Saturday , May 25 2024
INIAABOT nina Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang tsekeng nagkakahalaga ng P6 milyon kina Philippine General Hospital (PGH) Director Gerardo Legaspi at Dr. Telesforo Gana, president ng PGH Medical Foundation, Inc. (BONG SON)

P30.5-M donasyon at TF ni Isko personal na iniabot sa PGH

MISMONG si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­goso ang nagkaloob sa Philip­pine General Hospital (PGH) ng milyon-milyong donasyon kabilang ang kanyang talent fee sa kanyang pagmomodelo sa JAG Jeans.

Umabot sa hala­gang P30.5 milyong donasyon kabilang ang kanyang P1 milyong talent fee mula sa isang kilalang brand ng damit, ang pormal niyang ipinagkaloob sa tang­gapan ni PGH Director Gerardo Legaspi.

Kabilang sa nasa­bing halaga ang kinita sa ginanap na fund raising program na “Yorme Kois Golf Cup” kamakailan na kumita ng kabuuang P24.5 milyon, P1 milyon na Jag Jeans talent fee ni Mayor Isko, P1 milyon mula sa kompanyang Jag Jeans, P1 milyon mula sa Kenny Roger’s, P1 milyon mula sa Seattle’s Best, at P2 milyon mula sa sister company ng Jag Jeans.

Sinabi ni Legaspi, gagamitin ang nasabing halaga sa mga batang may sakit na cancer  na ngayon ay nasa panga­ngalaga ng Cancer Ward for Children gayondin sa mga pasyente sa Pedia Section na isa­sailalim sa liver trans­plant ng PGH.

Paalala ni Moreno sa mga batang may cancer sa PGH, huwag mag-alala at mawalan ng pag-asa  dahil mara­ming nagmamahal sa kanila at tutu­long para sa kani­lang panga­ngai­langan sa pagpa­paga­mot.

About hataw tabloid

Check Also

Alice Guo Chiz Escudero

Presumption nananatili – SP Chiz Escudero 
NAG-AKUSA vs MAYOR GUO DAPAT MAGLABAS NG PRUWEBANG HINDI SIYA PINOY

HINDI si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kundi ang mga nag-aakusa sa kanya ang dapat …

Ops vs krimen umarangkada 24 suspek timbog sa Bulacan

Ops vs krimen umarangkada 24 suspek timbog sa Bulacan

NASAKOTE ang 24 inidbiduwal na sangkot sa iba’t ibang krimen at paglabag sa batas sa …

Sa Orion, Bataan BATAKAN BINAKLAS, 4 DURUGISTA TIKLO

Sa Orion, Bataan
BATAKAN BINAKLAS, 4 DURUGISTA TIKLO

WINASAK ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Police Office (BPO) sa …

2 Most wanted persons ng CALABARZON arestado

2 Most wanted persons ng CALABARZON arestado

NASAKOTE ang dalawang lalaking nakatala bilang Regional Level Most Wanted Persons sa magkahiwalay na manhunt …

Jeannie Sandoval Malabon DBP

Para palakasin ang pabahay, kalusugan, infra projects at socio-economic dev’t
MAYOR JEANNIE SANDOVAL NAKIPAG-UGNAYAN SA DBP

UPANG mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyo sa mga Malabueño, nakipagtulungan ang pamahalaang lungsod ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *