Saturday , November 16 2024

Masonry Layout

Kill plot vs Thai PM ‘pasalubong’ kay Digong

BANGKOK, Thailand – Sinalubong si Pangulong Rodrigo Duterte nang napakahigpit na seguridad, makaraan mabuko ng mga awtoridad na may pla-nong itumba si Thailand Prime Minister Prayut Chan-o-Cha, ng kanyang pangunahing kalaban sa politika. Dumating kamaka-lawa ng gabi si Pangulong Duterte kasama ang kanyang opisyal na de-legasyon, para sa dalawang araw na opisyal na pagbisita, habang napakainit na balita rito ang …

Read More »

OFWs sa Thailand aalma vs Duterte impeachment

BANGKOK, Thailand – Hindi papayag bagkus ay lalabanan ng mga migranteng Filipino sa Thailand, ang ano mang hakbang para patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte. Sa panayam ng media kay Julie Macariola, Filipina English teacher dito, idineklara niya na lalabanan ng 48 grupo ng mga Filipino sa Thailand, ang destabilisasyon laban sa Pangulo. “We don’t want him to be impeached. He’s …

Read More »

Patutsada ni Digong: ‘Balls’ ng Magdalo ampaw, urong

AMPAW at urong ang ‘balls’ ng Magdalo party-list group na naghain ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso kaya tiyak na wala itong patutunguhan. Sinabi ni Pangulong Duterte sa panayam sa kanya ng Philippine media sa Myanmar kamakalawa ng gabi, puro pag-iingay at kayabangan lang ang kayang gawin ng Magdalo Group na pinamumunuan nina Sen. Antonio Trillanes …

Read More »

Manila lady cop utas sa ambush

PATAY ang isang babaeng miyembro ng Manila Police District (MPD) makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem habang patungo sa kanyang duty sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi. Binawian ng buhay habang dinadala sa Jose Reyes Memorial Medical Center, ang biktimang si PO1 Jorsan Marie Alafriz, 25, nakatalaga sa MPD-Barbosa, at residente sa 1425 Lope de Vega St., Sta Cruz, Maynila, sakop …

Read More »

CIA sablay kay Digong

SUMABLAY ang Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika sa akala na madaling takutin si Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang talumpati sa harap ng Filipino community sa Myanmar kamakalawa ng gabi, sinabi ni Pangulong Duterte, hindi siya natatakot na ipatumba ng CIA dahil sa pagbuo ng independent foreign policy, makaraan mairita sa pakikialam ng administrasyong Obama sa kanyang drug war. Nagkamali …

Read More »

PSG Chief Bautista isasabak sa giyera sa Basilan, Sulu

KASABAY nang pagbibigay seguridad kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa First Family, pangungunahan din ni Presidential Security Group (PSG) chief, B/Gen. Rolando Bautista ang giyera kontra-terorismo sa Basilan at Sulu. Kamakalawa, isinagawa ang turn-over ceremony sa 1st Infantry Division ng Philippine Army sa Pagadian City, Zamboanga del Sur, at pinalitan ni Bautista  bilang pinuno si Maj. Gen. Gerardo Barrientos. Tahimik …

Read More »

Hitman sa Maynila utas sa enkwentro

PATAY ang isang hinihinalang ‘hitman’ ng sindikato ng ilegal na droga, sinasabing res-ponsable sa serye ng pagpatay, makaraan makipagbarilan sa mga tauhan ng MPD Station 7, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang suspek na si Arvin Aquino alyas Sundalo, at alyas Arbelboy Aquino, tinatayang 30-35-anyos, walang permanenteng tirahan. Sa ulat ni PO3 Michael Maraggun ng …

Read More »

Soros-funded NGO sponsor ng UN event (Naglabas ng Leni video)

PINONDOHAN ni American billionaire George Soros ang US-based Drug Reform Coordination Network (DRCNet) Foundation, na sponsor ng forum sa Vienna, Austria, na naglabas ng video message ni Vice President Leni Robredo laban sa drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nabatid na ang DRCNet Foundation ay kabilang sa 24 organisasyon na bumuo sa Coalition for Compassionate Leadership on Drug Policy, nagsulong …

Read More »

Kadamay sa Pabahay palalayasin

PALALAYASIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang grupong Kadamay, na umokupa sa mga pabahay ng gobyerno sa Pandi, Bulacan. Ayon sa pangulo, maglalabas siya ng eviction order para paalisin ang mga miyembro ng grupo, na wala namang hawak na kaukulang dokumento para sa nasa-bing pabahay. Aniya, hindi niya palalagpasin ang marahas na pag-ukopa ng grupong Kadamay, na lumikha ng kaguluhan sa …

Read More »

Pagsasaayos ng Malampaya Pinuri ng DOE

NGAYONG naisaayos na ang pasilidad ng Malampaya natural gas field, tiniyak ng Department of Energy (DOE) sa publiko na mananatiling nakamatyag sa epekto sa mga consumers ng pansamantalang pagkakasara ng naturang pasilidad. Tinitingnan ng DOE ang posibilidad na mapanatili ang patakarang ‘no-pass on’ sa consumers. “Our mission is to ensure that scheduled Malampaya maintenance shutdown will have a minimal effect …

Read More »

Jake Cuenca nasalpok ng truck, sugatan (Habang nagbibisikleta)

NABALIAN ng buto sa dalawang kamay, at may mga galos sa braso at mukha ang aktor na si Jake Cuenca, makaraan bumabangga sa sinusundang truck, habang nagbibisikleta sa Mall of Asia (MOA) sa Pasay City, kahapon ng umaga Mabilis na isinugod sa Medical City hospital si Cuenca, 29, makaraan ang insidente. Ayon sa ulat, dakong 7:00 am, lulan ng bisikleta …

Read More »

Chinese IT engineer utas sa ambush

dead gun police

PATAY ang isang Chinese na Information Technology (IT) engineer, makaraan pagbabarilin ng isa sa grupo ng kalalakihan lulan ng kotse sa Makati City, kahapon ng madaling-araw. Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Makati Medical Center si Andy Bai, 24, ng 11G One Central, Brgy. Bel-Air, sanhi ng tama ng bala sa tiyan, mula sa kalibre .45 baril. Inaalam ng pulisya …

Read More »

Accreditation ng Mighty Corp. sinuspendi ng Customs

customs BOC

TULUYAN nang sinuspinde ng Bureau of Customs (BoC) ang accreditation ng Mighty Corp. para makapag-import. Ayon kay Atty. Alvin Ebreo, head ng legal division ng BoC, epektibo kahapon, hindi na maaaring makapagpasok sa bansa ng kanilang raw materials, ang Mighty Corp. Hindi na rin puwedeng magpasok ng kargamento ang nasabing kompanya ng sigarilyo, kahit na ito ay nasa biyahe na …

Read More »

Landas tungo sa kapayapaan dapat tukuyin (Para ‘di maligaw) — Digong

AYAW ni Pangulong Rodrigo Duterte na maligaw sa landas tungo sa kapayapaan kaya nais niyang tukuyin kung ano ang gagawin sakaling pumalpak ang peace talks ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Pangunahing kondisyon ng Pangulo sa pag-usad muli ng formal peace talks ay magkaroon ng bilateral ceasefire agreement ang magkabilang panig. Gusto ng Pangulo na ilagay …

Read More »

Digong kay De Lima: Drug lord ka ‘di ka political prisoner

NUMBER one drug lord at hindi political prisoner. Ito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Senator Leila de Lima na iginigiit na siya ang kauna-una-hang political prisoner pero nakakulong sa PNP Custodial Center dahil sa kasong may kaugnayan sa illegal drugs. “Hindi natin alam na ang number one drug lord pala nasa gobyerno, mga generals pati iyong… Hanggang nga-yon, …

Read More »

3 giant pearls ibinebenta 10 tao arestado

TATLONG giant pearls na nakadikit pa sa taklobo, itinuturing na ‘endangered species’ ang nailigtas ng National Bureau of Investigation (NBI), nang maaresto ang 10 katao na nagbebenta nito sa entrapment operation sa T.M. Kalaw St., Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon. Nasa kustodiya ng NBI, at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 102 ng Republic Act 8550, o The Philippine Fisheries …

Read More »

Babala sa mayors: Death or martial law — Duterte

NAGBABALA ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, sa mga mayor sa buong bansa, na magdedeklara ng martial law o maharap sa kamatayan kapag hindi kumilos para sugpuin ang illegal drugs at kriminalidad. Sa kanyang talumpati sa General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines (LMP), sa harap ng halos 1,400 alkalde, sinabi niyang kailangang personal na pangasiwaan ng alkalde ang …

Read More »

Coed ginahasa, pintor arestado

prison rape

ARESTADO ang isang pintor makaraan gahasain ang isang 21-anyos estudyante sa Navotas City, kahapon ng umaga. Kinilala ang suspek na si Ariel Ordeta Agapito, 35, taga-Block 27, Lot 20, Phase 2, Area 1, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod. Sa salaysay ng biktimang si “Jael,” 2nd year college student, kay PO1 Chona Riano ng Women’s and Children’s …

Read More »

Lolo tigok sa hit & run

road traffic accident

BINAWIAN ng buhay ang isang 79-anyos lolo, makaraan takbuhan ng sasakyan na nakasagasa sa kanya sa Las Piñas City, kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Delfin Acaba, dumanas nang matinding pinsala sa katawan. Blanko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek na nakasagasa sa biktima. Ayon sa ulat ng Las Piñas City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong …

Read More »

10,000 motorista timbog sa ‘no contact apprehensions’

MMDA

NAHULI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang halos 10,000 motorista sa  “No Contact Apprehension System,” at 300 behikulo ang na-impound sa isang linggong anti-illegal parking operations sa Metro Manila. Batay sa ahensiya, nagsagawa ng anti-illegal parking operation ang mga tauhan ng MMDA nitong 6-10 Marso sa mga kalye ng Scouts Borromeo, Bayoran at Tobias; Panay Avenue, Sgt. Esguerra, Mother …

Read More »

ERC chairman idiniin ni Villa sa iregularidad

TAHASANG sinabi ng mamamahayag na si Charie Villa, binabraso ang kanyang kapatid na si Atty.  Francisco Villa Jr., para pirmahan ang mga iregular na dokumento, ni Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Jose Vicente Salazar. Base sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, emosyonal na ikinuwento ni Charie, ang pagpapakamatay ni Atty. Villa noong 9 Nobyembre 2016. …

Read More »

5 Pinoy inaresto sa Malaysia (Hinihinalang Islamic State militants)

KUALA LUMPUR – Inihayag ng pulisya nitong Lunes, inaresto nila ang pito katao, kabilang ang limang Filipino, hinihinalang may kaugnayan sa Islamic State militant group. Ang Southeast Asian nation ay nasa high alert magmula nang maglunsad nang pag-atake ang armadong kalalakihan, hinihinalang may kaugnayan sa Islamic State, nang ilang beses sa Jakarta, capital ng Indonesia, nitong Enero 2016. Inaresto ng …

Read More »

3 arestado sa paggawa ng pekeng peso bills

NAARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), ang tatlong suspek sa pagpapakalat ng pekeng pera sa Sta. Cruz, Maynila, iniulat ng NBI kahapon. Kinilala ang mga suspek na sina Richard Ansus, Anthony Cuatico, at Irmalynne Pablo, nadakip sa entrapment operation sa LRC Compound sa Sta. Cruz. Ayon sa ulat, sinalakay nang magkasanib na puwersa ng Bangko Sentral …

Read More »

PRRC ex-official inirereklamo sa korupsiyon (Sinabing sinungaling si Digong)

MARAMING reklamo ang mga empleyado mismo ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa katiwalian ni dating Executive Director Ramil R. Tan at ang kanyang Deputy Executive Director for Operations na si Ariel P. Maralit. Sa dalawang liham kay Pangulong Rodrigo Duterte ng PRRC Employees noong 11 at 31 Enero, 2017, isinalaysay ng mga empleyado ang korupsiyon nina Tan at Maralit …

Read More »