3 host ng CL Anti-Illegal Drugs Summit
IDINAOS ng Police Regional Office 3 ang 1st Central Luzon Anti-Illegal Drugs Summit, kalahok ang hindi bababa sa 200 indibiduwal, kahapon, Lunes, 15 Abril 2024. Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) 3 sa pamumuno ni Atty. Anthony Nuyda ang summit na naglalayong mapanatili ang sama-samang pagsisikap na patuloy na labanan ang ilegal na droga at itulak …
Read More »P540 ‘obats’ nasamsam, 25 tulak nasakote
HALOS mapuno ang mga piitan sa Bulacan matapos maaresto ng pulisya ang 25 durugistang tulak sa isinagawang sunod-sunod na operasyon ng pulisya sa lalawigan hanggang kahapon,15 Abril 2024. Sa ulat na isinumite kay P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, unang nagkasa ng matagumpay na drug sting operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Jose Del …
Read More »Hajji never pang nabastos ng mga batang celebrity
HINDI pa raw nakaranas si Hajji Alejandro na may nakababatang celebrity na bastos o walang respeto. “Kasi marami rin akong naririnig na ganoon na fortunately hindi ko na-experience ‘yan at all, in fact kabaligtaran ang na-experience ko riyan. “Sample lang, ‘Eat Bulaga,’ nag-guest ako noong kasikatan ni Maine Mendoza at saka ni Alden [Richards], nasa isang dressing room ako, bihira na akong… …
Read More »Streetboys, Manoeuvres, UMD magsasama-sama sa isang concert
RATED Rni Rommel Gonzales NASA Pilipinas ngayon si Spencer Reyes, ang sikat na dancer na member ng grupong Streetboys. May dance concert kasi ang mga sikat na dance groups noong 90’s kaya naman mula sa UK ay umuwi muna si Spencer para makasama sa concert. Tinanong namin si Spencer kung ano ang naramdaman niya na may produksiyon na binigyan ng pansin silang …
Read More »Lipa City dinaragsa ng mga turista
DINARAYO ngayon ang Lipa City dahil sa kanilang mga tourist spots at dahil na rin sa masarap nilang lomi. Natikman na namin ito at masasabi naming ito ang pinakamasarap na lomi na nakain namin. Sa pagdagsa ng mga turista sa Lipa, proud ang aming kaibigan na si Joel Umali Pena na sjyang presidente ng Tourism ng nasabing lungsod, na may hashtag na …
Read More »
Sa Batangas
P13.3-B SHABU NASABATDRIVER DI-LISENSIYADO
Promotion iginawad sa hepe ng pulisya
ni RODERICK PALATINO KAMPANTENG ibiniyaheng isang 47-anyos driver ng van kahit walang lisensiya sa pagmamaneho ang halos dalawang toneladang ilegal na droga o shabu, tinatayang aabot sa P13.3 bilyong halaga, sakay ng isang van ngunit nasakote ng mga awtoridad sa Alitagtag, Batangas kahapon ng umaga, Lunes, 15 Abril 2024. Sa ulat mula sa Alitagtag Municipal Police Station na pinamumunuan ni …
Read More »2 durugista, 6 wanted, swak sa hoyo
Dalawang durugista at anim na wanted na mga kriminal ang sunod-sunod na inaresto ng pulisya sa Bulacan sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa kamakalawa. Nagresulta ang ikinasang buybust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Rafael at Obando Police MPS, sa pagkaaresto ng dalawang durugista na naaktohan sa paggamit at pangangalakal ng ilegal na droga. Nasamsam sa operasyon …
Read More »PRO 4A handa at alerto para sa 2-Day Transport Strike
Camp BGen Vicente P Lim – Nakahanda at asahang mapagbantay ang Police Regional Office CALABARZON, sa pamumuno ni P/BGen. Paul Kenneth Lucas, Regional Director, sa dalawang araw na idineklarang transport strike ng PISTON at Manibela, Lunes at Martes, 15-16 Abril 2024. Inutusan ni P/BGen. Lucas ang lahat ng police provincial directors sa PRO CALABARZON na mahigpit na pamunuan ang pagbabantay …
Read More »
Sa 2 buybust operations sa Laguna
P.5-M SHABU KOMPISKADO, 4 TULAK ARESTADO
Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang apat na drug personalities sa magkahiwalay na anti-illegal drug buybust operation ng pulis-Biñan at pulis-Alaminos sa lalawigan ng Laguna. Kinilala ni P/Col. Gauvin Mel Y. Unos, Acting Provincial Director, Laguna PPO, ang mga suspek na sina alyas Hari, residente sa Quiapo, Manila, alyas Joseph residente sa Dasmariñas City, Cavite, alyas Menchie residente sa …
Read More »
‘Pakinggan si Villar’
ANING MASAGANA LILIKHA NG TRABAHONG MARAMI
INIHAYAG ni Senate Committee on Agriculture and Food chairperson Sen. Cynthia A. Villar na mababawasan ang pangangailangang ng Filipinas na mag-import ng agricultural products kapag masagana ang ani. Kapag mayroon tayong mga produktong kasalukuyang inaangkat natin, sinabi ni Villar, agaran tayong makapagbibigay ng “ready market” sa ating mga magsasaka. Sa kanyang mensahe sa Philippine Food and Beverage Expo 2024, tinukoy …
Read More »Green card applications sa Las Piñas inaprobahan ni Vice Mayor Aguilar
APROBADO kay Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar ang ilang aplikasyon para sa Green Card program nitong 12 Abril. Ito ay isa na namang mahalagang hakbang sa dedikasyon ng pamahalaang lungsod sa kanyang subsidiya sa programang pangkalusugan upang siguruhing matanggap ng mga residente ang mga importanteng benepisyo sa pangangalaga sa kalusugan na kanilang kailangan. Ang inisyatiba ng Green Card …
Read More »