Friday , July 18 2025

Foreigner, OFWs, balikbayans puwedeng bumiyahe

INILINAW ng Palasyo na tanging ang mga turistang Pinoy lang ang pagbabawalang maka­labas ng bansa habang umiiral ang Luzon-wide enhanced community quarantine sa rehiyon dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang mga outbound passenger ay maaaring umalis ano mang oras kahit umiiral ang quarantine.

Gayonman, dapat ang kanilang departure ay naka-schedule sa loob ng 24 oras mula nang umalis sila sa kanilang mga hotel o tahanan. Kailangan lamang nilang ipakita ang kanilang travel itinerary.

Ang outbound inter­national flights ay para lamang sa foreigner, overseas Filipino workers (OFWs), at mga balikbayan.

Isang indibiduwal o driver lamang ang maaa­ring maghatid sa pasa­hero sa airport, at kaila­ngan nitong magdala ng sariling kopya ng ticket ng pasahero bilang katibayan. Kailangan rin umalis agad ang driver matapos i-drop off ang kaniyang pasahero.

Kaugnay sa inbound flights, ang mga Pinoy at OFWs na uuwi ng bansa, ay papayagan ano mang oras.

Papayagan rin maka­pasok sa bansa ang kanilang foreign spouses at mga anak, maging ang mga permanent resident sa bansa.

Para sa mga Pinoy na magmumula sa China, Hong Kong at Macau, sila ay sasailalim sa 14-day quarantine sa mga quarantine facility.

Para sa ibang Pinoy na magmumula sa ibang bansa, dapat ay sumu­nod sila sa mandatory home quarantine.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang mga international passenger ay pahihintulutan rin makapasok ng bansa ngunit subject to strict immigration, at quarantine measures.

Ang mga pasahe­rong mula sa Iran at Italy ay nangangailangan ng medical certificate na pinagtibay ng kanilang embahada, at nagpa­patunay na maayos ang kanilang kalusugan.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

071825 Hataw Frontpage

Legal adoption at anti-human trafficking nais palakasin
‘BABIES FOR SALE’ ONLINE ISASALANG SA SENADO

ni Niño Aclan “BABIES are not commodities.” Binigyang-diin ito ni Senadora Pia  Cayetano kasabay ng …

Antonio Carpio SC Supreme Court

Dahil sa pagiging co-equal branch of government
SC PINAALALAHANAN NI CARPIO SA PAG-USIG vs MAMBABATAS

PINAGHIHINAY-HINAY ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang Korte Suprema kaugnay sa pagkuwestiyon …

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo lalaki sa Bulacan tiklo

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo, lalaki sa Bulacan tiklo

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang kabilang sa grupo ng agaw-motorsiklo sa lungsod …

Batangas Money

Batangas SP nananawagan ng pagkakaisa para sa sesyon

NANANAWAGAN ng pagkakaisa ang mga board members at lupon ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas …

BBM Bongbong Marcos BFP

Para sa State of the Nation Address
MGA BOMBERO KATUWANG SA SEGURIDAD NI PBBM

MAGIGING bahagi ang Bureau of Fire Protection (BFP) para magbigay seguridad  sa ika-4 na State …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *