Friday , April 19 2024
Philippines Presidential Elections

Koko sa publiko: Magbantay tayo sa panggipit sa nagbabayad ng buwis

NAGBABALA si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa publiko na mag-ingat sa pagbabayad ng kanilang buwis at makipag-ugnayan lamang sa mga awtoridad sa pagtatapos ng taunang pagpa-file ng income tax returns (ITR) sa 15 Abril 2019.

“I’ve been receiving many complaints relating to BIR harassment both from individual and corporate taxpayers. There appears to be certain individuals and groups preying on and taking advantage of taxpayers who are processing and preparing their returns,” ayon kay Pimentel.

“All of this stems from the urgency of beating the deadline and possibly minimizing tax compliance.”

Ipinanukala ni Pimentel na ang mga biktima ng panggigipit o harassment ay dapat makipag-ugnayan sa mga tauhan ng BIR at hindi sa nagkalat na fixer sa ahensiya.

Sabay alok din ng serbisyo sa mga may reklamo na personal niyang tutulungan kung mag-uulat sa kanya ng mga daing laban sa BIR.

“Exerting pressure on taxpayers, soliciting bribes, offering to underdeclare or completely falsify returns, these are all illegal acts punishable under various tax and criminal laws,” ani Pimentel.

“It’s important that taxpayers avoid being victims or complicit participants in these kinds of activities.”

Ang abogado at mambabatas na nanguna sa Bar examinations noong 1990 ay awtor ng Senate Bill 293 noong 2016 na nagkaloob ng one-time amnesty sa mga estate taxes.

Naging bahagi ito ng Republic Act (RA) 11213 o ang “Tax Amnesty Act” na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang 14 Pebrero2019.

“Let’s be vigilant and careful during this tax season. Be smart. Use your kokote,” dagdag ni Pimentel.

“More importantly, be dutiful citizens and pay the correct amount of taxes.”

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *