Saturday , November 16 2024

Masonry Layout

Opisyal ng NPA nadakip sa Butuan

npa arrest

BUTUAN CITY – Nadakip ang isang opisyal umano ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Brgy. Ambago sa lungsod, nitong Huwebes. Kinilala ang suspek bilang si Nerita de Castro alyas Nene/Nening/ Nora, sinasabing finance officer ng CPP-NPA Komisyon Mindanao na pumalit sa arestadong si Leonida Guao noong Pebrero. Inaresto siya ng mga awtoridad sa kasong murder base …

Read More »

P320 hirit na umento sa minimum wage ipinaliwanag ng labor group

salary increase pay hike

INIHAYAG ng isang labor group sa kanilang panukalang batas ang mga basehan na dapat ikonsidera ng gobyerno para sa dagdag na P320 sa national minimum wage. Nakapaloob sa inihaing House Bill 7805 o “The Living Wage Act of 2018” ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang mga dahilan kung bakit napapanahon nang itaas muli ang sahod …

Read More »

2 LPA sa loob ng PAR, binabantayan ng PAGASA

POSIBLENG maging tropical depresseion sa loob ng ilang araw ang dalawang low pressure area (LPA) na nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, huling namataan ang unang LPA sa layong 335 kilometers west southwest ng Puerto Princesa City sa Palawan. Habang sa layong 900 km east southeast …

Read More »

Bagong NCRPO chief itinalaga ni Albayalde

Oscar Albayalde Guillermo Eleazar

ITINALAGA bilang bagong NCRPO chief si C/Supt. Guillermo Eleazar kapalit ni dating director Carmilo Cascolan sa ikinasang ‘nationwide reshuffle’ ng PNP. Ang balasahan ay base sa inilabas na memorandum ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde, na may petsang 31 Mayo, epektibo nitong 1 Hunyo. Sa direktiba, si Cascolan na dating NCRPO chief ang bagong director ngayon ng Civil Security …

Read More »

Libong nag-enroll sa ALS ikinatuwa ng DepEd

UMAABOT sa 89,000 ang mga nag-enroll sa Alternative Learning System (ALS) ngayong Brigada Eskwela na ikinatuwa ng Department of Education (DepEd). Ayon kay Education Sec. Leonor Briones, ang programa ay para umano sa dropouts at matatandang nais bumalik sa pag-aaral. Aniya, ang pagtaas na naitala ng kagawaran ay bahagi lamang ng ALS special registration booths sa mga Brigada Eskwela. Pinasalamatan …

Read More »

Palasyo sa Tulfo bros: P60-M isauli ninyo

UMAASA ang Palasyo na tutuparin ng magkakapatid na Tulfo ang pangakong ibabalik sa kaban ng bayan ang P60-milyong ‘kinita’ sa anunsiyo mula sa Department of Tourism na iniere sa kanilang programa sa PTV4. “Well, nasa Tulfos na ho iyan kasi sila naman iyong boluntaryong nagsabing isasauli nila. So we’re counting on their word of honor na kung ibabalik nila at …

Read More »

‘Con artist’ timbog sa OLFU (Sa pekeng membership promo)

arrest prison

SWAK sa kulungan ang isang 31-anyos lalaki na nag-aalok ng mga bogus na membership promo para sa tatlong uri ng pampaganda at serbis­yong pangkalusugan sa mga estudyante, maka­raan arestohin nang bu­ma­lik sa paaralan upang maghanap muli ng iba pang bibiktimahin sa Valenzuela City, kama­kalawa. Kinilala ni Valenzuela police chief, S/Supt. Ronaldo Mendoza Ruel ang suspek na si Carlo Fianza, residente …

Read More »

Pugante arestado sa biyaheng CamNorte

arrest posas

ARESTADO sa mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang isang preso, may kasong pos­session of illegal drugs, na natakasan ang duty desk officer kamakailan. Balik-selda ang sus­pek na kinilalang si Leonardo Retiro, Jr., resi­dente sa Dulong Herrera St., Brgy. Ibaba, Malabon City, na nahaharap sa kasong paglabag sa pos­session of illegal drugs o  Section 11 ng R.A. 9165. Ayon …

Read More »

10 Bulacan cops sinibak sa extortion

INIUTOS ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde nitong Huwebes ang pagsibak sa 10 police officers mula sa Bulacan dahil sa umano’y pangongotong. Sinabi ni Counter-Intelligence Task Force (CITF) commander, S/Supt. Romeo Caramat, ang sampung pulis ay sinampahan ng mga kasong kidnapping, robbery in band at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa paghingi ng …

Read More »

BBL aprub sa Senado

APRUB na ng Senado sa 3rd at final reading ang panuka­lang Bang­sa­moro Basic Law (BBL) na papalit sa kasalukuyang Autono­mous Region for Muslim Mindanao (ARMM). Ang BBL ang isa sa priority measures na hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lider ng dalawang kapulu­ngan ng Kongreso. Dahil dito, magpu­pulong ang mga kinata­wan ng dalawang kapu­lungan para magkaroon ng isang bersiyon na kanilang …

Read More »

BBL ipinaubaya ng BTC sa Kongreso

INIHAYAG ng Bangsa­moro Transition Commis­sion (BTC) na kanila nang ipauubaya sa mga mam­babatas ang tuluyang pag-aaproba sa Bangsa­moro Basic Law (BBL), ito ay makaraang mailusot sa pinal na pagbasa ng Kamara at Senado. Binigyang diin ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) vice chair­man for political affairs at expanded BTC head Ghadzali Jaafar, nakita nila ang pagsisikap ng mga mambabatas na …

Read More »

Gunman sugatan sa parak (Trike driver binoga todas)

AGAD binawian ng buhay ang isang 24-an­yos tricycle driver maka­raan pagbabarilin ng isang lalaki na ngayon ay kritikal ang kala­gayan nang makipag­palitan ng putok sa pulis sa kanto ng Morio­nes at J. Luna streets, Tondo, Maynila, kaha­pon ng madaling-araw. Ayon kay Delpan PCP commander, S/Insp. Edwin Fuggan, nagpapatrolya sila nang umalis ang kanyang tauhan na si PO2 Christian Jay Cruz …

Read More »

Krista Miller absuwelto sa drug case (Pinalaya na!)

LAYA na ang aktres na si Krista Miller makaraan ipa­walang-sala ng Va­lenzuela court sa kina­sangkutang kaso na may kaugnayan sa ilegal na droga. Nakalabas ng Valen­zuela City Jail noong nakaraang Biyernes, 25 Mayo si Krista, batay sa kautusan ni Judge Snooky Maria Ana Bareno-Sagayo ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 283. Pinawalang-sala ng korte si Krista dahil sa kakulangan …

Read More »

DOE ‘no power’ sa P1.55/kwh rate hike ng Meralco (Kamay ‘nakagapos’)

electricity meralco

‘PUNDIDO’ ang Depart­ment of Energy (DOE) para pigilan ang nakaam­bang pagtaas ng P1.55/kwh singil sa koryente kapag inaprobahan ang pitong power supply agreement (PSA) na pinasok ng Manila Electric Company (Meralco). Inamin ni Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella, tanging ang Energy Regulatory Com­mis­sion (ERC) ang pu­wedeng magpasya kung papayagan ang ano mang power rate hike at hindi ang DOE. “Hindi — …

Read More »

P100-M arson sa Binondo hihimayin ni Cimatu

INIUTOS ni  Environment Sec. Roy Cimatu nitong Hu­we­bes ang imbestigasyon sa naganap na sunog na tumupok sa Land Management Bureau (LMB) sa Binondo, kamakailan. Tinatayang aabot sa P100 milyon halaga ng mga kagamitan at mga dokumento ang natupok sa sunog na nagsimula sa LMB building sa ika-pitong palapag, at mabi­lis na kumalat ang apoy sa tatlong iba pang esta­blisiyemento, kabilang …

Read More »

4 kalihim kompirmado

MAGKAKASUNOD na kinompirma kaha­pon ang ilang bagong opisyal na itinalaga sa Duterte administration. Kabilang sa kinom­pirma sina Commission on Elections (Comelec) Commissioner Socorro Inting, Department of Justice (DOJ) Sec. Menardo Guevarra, at Department of Agrarian Reform (DAR) Sec. John Castriciones. Ngunit bago kinom­pirma, nagbilin si Sen. Grace Poe kay Cas­triciones na hindi iba­basura ang mga rekla­mo laban sa DAR chief, …

Read More »

BoC exec sinibak ni Duterte

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cus­toms Deputy Commis­sioner Noel Patrick Sales Prudente kahapon. Inianunsiyo ng Pa­ngulo ang pagsibak kay Prudente sa kanyang talumpati sa tanggapan ng BoC nang tunghayan niya ang pagsira sa smug­gled na mga scooter, big bikes at sasakyan. Ayon sa Pangulo, hindi na raw niya pahihi­ra­pan ang Kamara sa isinasagawang imbes­tigasyon kay Prudente kaugnay ng nakalusot …

Read More »

P34.71-M smugged motorcycles, vehicles winasak

PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagwasak sa P34.71 milyong halaga ng 116 smuggled motor­siklo at anim pang mga sasak­yan sa Bureau of Customs sa Port Area, Maynila kahapon. Ang sinirang mga sasakyan ay pawang mga brand new na Vespa scooters, BMW, Harley Davidson, 2 unit ng Triumph, 2 unit ng Land Rover, isang Volvo at tatlong Mitsubishi Pajero. Kasabay ito …

Read More »

SolGen Calida mananatili sa puwesto (Magaling siya — Digong)

WALANG plano si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na sibakin si Solicitor General Jose Calida kahit nabisto ang multi-mil­yong pisong kontrata na nakopo ng kanyang se­curi­ty agency sa gob­yerno. Ipinagtanggol ni Pangulong Duterte si Calida sa isyu ng security agency ng kanyang pa­milya dahil pinaghi­ra­pan aniya ng SolGen hanggang magretiro kung anoman ang mayroon siya ngayon at ang kanyang pamilya kaya bakit …

Read More »

Joma hindi ‘mata-tarmac’ sa airport (Sigurado si Duterte)

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi magagaya kay dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Jr., si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison na pinatay habang pababa sa ero­plano sa paliparan. Inatasan ni Duterte ang bagong commander ng Presidential Security Group na si Col. Jose Eriel Niembra na protektahan at bantayan ang segu­ridad ni Sison. Inianunsiyo ito ni …

Read More »

2 Chinese nat’l patay sa ambush sa Maynila

PATAY ang dalawang Chinese nation­al makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek na lulan ng dala­wang motorsiklo, ang sinasakyan ni­lang kotse sa Maynila, kahapon ng madaling-araw. Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa kanto ng Roxas Boulevard at Pedro Gil street. Agad binawian ng buhay sa insidente ang nasa passenger seat na kinilalang si Huocheng Chen. Habang ang …

Read More »

Preso sa Antipolo todas sa bugbog

dead prison

PATAY ang isang preso makaraan bugbugin ng mga kapwa preso sa loob ng Antipolo City Jail, nitong Lunes ng gabi. Hindi umabot nang buhay sa pagamutan ang biktimang si Margine Sanchez. Ayon sa Antipolo Police, unang humingi ng tulong sa isang kapwa preso ang biktima dahil nahihirapan siyang hu­minga. Agad siyang dinala sa Rizal Provincial Annex ngunit hindi na umabot …

Read More »

Inting ng Comelec, Puyat ng Tourism lusot sa committee level ng CA

LUMUSOT sa maka­pangyarihang Commis­sion on Appointments (CA) committee level ang nominasyon nina Bernadette Fatima Ro­mulo-Puyat bilang ba­gong kalihim ng Depart­ment of Tourism, Socor­ro Balinghasay Inting bilang Commissioner ng Commission on Elections (Comelec). Gayondin sina Nel­son Collantes para sa posi­s-yon ng brigadier general (reserve), Em­manuel Mahipus para sa posi­s-yong colonel, Philippne Air Force (reserve), Carlito Galvez para sa ranggong General, Rolan­do …

Read More »

Dela Serna Incompetent — PhilHealth WHITE

Kaugnay nito, tinu­ligsa ng grupong Phil­Health WHITE ang pre­sidenteng si Dr. Celestina Ma. Jude dela Serna dahil sa hindi makatarungang pagtrato sa kasalu­ku­yang mga empleyado ng na­turang government cor­poration. Ayon kay Maria Fe Francisco, Interim-Pre­sident ng Philhealth WHITE, hindi lamang posibleng bumagsak ang pananalapi ng korpo­rasyon kundi maaapekto­han din ang serbisyong ipinagkakaloob sa mga pasyente. Sa pag-upo ni Dela Serna, …

Read More »

‘Ghost patients’ sinisi sa ‘pagbagsak’ ng PhilHealth

ISA sa posibilidad ng pagkakalubog sa utang ng PhilHealth ang tinawag na ‘ghost patients.’ Tahasang ito sinabi ni Senador JV Ejercito, chairman ng Joint Over­sight Committee on the National Health In­su­rance sa isinagawang hearing kahapon. Ayon kay Ejercito, hindi yata siya maka­pa­niwalang napakalaki ng binabayaran ng Philhealth sa ilang mga ospital sa kabila ng maraming rekla­mo na bigong maserbi­s-yohan ng …

Read More »