NANINIWALA ang Malacañang, epekto ng bagyong Karen at Lawin ang resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey sa Self-Rated Poverty o nagsasabing sila’y mahihirap. Magugunitang sa isinagawang survey sa huling bahagi ng 2016, nasa 44 porsiyento ng mga Filipino ang nagsabing mahirap sila, mas mataas ng dalawang porsiyento sa survey noong Setyembre. Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, mas malakas …
Read More »Masonry Layout
Ospital na tatanggi sa buntis kakasuhan
PLANONG magsagawa ng imbestigasyon si Senadora Rissa Hontiveros kaugnay sa mga insidente nang pagtanggi ng mga ospital sa mga buntis, habang binigyang diin na maaaring makasuhan ng paglabag sa Anti-Hospital Deposit Law ang dalawang ospital na tumangging i-admit ang isang pasyenteng manganganak kamaka-ilan. Matatandaan, nagreklamo ang isang buntis na inabot ng panganganak sa loob ng taxi noong 11 Enero, makaraan …
Read More »Obrero kritikal sa taga ng kalugar
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang construction worker makaraan pagtatagain ng kalugar sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Valenzuela Medical Center si Ronie Dignos, 45-anyos, residente sa Dulong Tangke St., Malinta ng nasabing lungsod. Habang patuloy na pinaghahanap ng mga pulis ang suspek na si Harold Babangla, 36, tricycle driver, ng nasabi ring lugar. Ayon sa ulat, …
Read More »Tulak patay, 2 pa arestado sa drug ops
PATAY ang isang hinihinalang drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga pulis habang arestado ang mag-live-in partner sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Caloocan City kahapon ng umaga. Agad binawian ng buhay sa insidente si Joselito Regis, alyas Dagul, 25, ng Blk. 39, Lot 6, SalayaSalay St., Dagat-Dagatan, Brgy. 12, habang arestado si Arthur de Vera, 42, at live-in partner niyang …
Read More »Hitman, 2 pa tiklo sa Tokhang
CAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado ang isang hi-nihinalang hitman at dalawa pang kasama sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Central Luzon Anti-Illegal Task Group kamakalawa ng gabi sa City of San Fernando. Kinilala ang mga suspek na sina Archie Tulabot alyas Banog, 30, sinasabing miyembro ng gun for hire group; Felipe Elorde, 18, at Dany Lennon, 22, pawang …
Read More »Tindera ng gulay bugbog-sarado sa rapist sa Albay
DARAGA, Albay – Bugbog-sarado ang isang biyuda na tindera ng gulay sa Daraga, Albay sa lalaking tangkang gumahasa sa kanya sa nasabing lugar. Kuwento ng biktima, dakong 4:00 am nitong Linggo, habang naglalakad siya bitbit ang kanyang mga panindang gulay, nang makasalubong niya ang 20-anyos suspek. Bigla aniya siyang sinakal, tinakpan ang bibig at tinangkang gahasain. Nakatakas aniya siya nang …
Read More »Govs ila-lockdown din sa Palasyo (Pagkatapos ng mayors)
DAVAO CITY – Ang mga gobernador sa buong Filipinas ang susunod na pupupulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte upang ipaalala sa kanila ang tungkulin na labanan ang illegal drugs sa kanilang mga lalawigan. Sa kanyang talumpati sa Installation of Board of Trustees and Officers ng Davao City Chamber of Commerce and Industry Inc. (DCCCII) kamakalawa ng gabi sa Marco Polo Hotel, …
Read More »KFR kabuhayan ng taga-Sulu? (Korean, Pinoy pinalaya ng ASG)
DAVAO CITY – Mistulang isang industriya na ang kidnap-for-ransom sa ilang pamayanan sa Sulu na nagiging kabuhayan na ng mga residente sa pamamagitan nang pagbibigay ayuda sa mga kidnaper at pag-aalaga sa kanilang mga bihag. Sa isang press conference sa Davao City Old Airport, iniharap ni Pre-sidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza ang pinalayang mga bihag na tripulante …
Read More »Online gambling ni Kim Wong tagilid
DAVAO CITY – Bilang na ang maliligayang araw ng ‘colorum online gambling’ business ni Kim Wong sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) accredited buildings. Sinabi kahapon ni PEZA Director-General Charito Plaza, palalayasin nila sa mga gusali na klasipikado bilang “vertical economic zone” ang mga business process outsourcing company na sangkot sa online gambling dahil hindi kasama sa mandato ng PEZA …
Read More »Duterte kay Abe: We’re brothers
BINISITA ni Japan PM Shinzo Abe at asawang si Akie Abe ang tahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte at common-law wife Honeylet Avancena sa Davao City at nagsalo sa isang payak na almusal kahapon ng umaga. Hindi tinanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakataling kulambo sa kanilang silid ni Honeylet at ipinakita ito kay Abe. Sa payak na almusal ay pinagsalohan …
Read More »Biktima ng Pasig LPG station blast pumanaw na
PUMANAW na ang isa sa mga biktima nang pagsabog ng LPG refilling station sa Pasig City, bunsod ng 98 porsiyentong pagkasunog ng kanyang katawan. Ayon kay Sr. Insp. Anthony Arroyo, Arson Investigation chief ng Pasig Fire Department, ang biktima ay binawian ng buhay habang nilala-patan ng lunas sa Philippine General Hospital makaraan ang pagsabog ng Regasco LPG refilling station. Mahigit …
Read More »Terror alert level 3 itinaas sa Davao (Para kay Japan PM Abe)
DAVAO CITY – Naka-handa ang mga awtoridad sa siyudad sa posibilidad na maglunsad ng “diversionary action” ang ilang teroristang grupo na nasa labas ng lungsod gaya ng Cotabato, sa pagbisita ni Japanese Prime Mi-nister Shnizo Abe at maybahay niyang si Aki. Sinabi ni Davao City Police chief, Senior Supt. Maichael John Dubria, nakataas sa terror alert level 3 ang lungsod …
Read More »5 kidnaper ng Koreano tinutukoy pa ng NBI
PATULOY pang tinutukoy ng NBI ang pagkakakilanlan ng lima pang suspek sa pagdukot sa isang Koreanong negos-yante sa Angeles City, Pampanga. Sa ngayon, tatlong suspek pa lamang ang nakikilala at pina-ngalanang respondent sa reklamong kidnapping at serious illegal detention na inihain ng PNP-Anti Kidnapping Group sa DoJ. Ang tatlo ay kinabibilangan ng isang pulis, driver at isa pang kasabwat. Sa …
Read More »Tserman utas sa 4 maskarado (Pangulo ng homeowners association)
PATAY ang isang barangay chairman na bagong halal na pangulo ng homeowners association, makaraan pasukin sa kanyang opisina at pagbabarilin ng apat hindi nakilalang mga suspek sa Caloocan City kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot nang buhay sa Our Lady of Lourdes Hospital si Onofre Delos Santos, 58, ng 714 General Luis St., Brgy. 166, Kaybiga, presidente ng Vista Verde …
Read More »‘Asiong Salonga’ tumiklop kay ‘The Punisher’ (Sa ‘heart-to-heart talk’ sa mayors)
TUMIKLOP si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada a.k.a. Asiong Salonga kay Pangulong Rodrigo Duterte a.k.a. The Punisher nang maglitanya nang mahigit kalaha-ting oras ang Punong Ehekutibo laban sa illegal drugs sa harap ng 1,400 al-kalde kamakalawa ng gabi sa Palasyo. Sinabi ng source na kasama sa controversial at confidential meeting ni Pangulong Duterte sa mga mayor, walang …
Read More »Male starlet sa fastfood chain na lang kumakain
MAY isang nagkuwento sa amin, nakita raw niya at “nahagip” sa isang fast food chain ang isang male starlet mula sa isang TV network. Gutom na siguro dahil walang trabaho kaya ganoon. (Ed de Leon)
Read More »23 katao nalapnos sa sumingaw na LPG station
UMABOT sa 23 katao ang nalapnos ang katawan makaraan mag-leak ang LPG refilling station sa Pasig City, nagresulta sa pagkalat ng apoy at nadamay ang dalawang kalapit na gas station, hardware at ilang kabahayan nitong Miyerkoles ng madaling-araw. Ayon sa Public Information Office ng Pasig City government, ang 23 biktima ay isinugod sa iba’t ibang pagamutan dahil sa third-degree burns …
Read More »Fiscal sa kyusi utas sa ambush
PATAY noon din ang isang piskal ng Quezon City Prosecutor’s Office makaraang pagbabarilin ng hinihinalang hired killer sa harap ng isang bar sa Brgy. Old Balara, Quezon City kahapon ng madaling araw. Sa ulat kay Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, Quezon City Police District (QCPD) director, si Prosecutor Noel Mingoa ay namatay noon din dahil sa mga tama ng …
Read More »Ban sa foreign act, movies iminungkahi
IMINUNGKAHI ng batikang kompositor at mang-aawit na si Anthony Castelo ang pagkakaroon ng pansamantalang ban sa mga foreign artist sa Filipinas upang bigyang pagkakataong makabangon ang humihinang lokal na industriya. Nanawagan si Castelo kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng kapuwa mang-aawit na si Freddie Aguilar na kamakailan lang ay itinalagang Presidential Adviser on Culture and Arts. Paliwanag ni Castelo, …
Read More »Jap PM Abe bibisita sa bahay ni Duterte
DAVAO CITY – Bibisita si Japanese Prime Minister Shinzo Abe at Madame Akie Abe sa bahay ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte sa siyudad bukas ng tang-hali o sa ikalawang araw ng kanilang official visit sa bansa. Si Abe ang kauna-una-hang panauhing world leader ng administrasyong Duterte at una rin bisita sa tahanan ng Punong Eheku-tibo at ang okasyon ay klasipikado bilang …
Read More »SSS contrib itinaas (Para sa P1K dagdag pension)
INAPROBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P1,000 umento sa pensiyon ng dalawang milyong retiradong miyembro ng Social Security System (SSS) simula sa Pebrero ngunit papasanin ito ng mga aktibong miyembro na itataas sa 1.5% ang buwanang kontribusyon simula Mayo 2017. Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang pasya ng Pangulo ay nabuo sa Ca-binet meeting …
Read More »1.4-M deboto lumahok sa traslacion — PNP-NCR
INIULAT ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), tinatayang umabot sa 1.4 milyong deboto ang nakibahagi sa prusisyon ng itim na Na-zareno sa lungsod ng Maynila. Ang nasabing datos ng NCR police ay batay sa mga dumalo mula sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, nagsimula ng 5:30 am hanggang 2:00 pm kahapon. Sa bagal ng andas dahil sa kapal ng …
Read More »Duterte nakiisa sa Pista ng Itim na Nazareno
NAKIISA si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ng Pista ng Poong Nazareno kahapon. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte, hanga siya sa matinding pananampalataya ng milyong deboto ng Black Nazarene, na puspusan ang pagpapaha-yag ng pasasalamat, pe-tisyon at sakripisyo. Ayon kay Pangulong Duterte, ang ganitong pagpapakita ng pana-nampalataya at walang kapagurang taimtim na pagdarasal ay kahalintulad nang masidhing kampanya …
Read More »1-km radius signal jam sa andas — PNP-NCR (Malacañang complex apektado rin)
IPINATUPAD ang one kilometer radius signal jamming sa mobile phones mula sa andas at no-fly zone sa ibabaw ng Quiapo at karatig-lugar sa Maynila kahapon. Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga dumalo sa traslacion ng Itim na Nazareno. Kaugnay nito, nananatili ang assesment ng Philippine National Police (PNP) na walang “clear at present danger” sa traslacion ng Itim …
Read More »Walang chopper sa aerial monitoring (Gen. Bato desmayado)
DESMAYADO si PNP Chief, Director General Ronald Dela Rosa dahil walang chopper ang PNP para sa pagsasagawa ng aerial monitoring para maobserbahan ang traslacion. Sinabi ni Dela Rosa, wala nang pakinabang ang mga segunda-manong choppers ng PNP na binili noong 2009. Ayon kay PNP chief, “beyond economic repair” na ang dalawang Robinsons choppers, ibig sabihin ay mas magastos pang ipagawa …
Read More »