Saturday , October 12 2024
shabu drug arrest

6 arestado sa shabu

ARESTADO ang apat na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang live-in partners at isang menor-de-edad sa isinagawang mag­kahiwalay na drug operation ng mga awtoridad sa Navotas City.

Ayon kay PO2 Jaycito Ferrer, 12:45 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni Chief Insp. Ilustre Mendoza ang buy-bust operation laban sa drug pusher na si Albert Disabille, 35, malapit sa kanyang bahay sa Champaca St. Brgy. NBBS.

Matapos iabot ng suspek ang isang sachet ng shabu kay PO1 Globert Batara na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P300 marked money, agad lumusob ang back-up na mga operatiba at siya ay inaresto.

Bukod sa nabiling shabu at buy-bust money, narekober sa suspek ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu. Inaresto rin ng mga operatiba si Richard Flores, 42, at ang 16-anyos na binatilyo matapos makuhaan ng tig-isang sachet ng shabu.

Dakong 9:30 pm nang maaresto rin ng mga operatiba si Jeffrey Dacut, 26, at kanyang live-in partner na si Mary Grace Garganta, 26, sa buy-bust operation sa R-10 Sitio Sto. Niño, Brgy. NBBS Proper.

Nakompiska kay Dacut ang tatlo sachets ng hinihinalang shabu, buy-bust money at isang kal .38 revolver na kargado ng dalawang bala.

Nakuha sa kanyang live-in partner ang isang sachet ng shabu.

Sa Navotas Fish Port, nasakote ng mga tauhan ng Navotas Maritime Police sa pangu­nguna ni SPO2 Manny Vidal at SPO2 Antonio Verzo Jr., ang electrician na si Christopher Sar­miento, 43, ng First St., Brgy. Tañong, Malabon City matapos makuhaan ng dalawang plastic ng shabu sa Market 3, Squatters Area dakong 6:00 ng gabi. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

101124 Hataw Frontpage

DOE iginarantiya sa Senado
GEA-3 AUCTION TINIYAK TAPOS NGAYONG 2024

TINIYAK ng Department of Energy (DOE) sa mga mambabatas na ang 3rd Green Energy Auction …

101124 Hataw Frontpage

Nagsimula sa P8.9-B, lumobo sa P27-B
NEW SENATE BUILDING UMABOT NA SA P33-B  
Senators sa 2027 pa makalilipat

ni NIÑO ACLAN BUKOD sa naantala, muling lumobo ang halagang igugugol sa itinayong New Senate …

Isko Moreno Chi Atienza

Isko Moreno nagbabalik sa Maynila, Chi Atienza, bise-alkalde ni Yorme para sa 2025 midterm elections

PERSONAL na tinugunan ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang minimithi at sigaw …

Nora Aunor

Nora ‘nagpagamit’ daw (sa pagtakbo bilang kongresista)

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “THIS is what, her nth time in trying her luck in …

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

CALABARZON’s first Metals and Engineering Innovation Center inaugurated at BatStateU Malvar

THE first ever Metals and Engineering Innovation Center (MEIC) in CALABARZON was officially inaugurated at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *