Monday , December 23 2024

Masonry Layout

Kilusang Oust Duterte hamong tinanggap ng Palasyo

READ: Duterte sa mga alyado: Pansariling interes sa Cha-Cha iwaksi READ: Sa People’s Initiative: No-el ‘di kayang pigilan ni Duterte ITINUTURING ng Pala­syo na isang malaking hamon sa administrasyon ang pagbubuklod ng oposisyon at mga maka-kaliwang grupo na nana­nawagan sa pagpapa­talsik kay Pangu­long Rodrigo Duterte. Kabilang sa mga isyung pinagkasunduan dalhin nang nabuong alyansa kontra-Duterte, ang pagtutol sa isinu­sulong na …

Read More »

7K pulis ikakasa sa SONA

pnp police

READ: PH major problems ilalahad sa 3rd SoNA ni Duterte AABOT sa 7,000 pulis ang ikakalat sa Lunes, 23 Hulyo, para sa ikatlong State of the Nation Ad­dress (SONA) ni Pangu­long Rodrigo Duterte sa Batasan Pambansa sa Quezon City. “Ito po ‘yung kabu­uang bilang ng mga ide-deploy o para sa pang­kalahatang security de­ploy­ment ng Security Task Force (STF) Kapa­yapaan na binubuo …

Read More »

PH major problems ilalahad sa 3rd SoNA ni Duterte

READ: 7K pulis ikakasa sa SONA TATALAKAYIN ni Pangulong Ro­drigo Duterte ang mga pangunahing problema ng bansa sa kasalukuyan sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Lunes. Sinabi ni Special As­sistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go, ilalahad ni Pa­ngulong Duterte ang kina­kaharap na mga pangu­nahing suliranin ng Filipi­nas at hindi lang accom­plishments sa ikalawang taon …

Read More »

Wanted na rape convict nasakote

NASAKOTE na ang rape con­vict na nag-viral noong Disyembre ang retrato makaraan mag-selfie habang nasa likod niya ang ilang pulis sa Laguna. Ang suspek ay wanted dahil sa pananaksak sa ama ng kaniyang ginahasa. Ayon sa ulat, pinaghahanap ng mga pulis si Radden Argo­mido makaraan mahatulang guilty ng korte noong 2016 sa kasong panghahalay sa isang babae sa Los Baños, …

Read More »

Ex-chairman na lider ng drug syndicate arestado

shabu drug arrest

MAKARAAN ang mahi­git apat na taong pagtata­go, ang 72-anyos lolo na dating barangay chair­man at tinaguriang lider ng bigtime drug syndicate sa Region 1, ay nadakip sa Caloocan City, kama­kalawa ng gabi. Nasakote nang pinag­sanib na puwersa ng mga tauhan ng Caloocan Police Intelligence Unit, Police Regional Office (PRO) 1 Intelligence Division, Provincial Drug Enforcement Unit ng Ilocos Sur, at …

Read More »

Ex-tserman itinumba ng tandem

dead gun police

KATIPUNAN, Zam­boa­nga del Norte – Nalagu­tan ng hininga ang isang dating tserman ng Brgy. Mias sa nabanggit na bayan, makaraan pagba­barilin ng riding-in-tan­dem malapit sa kaniyang bahay, nitong Lunes ng gabi. Ayon sa ulat ng pu­lisya, nakikipag­kuwen­tohan si Omar Bayron sa mga kapitbahay sa isang tindahan nang siya ay pagbabarilin. Sinabi ng kapatid ng biktima na si Jinky Bay­ron, napansin …

Read More »

7 patay, 50 sugatan sa natumbang jeep

road traffic accident

PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur – Umabot sa pito ang pa­tay habang 50 ang suga­tan nang matumba ang isang pampasa­herong jeep sa Brgy. Dao sa lungsod, nitong Miyer­koles. Ayon sa ulat ni Supt. Alvin Saguban, nawalan ng preno ang jeep. Sinasabing overloaded ang jeep ng mga pasahero na galing sa Brgy. Cogo­nan. Papunta sa Pagadi­an ang mga pasahero upang mag-withdraw …

Read More »

Pumpboat nagkaaberya 32 pasahero tumalon sa dagat

Boracay boat sunset

NAPILITANG tumalon sa dagat ang 32 pasahero nang magkaaberya ang sinasakyan nilang pump­boat sa Cebu, nitong Miyerkoles. Ayon sa hepe ng Lapu-lapu City Disaster Risk Reduction Manage­ment Office, pinasok ng tubig ang bangka dahil sa malalakas na alon. Dahil sa nangyari, napilitang tumalon sa dagat ang mga pasahero para hindi tuluyang lumubog ang bangka. Pinalad na nakaligtas ang lahat ng …

Read More »

P30-M illegal shipment mula China nasabat

TINATAYANG P30 mil­yong halaga ng magka­kahiwalay na illegal shipment mula sa  China ang nasabat ng Bureau of Customs (BoC) sa Manila International Container Port, nitong Miyerkoles. Batay sa imbestiga­syon ng BoC, 12 shipment na naglalaman ng mga tubo ang dumating sa port. Ang consignee nito ay Siegreich Enterprise. Sinabi ni Customs Commissioner Isidro Lapeña, sa dokumentong isinumite sa kanila ay …

Read More »

Magbaon ng sariling garbage bag

UMAPELA si Quezon City Police District direct­or, C/Supt. Joselito Esquivel nitong Miyer­koles sa mga raliysita, sa anti o pro-administration, na magdala ng kanilang sariling garbage bag sa isasagawang State of the Nation Address (SONA) rallies upang mapanatili ang kalinisan sa mga kalsada. “Ang challenge ko lang sa mga rallyista, both dun sa protester and pro-administration is you bring your own …

Read More »

Tropical depression Inday lumakas

BAHAGYANG luma­kas ang tropical depres­sion Inday at inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility sa Sabado, ayon sa state weather bureau, nitong Miyerkoles. Sa 5:00 pm advisory kahapon, sinabi ng PAGASA, huling nama­ta­an si Inday sa 755 km east ng Basco, Batanes, habang may lakas ng hangin na aabot sa 60 kph at pagbugsong hanggang 75 kph. Sa pagtataya ng …

Read More »

People’s initiative kung ayaw sa Chacha — Alvarez

NAGBABALA si House Speaker Pantaleon Alva­rez na kung patuloy na haharangin ng mga Sena­dor ang Chacha, itutulak aniya ang People’s Initia­tive para sa pag-amyenda ng Saligang Batas at ng porma ng gobyerno. Ani Alvarez dapat nang magdesisyon ang Kamara at Senado kung ipagpapaliban ang eleksiyon sa Oktubre sa susunod na taon dahil mahirap umano kapag inabutan ng paghahain ng certificates …

Read More »

Federalismo ‘walang epek’ sa ekonomiya — Palasyo

WALANG magiging masamang epek­to sa ekonomiya ang paglipat sa federal system ng gobyerno, ayon sa Palasyo. Ang pahayag ay ginawa ni Presidential Spokesman Harry Roque bilang tugon sa sinabi ni NEDA Director General Ernesto Pernia na masa­salanta ang ekonomiya ng bansa at mauudlot ang mga proyektong impra­estruktura kapag umiral ang Federalismo. Ayon kay Roque, tinalakay at inilinaw na kay Pernia …

Read More »

Ipamimigay na bahay, kotse, fake news — Pacman

INILINAW ni Senador Manny Pacquiao na peke ang Facebook post na nagsasabing namimigay siya ng mga bahay at sasakyan bilang balato sa kanyang pagkapanalo sa boksing. Ayon sa bagong World Boxing Association welterweight champion, walang katotohanan at peke ang FB account na ipinangalan sa kaniya at nagsasabing mami­migay siya ng mga bahay at sasakyan kapag nag-comment sa post, nag-share at …

Read More »

2 Japanese nat’l timbog sa pekeng $100 bills

KALABOSO ang dala­wang Japanese nationals makaraan makom­piskahan ng 10 piraso ng pekeng $100 bills at at tinangkang suhulan ang dalawang imbes­tigador ng P50,000 hala­ga sa Makati City, noong Lunes ng hapon. Iniharap sa media nina Southern Police District (SPD) director, C/Supt. Tomas Apo­linario, Jr., at Makati City Police chief, S/Supt. Rogelio Simon ang mga suspek na sina Noa Shimegi, 27, at Yoshitaka …

Read More »

Mega Q-Mart nasunog

NATARANTA ang mga tindero at mamimili nang sumiklab ang sunog sa Mega Q-Mart sa EDSA, Cubao, Quezon City, kahapon ng madaling-araw. Sa ulat ng Quezon City Bureau of Fire Protection (QC-BFP), dakong 4:44 am nang magsimula ang sunog at agad itinaas sa ikaapat na alarma. Nasa 20 tindahan o stall ang naabo sa 25 porsiyentong bahagi ng palengke. Partikular na …

Read More »

P.7-M shabu kompiskado sa buy-bust vs 5 tulak

shabu drug arrest

MAHIGIT P700,000 halaga ng shabu ang nakompiska ng mga operatiba ng Northern Police District (NPD) sa limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation sa Tondo, Maynila, kamakalawa. Kinilala ni NPD direct­or, C/Supt. Gregorio Lim ang mga suspek na magkapatid na sina Charlie Alvear, 34, at Jessie Alvear, 27; Allan Silva, 42; Maffie Rose Marquez, 28, at Richard Morales, …

Read More »

Klase sa public schools sa Metro suspendido

SINUSPENDE ng Mala­cañang ang klase sa mga pampublikong paaralan at trabaho sa executive branch sa Metro Manila simula 1:00 pm nitong Martes, dahil sa masa­mang panahon. Ayon sa Palasyo, ang klase sa lahat ng antas sa pampublikong paaralan at government work ay suspendido simula 1:00 ng hapon nitong 17 Hulyo. “The suspension of work for private compa­nies, offices, and schools is …

Read More »

Reeleksiyon kay Duterte negatibo sa Fed Consti

READ: Gobyerno bulag sa hirap dulot ng Federalismo — solon NAGPASALAMAT ang Palasyo sa Consultative Committee sa pagtalima sa hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbawal na muli siyang mahalal matapos ang kanyang termino sa 2022. Nakasaad sa “final copy” ng panukalang Federal Constitution na maghahalal ng transition president kapag pumasa ang bagong Saligang Batas. “We thank the Consultative Committee …

Read More »

Gobyerno bulag sa hirap dulot ng Federalismo — solon

READ: Palasyo natuwa: Reeleksiyon kay Duterte negatibo sa Fed Consti BULAG umano ang gobyerno sa hirap na magi­ging dulot ng itinu­tulak nilang federalismo. Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin magka­kaiba ang mga sinasabi ng mga tauhan ng gobyerno kaugnay sa itinutulak na federalismo. Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang mga opisyal niya, uunlad ang bayan sa ilalim ng …

Read More »

Kontrata ng kasal 5 o 10 taon lang dapat

KAPAG in-love ka pa, puwedeng i-renew nang i-renew na lamang ang 5-taong marriage contract. Ayon kay Rep. Jericho Nograles ng Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party-list, lumabas ang mga kaisi­pan na ito sa isang konsultasyon sa bara­ngay patungkol sa panukalang “divorce law.” “Sir, pwede ba renew­able every 5 years ang marriage? Para sa in love, renew nang renew lang. ‘Yung …

Read More »

OT pay ng BI employees tinapyasan ng Palasyo

MAHIGIT isang taon ang makalipas matapos ipa­ngako ni Pangulong Ro­drigo Duterte na tutugu­nan ang problema sa overtime pay ng mga immigration officer sa airport, inilabas ng Palasyo ang Memoran­dum Order No. 24 para sa implementing guide­lines nito. Batay sa MO 24, natapyasan ang OT pay ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) sa dati nilang kinikita. Nakasaad sa memo …

Read More »

Suporta kay Leni umarangkada sa NCR, Mindanao

SA kabila ng mga limitasyon at bala­kid, mas ganado si Vice President Leni Robredo na pagbutihin ang kani­yang trabaho, lalo’t nakikitaan ng mas malaking suporta ang kaniyang programa para sa mahihirap na Filipino. Ayon kay Robredo, malaking bagay ang resulta ng pinakabagong survey ng Pulse Asia, na nagtala siya ng 62 percent approval rating — mas mataas nang pitong porsiyento …

Read More »

Negosyante dinukot ng pulis at sundalo

kidnap

KABASALAN, Zam­boanga Sibugay – Dinu­kot ng armadong grupo na naka-uniporme ng pu­lis at sundalo ang isang negosyante sa bayang ito, nitong Linggo ng gabi. Kasama ang dala­wang anak at isang tauhan, nanonood ng TV ang fishpond operator na si Alejandro Bation, 58, sa kaniyang bahay sa Brgy. Nazareth, nang pumasok doon ang anim kidnapper, ayon sa pulisya. Tinutukan umano ng …

Read More »

Chinese nat’l tumalon mula 21/F

suicide jump hulog

HINIHINALANG dahil sa utang sa casino kaya nagpakamatay ang isang 27-anyos Chinese nation­al sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-21 palapag ng tinutuluyang condominium sa Pasay City, nitong Linggo ng gabi. Namatay noon din ang biktimang si Frank Sunk Quan, may asawa, tubong Beijing, China, dating HR manager ng Midas Casino Hotel at pansamantalang tumutuloy sa Unit 2108 Tower B, Antel Condo­minium, …

Read More »