Tuesday , April 22 2025

Suspensiyon hiniling ni Binay (Sa Manila Bay white sand project)

HINILING ni Senadora Nancy Binay sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang agarang pagsuspendi sa paggamit ng white sand sa proyekto sa Manila Bay dahil hindi ito ligtas sa kalikasan at kalusugan ng mga mamamayan.

 

Ito ay matapos kompirmahin ng Department of Health (DOH) na ang dolomite dust ay maaring magresulta ng respiratory reactions, eye irritation, at discomfort ng  gastrointestinal system.

 

Ang Dolomite ay isang uri ng  mineral ng pinaghalong calcium magnesium carbonate.

 

“‘Yung paglalagay ng dolomite as a substitute for white sand only means na hindi dumaan sa tamang proseso at pag-aaral ang plano sa Manila Bay rehabilitation. Walang public consultation, walang environmental clearance, hilaw ang EIA/EIS, at malinaw na bara-bara at ‘di comprehensive ang plano,” ani Binay.

 

Iginiit ni Binay, karapatan ng taong bayan na malaman ang katotohan ukol sa epekto sa kalusugan at sa epekto ng kalikasan.

 

“Kung iniisip talaga ng DENR ang kapakanan ng kalikasan at ng taong bayan, it is but proper for them to immediately stop the dumping of dolomite.

In the right order of things, bago sana ang mga palamuti, dapat unahin muna ng DENR ang pagsasaayos ng water quality ng Manila Bay. Nakalulungkot lang, kaysa i-prioritize ayusin ang mga banyo sa Baseco, mas inuna pang pondohan ang puting buhangin galing Cebu,” dagdag ni Binay.

 

Dahil dito hinamon ni Binay ang DENR na isapubliko kung magkano ang pondong nakalaan dito at environmental impact statement para sa transparency.

 

“Mapa-government o DENR project man ‘yan, dapat may feasibility studies at science-based ang laman ng plano. Kung DENR project, ‘di sila exempted — the more na required ang enviromental clearance at scientific studies. Kapag bara-bara, sayang ang science talaga,” ani Binay.

 

Ang EIS, isa sa mga rekesitos sa ilalim ng batas na kailangang dumaan sa anomang undertaking ang proyekto ng pamahalaan na mayroong epekto sa kalikasan. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

3 Bulacan MWPs inihoyo

NASAKOTE ang tatlong indibiduwal na nakatalang pawang mga most wanted persons (MWPs), kabilang ang number …

MV Hong Hai 16 PCG

Sa tumaob na barko sa Mindoro Occidental
2 katawan natagpuan, 2 nawawala pa rin

NAREKOBER ng mga awtoridad ang dalawang karagdagang mga katawan nitong Linggo ng Pagkabuhay, 20 Abril, …

P45-M illegal diaper plaridel bulacan

Sa Plaridel, Bulacan
P45-M ilegal na diaper nasabat 

NASAMSAM ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kontra ilegal na kalakal, …

Dead Road Accident

Sa Bacolod
Disgrasya sa prusisyon ng Biyernes Santo lider ng mga Layko, 2 pa patay

IPINAGLULUKSA ng Diyosesis ng Bacolod ang pagpanaw ng isang lider ng mga layko at dalawang …

Ngayong Semana Santa
TRABAHO Partylist, kaisa ng mga manggagawa Giit, karampatang holiday pay at benepisyo

SA GITNA ng paggunita ng sambayanang Filipino sa Semana Santa, ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *