Sunday , July 20 2025

DOTr nagpadala ng 10 bus para sa health workers

NAGPADALA ng sam­pung bus ang Department of Transportation (DOTr) sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila na magsi­simula sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) upang magsilbing service vehicle ng health workers na apektado ng “enhanced community quarantine” o “total lockdown” sa buong Luzon.

Ayon Kay DOTr Assistant Secretary Mark de Leon, iba’t ibang ruta ng mga naturang bus na mag-iikot sa mga ospital para sumundo ng health workers na ihahatid sa kanilang mga tirahan.

Inilinaw ni De Leon, bahagi ito ng kanilang tungkulin sa ilalim ng “enhanced community quarantine” para sa front­liners sa Metro Manila.

Idaraan sa screening ang bawat susunduin ng bus para maiwasan ang ibang magpapanggap na health workers na sasakay sa bus na ipinadala ng DOTr para sa libreng sakay.

Ipapakita lamang sa mga security guard ng ospital ang mga ruta ng bus upang ipaalam sa health workers na magha­hatid at susundo sa kani­la.

Tatlong truck sakay ang Philippine Army at mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang kanilang magiging escort sa sampung bus na mag-iikot sa mga ospital.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Nursing Home Senior CItizen

Maling akala vs panukalang “Parents Welfare Act” klinaro

NAIS itama ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang ilang maling akala at malisyosong paratang ng …

071825 Hataw Frontpage

Legal adoption at anti-human trafficking nais palakasin
‘BABIES FOR SALE’ ONLINE ISASALANG SA SENADO

ni Niño Aclan “BABIES are not commodities.” Binigyang-diin ito ni Senadora Pia  Cayetano kasabay ng …

Antonio Carpio SC Supreme Court

Dahil sa pagiging co-equal branch of government
SC PINAALALAHANAN NI CARPIO SA PAG-USIG vs MAMBABATAS

PINAGHIHINAY-HINAY ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang Korte Suprema kaugnay sa pagkuwestiyon …

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo lalaki sa Bulacan tiklo

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo, lalaki sa Bulacan tiklo

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang kabilang sa grupo ng agaw-motorsiklo sa lungsod …

Batangas Money

Batangas SP nananawagan ng pagkakaisa para sa sesyon

NANANAWAGAN ng pagkakaisa ang mga board members at lupon ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *