Monday , December 23 2024

Masonry Layout

Nagtangkang ‘pumatay’ sa death penalty sibak kay Alvarez (Rep. Arroyo una sa listahan)

KAHIT nailusot sa Kamara ang death penalty bill, tuloy ang sibakan blues sa mga bumoto ng “no” sa naturang panukalang batas. Tiniyak ni House Speaker Pantaleon Alvarez, hindi siya uurong sa kanyang salita na sipain sa puwesto sa Kamara, ang mga hindi umayon sa pagbabalik ng parusang kamatayan. Paniniguro niya, tatanggalin bilang Deputy Speaker si dating Pangulo at ngayon ay …

Read More »

2 killer-holdaper ng kolehiyala arestado

arrest prison

NADAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD), ang dalawang suspek sa pagholdap at pagpatay sa isang kolehiyala nitong 3 Marso 2016, sa follow-up operation kamakalawa. Sa ulat kay QCPD Director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, mula kay Supt. Lito E. Patay, hepe ng QCPD Batasan Police Station 6, kinilala ang mga nadakip na sina Gilbert Santiago, …

Read More »

Impeachment vs mahistrado banta ni Alvarez (Kokontra MRT/LRT common stations)

POSIBLENG magkaroon ng “chilling effect” sa mga hukom o mahistrado ang banta ni House Speaker Pantaleon Alvarez. Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, nagbanta si Alvarez na i-impeach nila ang sino mang mahistrado na maglalabas ng temporary restraining order (TRO) sa pagtatayo ng MRT/LRT common station. Inoobliga ng Speaker ang Department of Transportation (DOTr) na ituloy nila ang pagtatayo …

Read More »

Yasay sa DFA tuluyang ibinasura

TULUYAN nang ibinasura ang nominasyon para sa kompirmasyon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay Jr., sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA), dahil sa pagsisinu-ngaling bilang US citizen. Nabigo si Yasay na makombinsi ang mga miyembro ng komisyon sa kanyang rason, na kanyang tinanggihan ang naturang citizenship, at patunay ang kanyang pagliham sa Estados Unidos. Mismong mga miyembro …

Read More »

9 patay sa Oplan Double Barrel Reloaded sa Bulacan

shabu drugs dead

SA pagbabalik ng operasyon ng pulisya kontra sa ilegal na droga, siyam katao ang napatay sa magkakahiwalay na lugar sa Bulacan. Ayon sa ulat, napatay ang mga suspek dahil lumaban sila sa mga awtoridad, una rito si Norlito Zena, construction worker, residente sa Brgy. Panasahan, Malolos. Nabatid na isisilbi sana ng mga awtoridad ang search warrant kay Zena, ngunit nag-amok …

Read More »

Marijuana bill ni Albano dininig sa Kamara

DINIDINIG muli sa mababang kapulungan ng Kongreso, ang panukala na gawing legal ang paggamit ng medical marijuana. Unang pagkakataon ito na nangyari sa ilalim ng 17th Congress na dininig ng House Committee on Health ang House Bill 180 o ang Medical Cannabis Bill, na iniakda ni Isabela Rep. Rodito Albano. Matatandaan, noong nakaraang Kongreso pa inihain ni Albano ang naturang …

Read More »

‘Pic-release’ bisyo ng OPS

BISYO na ito! Ito ang madalas na nagiging biruan sa hanay ng mga mamamahayag sa Malacañang dahil sa tila kostumbreng batugan ng mga tanggapan na namamahala sa pagtatala ng mga aktibidad ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Kahapon, imbes pormal na press release, retrato ng appointment papers na itinalaga ng Pangulo si Court of Appeals Associate Justice Noel Tijam, bilang bagong …

Read More »

Kababaihan bayani para sa pangulo

ISANG mayabong na pook ang Filipinas para sa paglilinang ng mga katangi-tangi at bayaning kababaihan. Ito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa pagdiriwang kahapon ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan. Anang Pangulo, mataas ang grado ng Filipinas sa rehiyong Asya-Pasipiko sa isyu ng gender equality. “We are fortunate, as we are grateful, that the Philippines has been a fertile ground …

Read More »

‘Bonnie & Clyde’ ng palasyo padrino ng Mighty Corp?

MALAKAS ang ugong sa Palasyo, dalawang opisyal ng administrasyong Duterte ang umano’y nakuhang padrino ng may-ari ng Mighty Corp., na si Alex Wochungking, kaya ‘daraan sa proseso’ ang kasong economic sabotage na isasampa laban sa kanya. Ang biglang pagbabago ng ihip ng hangin ay bunsod umano sa impluwensiya ng tambalang tinaguriang “Bonnie and Clyde,” na kilalang malapit sa matataas na …

Read More »

Freeze order vs bank account ng drug lord

PINIGIL ng Court of Appeals sa pamamagitan ng pagpapalabas ng freeze order, ang bank accounts at mga real property ng isa sa hinihinalang drug lords ng Central Visayas, na si Franz Sabalones. Sa 17-pahinang kautusan ng Court of Appeals 8th Division, at ipinonente ni Associate Justice Carmelita Salanda-nan Manahan, tatlong bank accounts ni Sabalones ang kasama sa freeze order, partikular …

Read More »

DDS inamin ni Duterte (Anti-communist vigilante group)

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na totoong may Davao Death Squad (DDS) ngunit naging pamoso ito bilang anti-communist vigilante group noong panahon ng batas militar. Sa panayam ng media kahapon sa Palasyo, sinabi ng Pangulo, inorganisa ang DDS para ipantapat sa Sparrow Unit ng New People’s Army (NPA) na aktibo sa Davao City noong martial law. “You should ask Jun …

Read More »

NFA chief Aquino nasa hot water (Desisyon ng NFAC nilabag)

MALALIM na imbestigasyon ang ginagawa mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu nang pagsuwag ni  National Food Authority (NFA) administrator Jason Aquino sa kolektibong desisyon ng Food Security Council, na palawigin ang pag-angkat ng bigas upang matiyak ang seguridad sa pagkain ng bansa. “I said I am digging, digging deep. I’m not studying, I’m investigating. Kaya nga I said, ‘digging …

Read More »

Backchannel talks may basbas ni Digong (Para sa usapang pangkapayapaan)

MALAKI ang tsansa na lumargang muli ang negosasyong pangkapayapaan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP), dahil hinihintay na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng backchannel talks sa kilusang komunista. “Well, ano lang, hang on, hang on kasi… do not spoil. We have… well I must admit nasa backchanneling,” anang Pa-ngulo na hanggang tainga ang …

Read More »

‘Kamatayan’ binuhay sa 216 boto sa Kamara

dead prison

PASADO na sa Kamara ang reimposisyon ng death penalty. Nakakuha ng botong 216 ang yes, 54 ang bumot sa no at isa ang nag-abstain. Hanggang sa huli nanindigan si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na hindi siya pabor dahil isa siya sa hindi pumabor na maibalik ang bitay kahit may bantang sisipain siya sa puwesto. Hindi rin pumayag si dating …

Read More »

Hikayat sa kababaihan sa Caloocan: Cervical screening, breast exam samantalahin — Mayor Oca

Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan

HINIKAYAT ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, na samantalahin ng mga residenteng kababaihan ang libreng health services gaya ng cervical screening at breast examination, isasagawa ng local health department sa buwan na ito. Ayon kay Malapitan, ang naturang serbisyo ay gagawin sa buong buwan ng Marso, bilang selebras-yon sa Buwan ng Kababaihan sa buong mundo, may temang “WE (Women Empowerment) …

Read More »

Mighty Corp. markado kay Digong (Eksperto sa suhulan at economic sabotage)

NAPUNDI si Pangulong Rodrigo Duterte sa pananabotahe sa ekonomiya ng Mighty Corp., kaya’t iniutos ang pagdakip sa may-ari ng korporasyon, na si Alex Wochung-king lalo na’t markado sa kanya na nagtangkang suhulan siya ng kuwarta noong mayor pa siya ng Davao City. Sa panayam sa Palasyo, sinabi ng Pangulo, inatasan niya ang mga awtoridad na arestohin ang may-ari ng Mighty …

Read More »

Lascañas hinamon maglabas ng ebidensiya (Sa DDS operations)

HINAMON nina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Senadora Grace Poe si confessed Davao Death Squad (DDS) chief, at dating SPO3 Arturo Lascañas, na magpresinta ng mga ebidensiya at testigong magpapatunay ng kanyang panibagong rebelasyon, makaraan pasinungalingan ang lahat nang nauna niyang mga pahayag. Magugunitang noong 3 Oktubre 2016, unang humarap si Lascañas sa pagdinig ng Senado, ukol sa isyu ng …

Read More »

Laud quarry site ‘di tapunan ng DDS victims

ITINANGGI na noon ni Bienvenido Laud, isang retiradong pulis, na ginawang tapunan o libingan ng sinasabing mga biktima ng Davao Death Squad, ang kanyang quarry site sa Brgy. Ma-a sa Davao City. Ito ang inihayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, dating abogado ni Laud. Bagama’t may mga buto aniyang nahukay sa quarry site, hindi napatunayan kung ang mga labi ay …

Read More »

Ecumenical support hiniling sa Oplan Tokhang 2

LAHAT ng sekta ng relihiyon ay hihingian ng suporta ng PNP, sa kanilang ilulunsad na giyera kontra droga, lalo sa Oplan Tokhang Part 2, hindi lang ang simbahang Katolika. Ayon kay PNP chief police Director General Ronald dela Rosa, lahat ng sekta ng relihiyon ay kasama rito, at diskarte na ng kanilang mga chief of police, na makipag-usap sa religious …

Read More »

Morente nangako: Ban sa OT ng BI employees tutugunan

  “BE patient, we are doing our best to fulfill your grievances,” pahayag ni Immigration Commissioner Jaime Morente, kasabay ng inspeksiyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1, kahapon. Nangako si Morente, 37 immigration officers (IO), ang ide-deploy sa NAIA, at may 1,000 plantilla positions ang bakante para sa kanila. Gayonman, sinabi ni Morente, ito ay matatagalan dahil hihintayin …

Read More »

22 new pres’l appointees itinalaga

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sandiganbayan Associate Justice Samule Martires bilang bagong associate justice ng Korte Suprema. Papalitan ni Martires si Justice Jose Perez, ang kauna- una-hang homegrown justice ng Supreme Court. Inihayag din kahapon ng Palasyo, ang pangalan ng 21 appointee na itinalaga ni Duterte sa iba’t ibang puwesto sa pamahalaan. Nangunguna sa listahan ang kontrobersiyal na dating …

Read More »

Nat’l broadband plan aprub kay Duterte (Internet hanggang sa liblib na lugar)

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang pagbuo ng national broadband network, upang magkaroon nang mabilis na internet sa mga liblib na lugar sa bansa. “President Rody Duterte has approved the establishment of a National Government Portal and a National Broadband Plan during the 13th Cabinet Meeting in Malacañang today. After a presentation made by Department of Information and Communications Technology …

Read More »

8 Pinoy nurses pinalaya ng ISIS sa Libya (Matapos magturo ng first aid)

LIGTAS na nakauwi sa bansa ang walong Filipino nurse, makaraan bihagin ng mga teroristang Islamic State (ISIS) sa Libya. Personal silang sinalubong ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kamakalawa ng gabi. Ayon sa mga nurse, ginamit din silang tagapagturo ng medical training sa mga ISIS, para magbigay ng first aid sa kanilang mga …

Read More »