PAWALA na ang pagkapogi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang Filipino batay sa resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Stations. Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, 11 puntos ang ibinaba ng grado ni Digong sa buong bansa sanhi ng pagmumura niya sa Diyos, ang pagbagsak ng ekonomiya at ang patuloy na patayan. Reaksiyon umano ito ng “Christian groups” na tumayo …
Read More »Masonry Layout
Apo ni Rizal huling biktima ng hazing
READ: Apo ni Dr. Rizal patay sa hazing (UST freshman law student) READ: May susunod pa kayang mamamatay sa fraternity hazing!? NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na nagbigay ng ngipin sa anti-hazing law na nagbabawal sa lahat ng uri ng hazing at regulasyon sa initiation rites ng fraternities, sororities at organizations upang maiiwas sa panganib ang kanilang …
Read More »PAGASA bukas sa konsultasyon
INIHAYAG ng PAGASA na bukas sila sa konsultasyon ng mga lokal na pamahalaan pagdating sa suspensiyon ng klase tuwing masama ang panahon. Ayon kay weather forecaster Ariel Rojas, sumusunod ang PAGASA sa Executive Order No. 66 na nagsasaad kung aling antas sa paaralan ang sususpendehin ang klase base sa storm warning signal. Awtomatikong suspendido ang klase sa pre-school at kindergarten …
Read More »5-anyos leukemia patient birthday boy sa Palasyo
NATUPAD ang birthday wish ng 5-anyos batang lalaki na may leukemia na makasama si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kaarawan kamakalawa. Nagdiwang ng kanyang kaarawan kamakalawa si John Paul kaya naglaan ng oras ang Pangulo kahit nasa kasagsagan ng cabinet meeting, para harapin ang bata na matapang na sinasagupa ang karamdaman na leukemia. Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” …
Read More »Tangkang pagbabawal sa political dynasty dedbol sa Bicam ng BBL
BIGO ang panukalang ipagbawal ang political dynasty sa binubuong Bangsamoro Basic Law (BBL). Tinanggal na ang probisyong ito sa kadahilanang lumabag sa “equal protection clause” ng Saligang Batas ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas. Ang tinanggal na probisyon ay Sec. 15 sa Article VII, ng Senate Bill 1717 na naglalayong ipagbawal ang mga magkakamaganak hanggang sa 2nd degree sa …
Read More »DOLE inupakan sa Kamara sa kawalan ng pangil vs PLDT
INUPAKAN ng mga kongresista ang Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa kawalan ng pangil upang ipatupad ang direktiba na bayaran ng P51-milyon ang mga biktima ng “labor-only” contracting upang gawing regular ang mga manggagawa. Ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio malinaw ang desisyon ng DOLE na dapat sundin ng PLDT (Philippine Long Distance Telephone Co). “So, una …
Read More »Grab panagutin sa malawakang estafa — Solon
HINIMOK ng isang kongresista na panagutin ang Grab sa malawakang estafa kaugnay sa pagpataw nito ng ilegal na singil sa kanilang mga suking pasahero. Ayon kay Rep. Jericho Nograles ng Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party-list, niloko ng Grab ang mga suki nila sa pagpapataw ng P2 kada minuto na waiting time sa bawat transaksiyon sa pasahero. Kahapon nag-utos ang …
Read More »Pamumuno sa oposisyon ni VP Leni inaasahan
READ: Palasyo ‘di ipamamana ni Duterte kay Robredo INAASAHAN ng Palasyo ang pahayag ni Vice President Leni Robredo na pangungunahan ang oposisyon laban sa administrasyong Duterte. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi na nakagugulat na si Robredo ang mamuno sa oposisyon dahil siya ang pinakamataas na elected member sa kanilang hanay. “Vice President Leni Robredo’s decision to lead the …
Read More »Palasyo ‘di ipamamana ni Duterte kay Robredo
READ: Pamumuno sa oposisyon ni VP Leni inaasahan TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya ipamamana ang Palasyo kay Vice President Leni Robredo dahil kapos sa kakayahan ang bise presidente para pamunuan ang bansa. Sa media interview sa Pampanga kagabi, sinabi ng Pangulo na hindi siya magbibitiw sa puwesto para ipalit sa kanya si Robredo bagkus ang hirit niya …
Read More »Negosyante nakipagbarilan pulis patay, 1 sugatan
HIMALANG nakaligtas sa pangalawang pagkakataon ang isang negosyanteng lalaking lulan ng kotse makaraan makipagbarilan habang binawian ng buhay ang suspek na isang dating pulis at nasugatan ang kanyang kasama sa sinasabing insidente ng ambush sa Muntinlupa City, kamakalawa ng hapon. Agad binawian ng buhay sa insidente dulot ng ilang tama ng bala sa katawan ang suspek na si PO2 Pedro …
Read More »Termino tatapusin ni Duterte sa 2019
READ: Draft Federal Constitution isinumite kay Duterte BABABA na sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte kapag naaprobahan ang Federal Constitution sa 2019 dahil pagod na siya at ayaw nang magsilbing transition leader. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ikinabigla ng mga miyembro ng gabinete ang anunsiyo ng Pangulo na maaaring hanggang 2019 na lang sila sa puwesto. Sinabi ni Roque, …
Read More »Draft Federal Constitution isinumite kay Duterte
READ: Gabinete shock: Termino tatapusin ni Duterte sa 2019 SA kaniyang pahayag sa ginanap na hand over ceremony sa Palasyo kahapon, sinabi ni ConCom chairman at dating Chief Justice Reynato Puno na ipinagbabawal sa draft constitution ang political dynasties na sa matagal na panahon ay nagmonopolyo sa eleksiyon. Bawal na rin sa ilalim ng draft constitution ang mga political butterfly o mga …
Read More »BBL ipapasa alinsunod sa konstitusyon — majority leader
IPINANGAKO ng isang lider ng Kamara, ang pag-uusap tungkol sa Bangsamoro Basic Law (BBL) ay hahantong sa isang batas na naaayon sa Konstitusyon. Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, ang pag-uusap ng Bicameral Conference Committee na kinabibilangan ng mga senador at kongresista ay gigiyahan ng Konstitusyon ng 1987. Titiyakin, aniya, na papasa ito sa pagsusuri ng mga kritiko. Bukod …
Read More »PH katolikong bansa
READ: Aprub sa CBCP at kay Digong: Tigil-putakan READ: 3 araw na ayuno at panalangin hirit ng CBCP DAPAT ipaalala ng Simbahan kay Pangulong Rodrigo Duterte na ang Filipinas ay isang Kristiyanong bansa sa Asya. Sinabi ito ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat kahapon habang nag-uusap si Duterte at si Archbishop Romulo Valles, ang presidente ng Catholic Bishops Conference of the …
Read More »3 araw na ayuno at panalangin hirit ng CBCP
READ: Dapat ipaalala kay Duterte: PH katolikong bansa READ: Aprub sa CBCP at kay Digong: Tigil-putakan ISANG oras bago naganap ang pulong nina Valles at Duterte ay nanawagan ang CBCP ng 3-day of prayer and fasting sa darating na 17-19 Hulyo. Inihayag ito ng CBCP sa press conference ng CBCP kasabay nang pagsasapubliko ng Pastoral Exhortation na may titulong “Rejoice and …
Read More »Tigil-putakan
READ: 3 araw na ayuno at panalangin hirit ng CBCP READ: Dapat ipaalala kay Duterte: PH katolikong bansa ITO ang napagkasunduan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Archbishop at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president Romulo Valles sa kanilang one-on-one meeting sa Palasyo kahapon. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, 30 minutong nag-usap sina Duterte at Valles na …
Read More »Tserman, 1 pa todas sa ratrat
CALBAYOG CITY, Samar – Patay ang tserman ng isang barangay sa siyudad na ito, kasama ang isa pang lalaki, nang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek sa Tinambacan, noong Biyernes. Ayon sa ulat, sakay ng motorsiklo si Mark Anthony Giray, tserman ng Brgy. Malaga, at ang kasama niyang si Boyet Dora, nang pagbabarilin ng apat lalaki sa bahagi ng Tinambacan …
Read More »Kagawad patay sa ambush
STO. THOMAS, Davao del Norte – Patay ang isang kagawad sa Brgy. San Jose nang barilin ng hindi kilalang suspek sa bayang ito, nitong Sabado ng umaga. Ayon sa mga pulis, pauwi sa kanilang bahay si Kagawad Jeramie Dinolan, 38, sakay ng kanyang motorsiklo, nang barilin sa bahagi ng Brgy. Katipunan. Tinamaan ng bala sa dibdib ang biktima na agad …
Read More »P6-M shabu nasabat sa Cebu
KOMPISKADO ang P6 milyon halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang high-value target sa Sitio Lawis, Brgy. Mambaling, Cebu City, nitong Sabado ng gabi. Kinilala ni C/Insp. Regino Maramag, hepe ng Pardo Police Station, ang arestadong suspek na si Reneil Estomago, 28-anyos, residente sa nabanggit na lugar. Inihayag ng pulisya, nakabili ang mga operatiba ng shabu mula sa 27-anyos suspek …
Read More »Kaso vs Imee atrasado na
ATRASADO ang pasya ng House Committee on Good Government and Public Accountability na sampahan ng kaso si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos ng katiwalain kaugnay sa Tobacco Excise Tax. Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, dapat nang hainan si Marcos ng mga kasong administratibo at kriminal kasama ang mga opisyal ng probinsiya ng Ilocos Norte sanhi ng umano’y maling paggamit …
Read More »Van napitpit ng 2 truck 2 patay, 14 sugatan
DALAWA katao ang agad binawian ng buhay habang 14 ang sugatan nang mapitpit ng dalawang truck ang isang L300 van sa Atimonan, Quezon, nitong Linggo ng madaling-araw. Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nangyari ang insidente sa Maharlika Highway sa Brgy. Sta. Catalina, 3:00 ng madaling-araw. Ayon sa ulat ng pulisya, patungo sa Bicol ang van at ang dalawang …
Read More »69 patay sa patuloy na pag-ulan sa Japan
KURASHIKI, Japan – Umabot na sa 69 katao ang namatay sa patuloy na pag-ulan, habang 1,850 ang stranded sa western Japanese city ng Kurashiki nitong Linggo, kabilang ang 130 sa ospital, kaya ang rescuers ay gumamit ng helicopters at bangka nang umapaw ang tubig sa mga ilog. Ang Kurashiki, na may populasyon na hindi aabot sa 500,000, ang pinakamatinding tinamaan …
Read More »Hacked bar review materials ibinenta, scammer arestado
PINAG-IINGAT ng mga awtoridad ang publiko, partikular ang law students, laban sa mga scammer gamit ang internet kasunod nang pagkakadakip sa isang lalaki na umano’y nagbebenta ng bar review materials ng isang lehitimong review center sa Las Piñas City. Inireklamo ni Attorney Hazel Riguera, pangulo ng Jurists Review Center Inc., na may tanggapan sa 2/F Azucena Arcade, Alabang-Zapote Road, Brgy. …
Read More »Kopya ng Fed Con ibibigay kay Duterte ng ConCom
TATANGGAPIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayon sa Palasyo ang panukalang Federal Constitution na binalangkas ng Consultative Committee na inatasang magrepaso sa 1987 Constitution. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang naturang okasyon ay isang mahalagang hakbang tungo sa pagtupad ng pangako ni Pangulong Duterte na gawing federal ang uri ng gobyerno mula sa unitary. Umaasa aniya ang Palasyo na tututukan …
Read More »Hustisya hayaang gumulong — Taguig
NAGLABAS ng pahayag ang pamahalaang lungsod ng Taguig kaugnay sa isa sa mga konsehal na nahuli dahil sa ilegal na droga. Sa isang statement, sinabi ng lokal na pamahalaan ng Taguig na hayaang gumulong ang batas sa kaso ng konsehal na nahuli dahil umano sa drug possession at theft. “Hindi namin kinukunsinti ang mga ganitong klase ng insidente,” paliwanag sa …
Read More »