Monday , December 23 2024

Masonry Layout

Senador o presidente pangarap ni Atio

Horacio Tomas Atio Castillo III

INSPIRADO sa kanyang nunong si Dr. Jose Rizal, hindi itinatago ng batang si Atio na gusto niyang maging senador o presidente ng bansa. Ang pamilya ng ama ni Atio ay sinabing direktang inapo (descendant) ni Soledad Alonzo Rizal, kapatid ng pambansang bayani, na napangasawa ni Pantaleon Quintero. Si Amelia Rizal Quintero de Marval, anak ni Soledad Alonso Rizal, kapatid ng …

Read More »

Aegis Juris fratmen sinuspendi ng UST (Sa Castillo hazing)

INIUTOS ng University of Santo Tomas Faculty of Civil Law ang “preventive suspension” sa mga opisyal at miyembro ng Aegis Juris fraternity kasunod nang pagkamatay ng freshman law student na si Horacio Tomas “Atio” Castillo III. Nitong Lunes ini-post sa Facebook account ng The Varsitarian, ang memorandum ni UST civil law dean Atty. Nilo Divina, na sinabing ‘all officers and …

Read More »

NBI probe sa hazing death ng UST law student iniutos

INIUTOS ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan at kasuhan ang mga responsable sa pagkamatay ng freshman law student ng University of Santo Tomas (UST) na si Horacio Tomas “Atio” Castillo III. Si Castillo ay sinasabing napatay sa welcome rites ng university-recognized fraternity nitong nakaraang linggo. “Deaths and physical injuries due to hazing …

Read More »

Apo ni Dr. Rizal patay sa hazing (UST freshman law student)

A post shared by HATAW! – Diyaryo ng Bayan (@hatawtabloid) on Sep 18, 2017 at 8:12pm PDT ATAKE sa puso sanhi ng grabeng pagpapahirap sa hazing ang ikinamatay ng isang freshman law student ng University of Sto. Tomas (UST) na kinilalang descendant o inapo ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal sa kanyang kapatid na si Soledad Alonso- Rizal de …

Read More »

2 pulis nagduwelo sa toothpick

LABING-ISANG basyo at tatlong depormadong bala mula sa hindi pa matukoy ba kalibre ng baril ang narekober ng mga tauhan ng NPD-SOCO matapos magduwelo ang dalawang kagawad ng Philippine National Police (PNP) sa Caloocan City nitong Sabado ng hapon. Ginagamot sa Caloocan City Medical Center ang sugatan na si SPO1 Romel Bautista, 42, nakatalaga sa Station Investigation Division and Management …

Read More »

Digong papabor sa security cluster ng gabinete (Sa peace talks sa CPP-NPA-NDF)

Duterte CPP-NPA-NDF

HINDI makapagpapasyang mag-isa si Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin nang pagpapatuloy ng usapang pangkapayaan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Hihingin ni Pangulong Duterte ang opinyon ng mga miyembro ng security cluster ng kanyang gabinete bago magpasya ng susunod na hakbang kaugnay sa peace talks sa kilusang komunista, ayon kay Presidential Spokesman Ernesto …

Read More »

News blackout sa Marawi (Hiling ng AFP sa Palasyo)

A post shared by HATAW! – Diyaryo ng Bayan (@hatawtabloid) on Sep 17, 2017 at 5:48pm PDT HINDI na magbibigay ng update sa publiko ang Palasyo hinggil sa bakbakan ng militar at Maute terrorist group sa Marawi City. Inihayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, pinayohan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Malacañang na tumigil muna sa pagbibigay ng …

Read More »

US missile interceptor pag-asa ng PH vs North Korea

UMAASA ang Palasyo na mahaharang ng missile interceptor ni Uncle Sam ang pinakakawalang thermonuclear warheads ng North Korea para hindi tumama sa Filipinas. Ngunit inilinaw ni Dense Secretary Delfin Lorenzana, hindi nila hiniling sa US at Japan na bigyan tayo ng missile interceptor. Inamin ni Lorenzana, kulang sa kapabilidad ang gobyerno para bigyan proteksiyon ang mga Filipino laban sa armas …

Read More »

WWII vintage bomb nahukay sa Nayong Pilipino

BINABANTAYAN ng PNP Aviation Police ang nahukay na vintage bomb ng mga construction workers sa MIA road kahapon. (JSY) A post shared by HATAW! – Diyaryo ng Bayan (@hatawtabloid) on Sep 15, 2017 at 3:25pm PDT ISANG vintage bomb ang natagpuan ng mga construction workers habang nagsasagawa ng excavation work sa MIA road malapit sa Nayong Pilipino nitong Huwebes ng …

Read More »

Kaso vs Noynoy pinagtibay ng Ombudsman (Sa Mamasapano massacre)

A post shared by HATAW! – Diyaryo ng Bayan (@hatawtabloid) on Sep 15, 2017 at 2:51pm PDT PINAGTIBAY ng Office of the Ombudsman ang kasong graft at usurpation of authority laban kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III hinggil sa kanyang naging bahagi sa anti-terrorism operation na nagresulta sa pagkamatay ng 44 Special Action Force (SAF) commandos sa Mamasapano, Maguindanao …

Read More »

Kudeta ‘raket’ ni ‘Trilly’ (Kinita itinago sa kuwestiyonableng bank accounts — Digong)

A post shared by HATAW! – Diyaryo ng Bayan (@hatawtabloid) on Sep 14, 2017 at 2:15am PDT GINAMIT ni Sen. Antonio Trillanes ang bantang kudeta sa administrasyong Arroyo sa panghihingi ng kuwarta. Sa media interview kamakalawa, isiniwalat ni Pangulong Duterte, ang mga deposito sa banko sa ibang bansa ni Trillanes ay hindi pinaabot ng senador sa halagang magiging kuwestiyonable. Sa ating …

Read More »

Curfew sa Caloocan pinaigting

PERSONAL na nag-obserba si Caloocan Mayor Oscar Malapitan sa pagpapatupad ng curfew sa Bagong Barrio, Linggo ng gabi. Ayon sa mayor, may mangilan-ngilang mga residente ang nahuli sa paglabag sa ordinansa ng curfew ngunit agarang pinauwi lalo ang mga kabataan. Ipinatawag ang kanilang mga magulang at matapos ang maikling pangaral ay pinauwi agad ang mga nahuli, sabi ng mayor. “Ang …

Read More »

Pastor binistay sa harap ng chapel

dead gun police

TODAS ang isang pastor na sinasabing aktibo sa kampanya kontra ilegal na droga, makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa harap ng chapel sa Caloocan City, kahapon ng umaga. Hindi umabot nang buhay sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital ang biktimang si Dick Sabado, 36, ng St. Michael St., Administration Site, Brgy. 186, sanhi ng mga tama ng bala sa katawan. Ayon kay …

Read More »

Chinese nat’l nahulog mula 9/F ng condo, dedo

suicide jump hulog

BINAWIAN ng buhay ang isang Chinese national makaraan mahulog mula sa ika-9 palapag ng isang condominium sa Parañaque City, nitong Linggo. Agad nalagutan ng hininga ang biktimang si Ke Yue Jin, nasa hustong gulang, dahil sa matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong 6:10 am sa Solemare Park Suites sa Lot …

Read More »

Trillanes pumirma sa waiver (Bank accounts pabubuksan)

LUMAGDA na si Senador Antonio Trillanes IV sa isang “sworn waiver of secrecy of bank deposits” upang malayang siyasa-tin ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang umano’y kanyang offshore deposits. Ayon kay Trillanes, ito ay patunay na wala siyang itinatagong offshore accounts o deposito sa ibang bansa kompara kay Pangulong Rodrigo Duterte at mga miyembro ng kanyang pamilya. Ayon kay Trillanes, isang …

Read More »

Bangladeshi timbog sa shabu

shabu drug arrest

ARESTADO sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob ng motel ang isang Bangladesh national at nakom-piskahan ng 50 gramo ng shabu, P300,000 ang ha-laga, sa EDSA-Rotonda, Pasay City, nitong Linggo ng gabi. Kinilala ng pulisya ang dinakip na si Mohammad Anizuh Rahman, nasa hustong gulang, kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA. Sa impormasyong nakalap ng mga awtoridad, …

Read More »

P6-M Lotto 6/42 jackpot tinamaan ng taga-Cavite

TINAMAAN ng isang taga-Cavite ang P6 milyon jackpot ng Lotto 6/42 nitong Sabado. Ayon sa Philippine Charity and Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan ng residente ng Bacoor, Cavite, ang winning combination na 10-41-21-11-29-37. Samantala, 15 PCSO Lotto 6/42 bettors ang nanalo rin ng P25,000 makaraan mahulaan ang limang numero, ayon pa sa ulat.

Read More »

Aso maingay, amo kinatay

Stab saksak dead

IMBES ang maingay na alagang aso ang kinatay, ang ginang na amo ng hayop ang pinagtulungang tagain hanggang mamatay ng kanyang mga kapitbahay sa Quezon City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Jovy Evelyn Candelaria, 47, store owner, at residente sa 31 Upper Lanzones St., Brgy. Payatas …

Read More »

Coercion raps ni Vhong Navarro vs Deniece Cornejo, Cedric Lee tuloy

IBINASURA ng korte ang motion to dismiss sa grave coercion charges na inihain ni actor-host Vhong Navarro laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at dalawang iba pa. Sinabi ni Metropolitan Trial Court Taguig Branch 74 Judge Bernard Pineda Bernal, “there is probable evidence to sustain their indictment for the crime charged,” tinukoy ang mga ebidensiyang iniharap ng prosekusyon. Ang mga …

Read More »

P10 minimum sa pasahe inihirit (Petrolyo muling tataas)

SIMULA Martes, 12 Setyembre, madaragdagan ng P1.30 ang presyo kada litro ng diesel, habang P0.45 sa kada litro ng gasolina. Tataas din ng P0.90 ang presyo kada litro ng kerosene. Dahil big time ang dagdag-presyo sa diesel, maghahain ng petisyon ang mga transport group sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para itaas ang pasahe. Ayon sa Department of …

Read More »

BSK polls iniliban sa Mayo 2018 (Aprub sa Kamara)

sk brgy election vote

INAPRUBAHAN ng Kamara nitong Lunes sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang pagliban sa synchronized barangay and Sangguniang Kabataan (SK) elections mula 23 Oktubre 2017 patungo sa pangalawang Lunes ng Mayo 2018. Sa 213 Yes, 10 No, at zero abstentions, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 6308, nag-consolidate sa limang iba pang panukala at isang resolusyon na iisa ang …

Read More »

Faeldon ikinulong sa Senado (Ayaw harapin sina Lacson at Trillanes)

IKINULONG nang “indefinitely” sa Senado si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon hanggang sa siya ay makipagtulungan sa imbestigasyon ng blue ribbon committe kaugnay sa P6.4 bilyon shabu shipment, ayon kay Senador Richard Gordon nitong Lunes. Ang desisyon ay nabuo makaraan mag-usap sina Gordon at Faeldon sa opisina ng Senate Sergeant-At-Arms. Sinabi ni Gordon, na-ngangamba si Faeldon na hindi magiging parehas …

Read More »

Duterte bumisita muli sa Marawi

A post shared by HATAW! – Diyaryo ng Bayan (@hatawtabloid) on Sep 12, 2017 at 7:24am PDT SA ikaapat na pagkakataon ay binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Marawi City upang alamin ang sitwasyon ng mga tropa ng pamahalaan na nakikipagbakbakan sa Maute terrorist group. Sa kalatas ng Palasyo, nagtungo si Duterte sa Grand Islamic Mosque, dating kontrolado ng Maute …

Read More »

Bangkay sa Nueva Ecija hindi si Kulot — PNP

HINDI ang 14-anyos na si Reynaldo de Guzman alyas ‘Kulot’ ang bangkay na natagpuan sa isang sapa sa Gapan, Nueva Ecija, ayon sa Philippine National Police, nitong Lunes. Ayon sa PNP, hindi nagtugma ang resulta ng DNA test mula sa sample na nakuha sa bangkay at sa mga magulang ng nawawalang binatilyo. Dagdag ng PNP Crime Lab, 99.99% na tama …

Read More »