Friday , July 26 2024

VP Leni: Panalo ako sa eleksiyon (Bongbong napahiya lang)

ILOILO — Buong loob na idiniin ni Vice Pre­sident Leni Robredo na siya ang nanalo sa eleksiyon noong 2016, dahil pinatunayan lang ng election protest na inihain laban sa kaniya ang lamang niya sa halalan.

Ayon kay Robredo, wala namang napala ang kaniyang kalaban na si Bongbong Marcos nang kuwestiyonin nito ang kaniyang pagka­panalo, at idinamay pa ang Iloilo, na malaki ang naging lamang ng bise presidente.

Proud na proud na nagpasalamat si Robre­do sa mga Ilonggo para sa kanilang pagma­mahal at suporta, at iginiit na hindi sila mga mandaraya — na napa­tu­­nayan sa recount.

“Nadamay po kayo, nag-file sa akin ng protesta ‘yong kalaban ko sa eleksiyon. Ang sabi niya, nandaya raw po ako nang grabe dito sa Iloilo. Binuksan na­man ‘yong mga balota — walang naki­tang pandaraya dahil hindi naman nandaraya ang mga tao rito sa Iloilo,” wika ni Robredo, na sinagot ng malakas na palakpak ng mga I­long­go.

Malaki ang ipinanalo ni Robredo sa Iloilo, na siya ay nakatanggap ng 573,829 boto, kompara sa 94,411 boto para kay Marcos.

Sa Iloilo City, na itinuturing ng Presidential Electoral Tribunal na hiwalay sa probinsiya, nakakuha ng 137,662 boto si Robredo — lamang ng 100,000 kay Marcos.

Sa kabila nito, pinilit pa rin ni Bongbong na nadaya siya sa Iloilo, at isinama ito sa tatlong probinsiyang napili niya sa initial recount para sa kaniyang electoral pro­test. Pero ayon sa legal team ni Robredo, wala namang nakitang panda­raya mula sa nasabing pagbibilang.

Nasa Iloilo City si Robredo nitong Miyerko­les para ilunsad ang Ahon Laylayan Koalisyon, isang proyektong naglalayong palakasin ang mga bata­yang sektor at tulungan silang bumuo ng People’s Council — isang inisiya­tibang sinimulan ng kaniyang yumaong asa­wa na si Jesse, na matagal na naging mayor ng Naga City.

Dito binibigyan ng pagkakataon ang mga ordinaryong mama­mayan na makibahagi sa mga desisyon at pama­mahala ng lokal na pamahalaan.

Sa okasyong ito ay naimbitahan rin ang mga kandidato ng Otso Diretso, nangako sa pamamagitan ng isang covenant, dadalhin nila sa Senado ang mga agenda at pangangai­langan ng mga sektor.

Kinuha ni Robredo ang pagkakataon upang humingi ng suporta para sa mga kandidato, na ayon sa kaniya ay matitino, mahuhusay, at may paninindigan.

Aniya, sana ang kaniyang naging tagum­pay sa Iloilo noong 2016 ay maibigay rin sa mga kandidato ng Otso Diretso, kabilang na sina Sen. Bam Aquino, Mag­dalo Rep. Gary Alejano, dating senador Mar Roxas, dating congress­man Erin Tañada, dating solicitor general Pilo Hilbay, dating ARMM assemblywoman Samira Gutoc, bete­ranong election lawyer na si Atty. Romy Maca­lintal, at ang iginagalang na human rights lawyer na si Atty. Chel Diokno.

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *