Monday , December 23 2024

Masonry Layout

Martial Law sorpresa — Duterte

CABANATUAN CITY – MASOSORPRESA na lang ang sambayanang Filipino kung isang araw ay nasa ilalim na ng batas militar ang buong bansa. Sa kanyang talumpati sa ika-20 anibersaryo ng Premiere Medical Center sa siyudad, nagbabala ang Pangulo na hindi siya magbibigay ng ano mang pahiwatig sakaling magpasiya na siyang magdeklara ng martial law. Aniya, wala talaga siyang planong magdeklara ng …

Read More »

2 solons pasok sa narco-list

INIHAYAG ni House Speaker Pantaleon Alvarez kahapon, dalawang incumbent members ng House of Representatives ang kabilang sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa media briefing, si-nabi ni Alvarez, ang isa dalawang kongresista ay naberipika na ng ilang mga ahensiya bilang “drug protector.” Gayonman, tumanggi si Alvarez  na magbigay ng iba pang detalye kaugnay sa dalawang kongresistang sangkot sa droga, ngunit …

Read More »

Oplan Tokhang dapat tutukan ni Bato (Para ‘di maabuso) — Recto

NANAWAGAN si Senate Minority Leader Ralph Recto kay Philippine National Police (PNP) chief, Dir. Gen. Ronald Dela Rosa na tutukan nang husto ang isinasagawang Oplan Tokhang upang hindi magamit ng scalawags, maabuso at mauwi sa oplan kidnap, lagay o ransom. Sinabi ni Recto, dapat panagutin ni Dela Rosa ang mga pulis na mapapatunayang nang-aabuso sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Naniniwala …

Read More »

195 PNP personnel positibo sa drug test

Drug test

UMABOT sa 195 pulis at non-uniformed personnel (NUP) ang nagpositibo sa isinagawang random drug test (RDT) ng PNP Crime Laboratory. Ayon kay C/Supt. Aurelio Trampe, Director ng PNP Crime Laboratory, sa nasabing bilang ay 188 ang pulis at pito ang non-uniformed personnel (NUP). Ito ay mula sa taon 2016 hanggang ika-17 ng Enero, at 100 porsiyento sa kanila ay gumagamit …

Read More »

Digong-Joma talks posibleng maudlot

POSIBLENG maunsiyami ang inaabangang pagkikita nina Pangulong  Rodrigo Duterte at Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison dahil balak bawiin ng kilusang komunista ang idineklarang unilateral ceasefire. Sinabi ni National Democratic Front of the Philippines (NDFP) negotiating panel chairperson Fidel Agcaoili, maaaring hindi na matuloy ang bilateral truce sa administrasyong Duterte dahil sa mga napakong pangako …

Read More »

Pacquiao ‘referee’ sa Trillanes vs Zubiri sa Senado

NAGMISTULANG referee si Sen. Manny Pacquiao at iba pang mga senador dahil sa pag-awat sa muntikang pagpapang-abot nina Sen. Antonio Trillanes at Sen. Juan Miguel Zubiri. Ito’y makaraan pagtalunan ng dalawa ang isyu ng posibleng whitewash sa imbestigasyon sa bribery scandal sa Bureau of Immigration (BI). Nag-ugat ang bangayan sa pahayag ni Zubiri na dapat ang Senate Blue Ribbon Committee …

Read More »

MPC umalma sa banat ng Palasyo sa media

UMALMA ang Malacañang Press Corps (MPC) sa bintang ng Palasyo na mali ang pagbabalita sa pahayag ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte kaugnay sa martial law. Sa pahayag, sinabi ng MPC, ang ginawa ng media sa talumpati ni Duterte hinggil sa martial law noong nakalipas na Sabado sa Davao City ay “paraphrase” o isalin ang ilan sa mga linya niya. “We take …

Read More »

OTS personnel nasa hot water sa ‘kotong-try’

NASA hot water ang isang security personnel ng Office for Transportation and Security (OTS) makaraan iutos ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal na siya ay imbestigahan kaugnay sa indirect extortion attempt sa isang Filipina balikbayan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1. Kinilala ni Monreal ang suspek na si Sergio Padilla, OTS security screener na nakatalaga …

Read More »

Bombera patay sa sakal ng dyowang may warshock

PATAY ang isang babaeng miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) makaraan sakalin ng kanyang kalive-in partner na dating sundalo na sinasabing may diperensiya sa pag-iisip kahapon ng umaga sa Caloocan City. Kinilala ni Caloocan Police deputy chief, Supt. Ferdie Del Rosario ang biktimang si Ely Ann Insigne, 28-anyos, nakatalaga sa Valenzuela City BFP at residente ng 677 A. Marulas  …

Read More »

PH nag-isyu ng note verbale sa China (Sa weapon systems buildup sa WPS)

KINOMPIRMA ng Malacañang ang pagpapadala ng note verbale sa China kaugnay sa weapon systems buildup sa artificial islands sa South China Sea o West Philippine Sea. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernes Abella, hindi makatutulong ang agresibo at provocative diplomacy kaya minabuti nilang gawing pormal ang paghawak sa isyu. Ayon kay Abella, magpapatuloy ang pagsusulong ng Filipinas sa ating soberanya sa …

Read More »

TESDA, PCCI sanib-puwersa sa kabuhayan ng Filipino

NAGSANIB-PUWERSA kahapon ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na layong matugunan ang kahirapan at upang mabigyan nang sapat na kasanayan at pagkakakitaan ang mga Fi-lipino. Ayon kay TESDA Director General, Secretary Guling “Gene” Mamondiong, ang pagpasok sa memorandum of agreement ng kanilang ahensiya at PCCI ay upang mabigyan ng …

Read More »

Koreano nahulog sa 23/F patay

PATAY na nang matagpuan ang isang 30-anyos Korean national makaraan mahulog mula sa ika-23 palapag ng isang gusali sa Malate, Maynila kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Yeo Sang Ryu, walang asawa, at nanunuluyan sa 2311 Bitch Tower Condominuim sa 1622 J. Bocobo St., Malate. Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon Sanpedro ng Manila Police District Homicide Section, dakong 4:15 …

Read More »

Mag-utol na paslit nalunod sa Zambo Norte

DIPOLOG CITY – Kinompirma ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), may dalawang nalunod sa pagbaha sa probinsiya ng Zamboanga del Norte. Ayon kay Mary Ann Sabanal, admin officer ng PDRRMO, kinilala ang magkapatid na biktimang sina Lee Ann Bayron, 5-anyos, at Elay Bayron, 3-anyos, ng Lipras, Roxas, nitong pro-binsya. Dagdag ng opisyal, nag-overflow ang tubig-baha sa bahay …

Read More »

Paslit, lolo, teenager patay sa CDO flood

UMAKYAT na sa tatlo ang bilang ng mga namatay habang 3,000 residente ang apektado ng matinding baha sa Cagayan de Oro City. Napag-alaman, kabilang sa mga biktima ang isang 14-anyos binatilyo na gumuho ang bahay dahil sa flash floods. Ang iba pang biktima ay 7-anyos batang babae mula sa Misamis Oriental, at isang 84-anyos lolo mula sa riverside community. Sila …

Read More »

8-anyos nene inasawa ng ama

TUGUEGARAO CITY – Swak sa kulungan ang isang lalaki makaraan ang paulit-ulit na panggagahasa sa kanyang 8-anyos anak na babae sa Ballesteros, Cagayan. Una rito, naglakas-loob ang bata na magsumbong sa kanyang guro at sinamahan siya na dumulog sa pulisya. Sa salaysay ng biktima, Grade 1 pa lamang siya nang simulan halayin ng kanyang ama ngunit hindi nagawang magsumbong dahil …

Read More »

7 death toll sa sumabog na LPG station

MANILA – Umakyat na sa pito ang bilang ng mga namatay sa pagsabog sa Omni Gas Corporation nitong nakaraang linggo sa lungsod ng Pasig. “Unfortunately, this morning, may natanggap kaming information na mayroon nadagdag na dalawa,” ayon kay S/Supt. Wilberto Neil Kwan Tiu, regional director ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng National Capital Region. Ang impormasyon ay kinompirma rin …

Read More »

Disbarment case vs Roque

KASONG disbarment ang isinampa sa Supreme Court laban sa abogadong si Harry Roque dahil sa walang habas na pagkalat ng mga kasinungalingan at malisyosong mga akusasyon, at pag-atake sa integridad at reputasyon ng kanyang kapwa abogado at Kabayan Party-List Representative Ron P. Salo. Sa kanyang Complaint-Affidavit, idinetalye ni Salo ang ilang pangyayari na gumawa si Roque ng kalunos-lunos at nakasisirang-puring …

Read More »

PH, US bff ulit (Nagkabalikan na)

MISTULANG binuhusan ng malamig na tubig ang ngitngit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Uncle Sam at nagpasalamat sa malaking tulong ng Amerika sa paglutas sa kaso ng pambobomba sa Davao City noong nakalipas na Setyembre na ikinamatay ng 15 katao at ikinasugat ng animnapu’t siyam. Sa kanyang talumpati sa Annual Installation of the Board of Trustees and Officers ng Davao …

Read More »

Vanity tax binawi ng solon

BINAWI ni Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe ang panukalang buwisan ang cosmetic products at beauty services. Ito aniya ang kanyang naging desisyon makaraan sabihin ni Budget Sec. Benjamin Diokno na may pera pa ang gobyerno kaya hindi na kailangan ng karagdagang buwis. Bukod dito, ang pag-urong niya sa panukalang vanity tax ay dahil sa pag-alma ng maraming sektor. Aniya, …

Read More »

Elitista patawan ng buwis (Huwag mahihirap) — Solon

INIREKOMENDA ng isang kongresista na targetin ng gobyerno na patawan ng buwis ang mga elitista sa bansa. Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, hindi dapat ang mahihirap ang puntirya nang mas mataas na buwis kundi iyong mga napabilang sa Forbes’ 50 pinakamayayaman sa Filipinas. Pahayag  ito  ng  kongresista kasabay ng planong patawan ng P6 excise tax ang mga produktong petrolyo. …

Read More »

Maliliit na negosyante sa probinsiya uunahin sa pautang (Kompetensiya sa 5-6)

PLANO ng Department of Trade and Industry (DTI) na unahing pautangin ang maliliit na negosyante sa malalayong probinsya. Kasunod ito pahayag ng Department of Justice (DOJ) laban sa 5-6 o ang sistema ng pagpapautang ng mga Bombay. Sinabi ni DTI undersecretary Teodoro Pascua ng Consumer Protection Group, inaayos nila ang paraan kung paano pauutangin ang maliliit na negosyante. Ang pondo …

Read More »

1 patay, 6 sugatan sa granadang inihagis (Sa parking lot sa Laguna)

explode grenade

PATAY ang isang lalaki habang anim ang sugatan makaraan hagisan ng granada ng hindi nakilalang mga lalaki ang mga trabahante sa San Pedro, Laguna. Base sa inisyal na imbestigasyon ng Laguna-PNP, inihagis ang granada sa mga lalaking gumagawa ng bakod sa isang parking lot sa naturang lugar. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente habang tinutugis ang mga …

Read More »

Pulis sa Tokhang for ransom sumuko sa NBI

HAWAK na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pulis na sangkot sa pagkidnap sa isang Korean bussinessman sa Angeles City noong Oktubre. Ayon kay Justice Sec.Vitaliano Aguirre, si  SPO3 Ricky Sta. Isabel ay sumuko sa NBI kahapon ng umaga . Ito ay ilang araw bago maglabas ang PNP ng manhunt operation laban sa suspek makaraan dumulog sa NBI ang …

Read More »

Media idinepensa ni Drilon (Misreporting sa martial law?)

IPINAGTANGGOL ni Senate President Pro-tempore Franklin Drilon ang mga mamamahayag sa naging akusasyon ng Presidential Communication team ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa sinasabing “misreporting” ng media sa isyu ng martial law. Iginiit ni Drilon, tama ang naging report ng mga mamamahayag sa naging mga pahayag ng pangulo kaugnay sa pagdedeklara ng martial law. Sinabi ni Drilon, ang mga news …

Read More »