MAGPAPATUPAD ang Manila Police District ng 48-hour gun ban sa lungsod ng Maynila sa 8-10 Enero para sa paggunita sa pista ng Itim na Nazareno sa susunod na linggo. Sa nasabing gun ban, pansamantalang sususpendehin ang permits to carry firearms, maliban sa uniformed personnel, mula hatinggabi ng 8 Enero hanggang hatinggabi ng 10 Enero, ayon kay Manila Police District head, …
Read More »Masonry Layout
Bitcoin very risky — BSP
DELIKADO mag-invest sa bitcoin dahil sa malaking price fluctuations at maaaring magresulta sa malaking pagkalugi, babala ng Bangko Sentral ng Filipinas. Ang bitcoin ay mabilis ang pagtaas nitong nakaraang taon, kaya marami ang nahikayat na mag-invest sa digital currencies nagresulta para umaksiyon ang mga awtoridad sa mundo katulad ng BSP, hinggil sa kanilang kapangyarihan sa nasabing instrumento. “The price of …
Read More »Gun ban sa Navotas epektibo na
NAGSIMULA nang i-patupad ang gun ban at liquor ban sa Navotas City para sa gaganaping plebisito sa tatlong barangay sa lungsod na planong hatiin sa pitong barangay. Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Navotas election officer, Atty. Edison Teodoro, ipinatutupad ang mga pangunahing regulasyon tulad ng gun at liquor ban sa tuwing may halalan kabilang ang plebisito. Mula sa 14 …
Read More »8 patay, 5 sugatan sa sumabog na vintage bomb (Sa Zamboanga del Norte)
WALO katao ang namatay habang lima ang su-gatan nang sumabog ang isang vintage bomb sa bayan ng Sirawai sa Zamboanga del Norte, nitong Miyerkoles ng hapon. Agad binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente si Marcelo Antogon, magkapatid na binatilyong sina Roel at Ladi Balamban, si Robert Timbulaan at kanyang dalawang batang kapatid na 6 at 9 anyos. Hindi pa …
Read More »Public Sector group umalma
NANGANGAMBA ang ilang public sector organization sa seguridad at integridad ng kani-kanilang asosasyon dahil sa madalas na paggamit ng ‘sindikato’ sa letterhead ng mga unyon ng kawani sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para gamitin sa target nilang posisyon sa pamahalaan. Una, ang naganap sa DDB at nitong huli ay sa Marina na kapwa ikinasibak nina ret. Gen. Dionisio Santiago …
Read More »Duterte ‘nakoryente’
SA isang resolusyon, itinanggi ng Alliance of Marina Employees (AME) na ang kanilang grupo ang nagpadala ng liham kay Pangulong Duterte na nagreklamo laban kay Amaro. Tinawag na “fake news” ng AME ang lumabas na mga pahayag sa media na naghain sila ng reklamo laban kay Amaro sa Palasyo. “The AME Executive Officers and Board of Directors collectively agreed to …
Read More »Marina chief sinibak ni Digong
SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-pitong junketeer na opisyal ng kanyang administrasyon alinsunod sa isinusulong na kampanya kontra korupsiyon. Inianunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque ang pagtanggal sa puwesto kay Maritime Industry Authority (Marina) Administrator Marcial “Al” Amaro III. “The President has tasked me to announce that he has terminated the services of Mr. Marcial QC Amaro, administrator of …
Read More »TRAIN ‘pasakit’ sa bayan (Palasyo aminado)
AMINADO ang Palasyo na kailangang pasanin ng taong bayan ang ipapataw na dagdag buwis para pondohan ang mga proyektong pang-impraestraktura sa ilalim ng Build, Build, Build program ng administrasyong Duterte. Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa ulat na 80 milyong Filipino ang makararanas ng negatibong epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law kahit iabsuwelto …
Read More »Joma’s wish (Peace talks ituloy) tablado sa Palasyo
TABLADO sa Palasyo ang New Year’s wish ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison na ituloy ang peace talks sa administrasyong Duterte. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, sa kasalukuyang sitwasyon, malabong umusad muli ang usapang pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF. Ani Roque, kailangan patunayan ng rebeldeng komunista ang sinseridad sa pagsusulong ng kapayapaan. “As of now, …
Read More »Pakiusap ni Mayor Tiangco: Magpaputok sa tamang lugar
PINAALALAHANAN ni Ma-yor John Rey Tiangco ang mga Navoteño na gamitin ang mga itinalagang lugar para sa fireworks display upang masiguro ang kaligtasan ng lahat. “Nais kong ipaalala sa lahat na sundin ang mga batas at alituntunin sa paggamit ng mga paputok at pailaw. Magtulungan tayo sa pangangalaga sa mga miyembro ng ating komunidad at si-guruhin natin na ang bawat pamilyang …
Read More »OVP pasado sa ISO standards (Matapos ang matagumpay na taon)
SA pagtatapos ng isang matagumpay na taon, aprobado sa global standards ang Office of the Vice President, na nakapasa sa International Organization for Standardization (ISO) kamakailan. Sa pangunguna ni Vice President Leni Robredo, nakuha ng OVP ang ISO 9001:2015 certification, ang pinakabagong pamantayan para sa Quality Management System, na nagpapanatili ng kalidad ng serbisyo o produkto ng isang organisasyon. Isa …
Read More »Paalala ng Palasyo: Masaya, ligtas na Bagong Taon (vs illegal fire crackers)
IPINAALALA kahapon ng Palasyo sa publiko ang mga pinapayagan at ipinagbabawal na mga paputok batay sa umiiral na Republic Act 7138. Base sa kalatas na inilabas ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ipinabatid sa mga Filipino na nagbebenta at bumibili ng mga paputok para sa pag-iingay sa pagsalubong ng 2018. Ayon sa Palasyo, bawal ang mga firecracker at pyrotechnic …
Read More »Digong dumistansiya sa pagbitiw ni Polong
DUMISTANSIYA si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibitiw ng kanyang anak na si Paolo Duterte bilang bise-alkalde ng Davao City. Sinabi ng Pangulo sa ambush interview sa Southern Philippines Medical Center, ipinauubaya niya sa anak ang pagpapasya kung itutuloy ang resignation. “Well, sa kanya ‘yun. You… Hindi kita masagot. Hindi ako ‘yung nag-resign e. But nagtanong siya kagabi. Doon kami, nagkita-kita …
Read More »16,355 killings inamin ng Palasyo (Imbestigasyon patuloy)
INAMIN ng Palasyo na 16,355 ‘killings’ ang iniimbestigahan ng mga awtoridad mula nang maluklok si Pangulong Rodrigo Duterte. Batay sa 63-pahinang year-end accomplishment report na inilabas ng Palasyo kahapon, klasipikado ang unsolved killings bilang “Homicide Cases under Investigation.” Ngunit ipinagmalaki ng Palasyo, may 4,747 barangay sa buong bansa ang idineklarang drug-free sa loob ng isang taon at kalahati ng adminis-trasyong …
Read More »3 sugatan sa stray bullets 7 arestado, 7 tinutugis (Sa indiscriminate firing)
TATLO katao ang iniulat na sugatan dahil sa tama ng stray bullets makaraan ipagdiwang ang Pasko, ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP). Sa datos ng PNP mula 16-26 Disyembre 2017, ang mga biktima ay mula sa National Capital Region, Regions 3, at 5. May tig-isang insidente ng stray bullets sa Region 1 at Region 13. Habang pito, kabilang …
Read More »Panawagan ng NCRPO: Bagong Taon gawing mapayapa
NANAWAGAN si National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde sa publiko na hangga’t maaari ay gawing mapayapa ang pagdiriwang ng Bagong Taon. Nakiusap din si Albayalde sa mga magulang na bantayan maigi ang kanilang mga anak na malamang ay patagong bumili ng mga ipinagbabawal na pa-putok. “Umaasa ang inyong mga ka[pulis]an na magkaisa tayong lahat na ipagdiwang ang …
Read More »2 holdaper todas sa shootout sa Tondo
PATAY ang dalawang lalaki nang makipagpalitan ng putok sa mga pulis makaraan holdapin ang isang ginang sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw. Ayon kay Supt. Jay Dimaandal, hepe ng Manila Police District – Station 1, kinilala ang isa sa mga suspek na si Nestor de Vera. Sinabi ni Dimaandal, nagkasa ng follow-up operation ang pulisya makaraan dumulog ang biktima …
Read More »Vinta lumakas signal no. 2 sa 12 areas
LUMAKAS ang tropical storm Vinta nitong Huwebes ng hapon at nagbabanta sa Caraga area, ayon sa state weather bureau PAGASA. Ayon sa PAGASA sa 5:00 pm bulletin, ang sentro ng bagyo ay nasa 200 kilometers east ng Hinatuan, Surigao del Sur dakong 4:00 ng hapon. Ang bagyong Vinta ay may lakas ng hangin hanggang 80 kph malapit sa gitna at …
Read More »Mag-aateng sexagenarian umilalim sa truck, 1 tigbak
SAN FERNANDO, La Union – Binawian ng buhay ang panganay sa tatlong magkakapatid na sexagenarian makaraan pumailalim sa 10-wheeler truck sa bayang ito, nitong Miyerkoles ng hapon. Ayon sa ulat, mula sa pamimili sa palengke ang mga biktimang edad 61, 60, at 64, ay pata-wid sa pedestrian lane nang masagasaan ng truck. “Nakita namin na nakaipit sa gulong ‘yung isang …
Read More »5 sasakyan nagrambol sa SLEX, 1 sugatan
SUGATAN ang isang driver makaraan magkarambola ang limang sasakyan sa southbound lane ng South Luzon Expressway (SLEX) sa bahagi ng Sucat, Parañaque dakong 5:00 am nitong Huwebes. Ayon sa ulat, unang bumangga ang minamanehong dump truck ni Alvin Alcantara sa likod ng isang shuttle bus bago sumagi sa iniwasan ni-yang AUV. Sa bilis ng takbo, sumampa sa concrete barrier ang …
Read More »News anchor ng ABS-CBN, 5 pa sugatan (Sa karambola sa EDSA-Shaw)
SUGATAN ang anim katao, kabilang ang reporter at anchorwoman ng ABS-CBN na si Doris Bergonia, at ang kanyang camera man nang magkarambola ang anim sasakyan sa EDSA-Shaw Boulevard, Mandaluyong City, kahapon ng hapon. Sinabi ni Bong Nebrija, supervising operation manager ng MMDA, isinara nila ang northbound lane ng EDSA sa mga motorista bandang 1:45 pm at binuksan dakong 3:30 ng hapon. …
Read More »Bong Revilla magpapasko sa pamilya (Sa Bacoor, Cavite)
PINAYAGAN ng Sandiganbayan ang nakapiit na si Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. na magdiwang ng Pasko kasama ng kanyang pamilya sa Bacoor, Cavite. Sa minute resolution na may petsang 20 Disyembre, pinahintulutan ng First Division ang mosyon ni Revilla na lumabas ng piitan sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame mula 11:00 am hanggang 9:00 pm sa 24 …
Read More »De Lima pinayagan tumanggap ng bisita (Sa Pasko at Bagong Taon)
MAAARING tumanggap ng bisita si Senadora Leila de Lima sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon makaraan payagan ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame. Ayon sa opisina ng senadora, maaaring tumanggap ng mga bisitang kamag-anak si De Lima sa 24 Disyembre hanggang ala-1 ng madaling araw ng 25 Disyembre at sa mismong araw ng Pasko mula …
Read More »Holiday truce sa CPP-NPA tinapyasan ni Digong (Dating 10 araw, anim na lang)
PINAIGSI sa anim na araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Christmas unilateral ceasefire sa New People’s Army (NPA) mula sa unang idineklara niyang sampung araw. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, epektibo ang Christmas truce mula alas-sais ng gabi ng 23 Disyembre hanggang hatinggabi ng 26 Diyembre 2017 at mula alas-sais ng gabi 30 …
Read More »DAP president sinibak ni Digong (Ika-pitong junketeer)
SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-pitong junketeer na opisyal ng gobyerno alinsunod sa isinusulong na kampanya kontra korupsiyon. Iniutos ni Duterte ang pagtanggal kay Development Academy of the Philippines (DAP) president Elba Cruz dahil sa dalas nang pagbiyahe sa labas ng bansa kahit paso na ang kanyang termino noon pang Hunyo 2017. “Considering that your Term of Office expired …
Read More »