Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

Kaso vs 6 ‘tanim-bala’ suspects sa NAIA ibinasura ng DoJ

IBINASURA ng Department of Justice (DoJ) ang reklamo ng American national na si Lane Michael White laban sa anim airport authorities na isinangkot sa ‘tanim-bala’ issue sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ayon sa DoJ, walang nakitang probable cause para idiin sa kasong planting of evidence at robbery/extortion sina SPO2 Rolando Clarin, SPO4 Ramon Bernardino, Chief Insp. Adriano Junio at …

Read More »

4 bata sugatan sa Cotabato blast

PIKIT, North Cotabato – Awayan sa lupa ang ugat ng sagupaan nang magkaaway na dalawang pamilya sa probinsiya ng Cotabato, nagresulta sa pagkasugat sa apat na batang biktima. Kinilala ang mga nasugatan na sina Mamaida Palao, 3; Ashmira Usman, 9; Norudin Usman, 5, at Hamida Usman, isang taon gulang at mga residente ng Brgy. Bualan, Pikit, North Cotabato. Ayon kay …

Read More »

2 patay sa ratrat sa lamayan

PATAY ang dalawang lalaki makaraan pagbabarilin habang nakikipaglamay sa patay sa Brgy. Payatas, Quezon City nitong Huwebes ng madaling-araw. Ayon sa mga saksi, nagbabaraha at nag-iinoman ang mga biktima habang nakikipaglamay sa loob ng covered court sa Visayas Street nang lapitan sila ng suspek. Pagkaraan ay pinagbabaril ang mga biktimang sina Ricky Elcarte at Xavier Pinlac. Nakatakbo pa si Elcarte …

Read More »

74 street dwellers nasagip sa Pasay

NASAGIP ng mga awtoridad ang 74 street dwellers sa isang rescue operation kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Sinabi ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Joel B. Doria, nagsanib-puwersa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) upang sagipin ang mga palaboy. Ikinasa ang rescue operation ng mga awtoridad dakong …

Read More »

Pekeng Dok kalaboso sa panghahalay

HINDI  lang mga sindikato ng droga ang nakakaramdam ng init, isang linggo bago maupo si incoming President Rodrigo Duterte dahil pati ang mga sangkot sa ibang krimen ay isa-isa nang nalalaglag sa bitag ng batas gaya ng isang hayok sa laman na inaresto ng pulisya sa Lungsod ng Caloocan ngayong linggo. Sinampahan ng kasong panghahalay at sexual assault si Jose …

Read More »

Duterte, hindi totoong galit sa media — PDP-Laban official

Nilinaw ni PDP Laban Policy Studies Group head Jose Antonio Goitia na hindi totoong galit sa lahat ng miyembro ng media si incoming President Rodrigo Duterte kundi sa maling pagkiling ng foreign press na hindi inilalabas ang mga positibong pananaw ng bagong lider ng ating bansa. Ayon kay Goitia, pangulo rin ng PDP Laban San Juan City Council at chairman …

Read More »

Marcos ilibing sa Ilocos Norte — Joma

DAVAO CITY – Hinimok ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison ang pamilya Marcos na tuparin ang naunang pangako na ilibing na lamang ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Ilocos Norte. Sinabi ni Sison, hindi dapat igiit ng Marcoses ang paglilibing sa labi ng diktador sa Libingan ng mga Bayani. Aniya, dapat igalang ng …

Read More »

Bitay retribusyon sa krimen — Duterte

ISUSULONG ni President-elect Rodrigo Duterte ang psagbabalik ng parusang kamatayan bilang ganti o ‘retribution’ sa ginawang krimen at hindi para mabawasan ang mga kriminal. Sa kanyang talumpati kahapon sa inagurasyon ng mga halal na opisyal sa Sarangani sa pangunguna ni Sen. Manny Pacquiao, inihayag ni Duterte ang dalawang “school of thoughts” sa isyu nang implementasyon ng bitay. Para sa iba …

Read More »

Pagpapatumba kay Duterte itinanggi ng drug lords

MARIING itinanggi ng grupo ng high-profile inmates ang mga balitang may plano silang ipapatay si incoming president Rodrigo Duterte at incoming PNP chief, Ronald “Bato” Dela Rosa. Naniniwala ang inmates na isang uri ng “public conditioning” para mapatahimik ang inmates at hindi na lumutang ang korupsiyon at katiwalian sa loob ng NBP sa nagdaang administrasyon. “We are not involved in …

Read More »

Magsasaka sa Cordillera nagkaroon ng kakampi sa Exalt 60 SC vs insekto

ANG mga magsasaka sa Cordillera ay sinasabing kabilang sa largest vegetable producers sa bansa, sa kabila nang nararanasan nilang hamon sa kanilang kabuhayan: ang pinsalang idinudulot ng mga peste at sakit sa kanilang mga pananim. Ito ang dahilan kung bakit ang mga magsasaka at agricultural officials sa rehiyon ay pa-tuloy na naghahanap ng mga produktong susugpo sa mga peste nang …

Read More »

3 patay sa masaker sa Kidapawan City

NORTH COTABATO – Tatlo ang patay sa nangyaring masaker dakong 10:20 p.m. kamakalawa sa Kidapawan City. Kinilala ang mga biktimang sina Ruben Bagasin, 21, isang barbero; Wanito Gamboa, 25, at Francisco Sagayan, Jr., 36, pawang tricycle driver at residente sa Maldrid Subdivision, Brgy. Poblacion, Kidapawan City. Ayon kay Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office, nanonood sa telebisyon …

Read More »

5 patay sa buy-bust ops sa Cavite

PATAY ang lima katao sa magkakahiwalay na drug buy-bust operation na ikinasa ng Philippine National Police (PNP) sa Cavite kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling araw. Unang napatay ng PNP ang suspek na kinilala lamang sa alyas Orly sa Bacoor, Civite. Sa Rosario, Cavite, itinumba rin ng mga pulis si Jerry Abundo nang manlaban sa arresting PNP officers. Ang …

Read More »

Zero tolerance vs korupsiyon, kriminalidad

BINIGYANG-DIIN ni incoming President Rodrigo Duterte, magpapatupad siya ng ‘zero-tolerance’ laban sa korupsiyon at kriminalidad sa bansa. Sinabi ni Duterte, ito ang magiging ‘standard’ ng kanyang pamumuno at nakatakdang suwayin ang Commission on Human Rights (CHR) dahil marami ang mamamatay na kriminal. Ayon kay Duterte, hindi raw niya papayagang sisirain ng mga tiwali at kriminal ang bansa lalo ang mga …

Read More »

Sarili inilunod ng kelot sa Iloilo River

ILOILO CITY – Patay na nang matagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang isang lalaking tumalon sa Iloilo River pagkalipas ng ilang oras na search and rescue operation kamakalawa. Ayon kay Lt. Commander Ramil Palabrica ng Coast Guard Station Iloilo, nakapagsabi pa ang lalaki sa on duty-guard na hihintayin niya ang biyahe ng Weesam Express upang makauwi sa …

Read More »

Resolusyon sa extension ng SOCE ng LP pinamamadali

NANAWAGAN si incoming House Speaker Pantaleon Alvarez sa Commission on Elections (Comelec) na ilabas agad ang resolusyong nagpahintulot sa Liberal Party (LP) para sa 14-day extension nang paghahain ng statement of contributions and expenditures (SOCE). Ayon kay Alvarez, mahalaga ang nasabing resolusyon ng Comelec para magbigyan ng pagkakataon ang sino man na kuwestiyonin sa Supreme Court ang legalidad sa pagpapalawig nang pagsusumite …

Read More »

Service crew tiklo sa 7 kilo ng damo

NAKOMPISKA sa isang 23-anyos lalaki ang pitong kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Manila Action Special Assignment (MASA) sa Sta. Ana, Maynila kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Chief Insp. Bernabe Irinco Jr., ang suspek na si Jonathan Hulleza, walang asawa, service crew, residente ng 214 Brgy. Bahay Toro, Project 8, Quezon City. Sa imbestigasyon …

Read More »

Archdioceses sangkot sa bilyon pisong Investment Scam? (Sa mining companies)

DAGUPAN CITY – Hinamon ni Dating Lingayen-Dagupan archbishop Oscar Cruz ang mga nag-aakusa na ilantad sa media ang listahan ng mga archdioces na may bilyon-pisong investment sa mining companies sa bansa. Ayon kay Cruz, ito ay nakahihiya kaya dapat aksiyonan agad ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP). Paliwanag niya, ang obispo at arbispo ang mananagot kung ang pera …

Read More »

2 patay sa CIDG drug ops (P15-M shabu kompiskado)

HUMANTONG sa shootout ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Brgy. Pinyahan, lungsod ng Quezon kahapon ng umaga. Ayon sa pulisya, natunugan ng mga dealer ng droga ang kanilang mga tauhan kaya nauwi ito sa palitan ng putok. Patay ang dalawang drug suspect, habang na-recover sa crime scene ang …

Read More »

4 tulak laglag sa parak

Arestado ang apat na mga tulak ng droga sa Tondo, Maynila kamakalawa. Nakakulong na ang mga suspek na sina Edward Egurupay, Rex Magbagum, Marivic Almuguera at Ricardo Mapa, nasa top 5 drug watchlist ng pulisya. Nabawi sa mga suspek ang pitong sachet ng hinihinalang shabu. Ilang linggong minanmanan ng mga pulis ang mga suspek bago isinagawa ang operasyon.

Read More »

CamSur ex-mayor sabit sa fertilizer scam

SINAMPAHAN nang patong-patong na kaso ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang ilang dating lokal na opisyal sa Talisay, Camarines Norte kaugnay ng fertilizer fund scam. Kabilang sa mga kinasuhan si dating mayor Rodolfo Gache; gayondin sina Cecilio Noora, Jr., Miriam Hernandez, Ireneo Zabala, Romeo Maranan, Felicisima Velasco, Raul Rayos at Adela Adlawan. Dalawang bilang nang paglabag sa Section …

Read More »

Sapat na power supply sa Luzon tiniyak ng DoE

TINIYAK ng Malacañang na nakatutok ang Department of Energy (DoE) sa power situation sa Luzon. Una rito, inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid sa Yellow Alert dahil sa manipis na power reserves kasunod ng ‘outages’ ng ilang power plants. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, nakikipag-ugnayan ang DoE sa power stakeholders para maiwasan ang …

Read More »

Dayuhan timbog sa ecstacy

NAARESTO ang dalawang foreign national sa Makati City kasunod ng drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Anti-Illegal Drugs Group nitong Lunes ng gabi. Ayon sa ulat ng pulisya, bumili ang police asset ng 120 tablets ng blue cookie monster esctacy mula sa Canadian na si Jeremy Eaton. Pagkaraan, bumili rin ang police asset ng karagdagang …

Read More »

PE teacher, police trainee arestado sa 2 rape case

ARESTADO ang isang 25-anyos police trainee at PE teacher ng isang computer school sa magkahiwalay na kasong panggagahasa sa Valenzuela City at Parañaque City. Sa Valenzuela City, ginahasa ang 13-anyos dalagita sa Valenzuela City kamakalawa ng madaling-araw ng suspek na kinilalang si PO1 Jasper Bulaon, residente ng 121 Arthur St., Brgy. Marulas, positibong kinilala ng Grade 8 pupil na si Miles. …

Read More »

Marcelino kinatigan ng DoJ vs kasong droga

IBINASURA ng Department of Justice ang reklamong may kinalaman sa ilegal na droga na inihain ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) laban kay Marine Colonel Ferdinand Marcelino. Matatandaan, si Marcelino ay inaresto ng mga tauhan ng PDEA at Anti-Illegal Drugs Group ng PNP sa pagsalakay na ikinasa ng mga awtoridad sa Sta. Cruz, Maynila nitong Enero ng taon. Si Marcelino …

Read More »

3 drug pusher utas sa shootout, 4 arestado

PATAY ang tatlong hinihinalang mga drug pusher habang apat ang naaresto at nakompiskahan ng baril at shabu makaraan makipagbarilan sa mga awtoridad sa drug buy-bust operation sa San Mateo, Rizal kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Supt. Ruben Piquero, chief of police, ang mga napatay na sina Roel Avilla, 30, ng Ilang-Ilang St.; Joel Parugao, nasa hustong gulang, top 10 drug …

Read More »