Tuesday , December 24 2024

Masonry Layout

800 Navoteño nakinabang sa mobile passport service

SA ikalawang pagkakataon ngayong taon, nakipagtulungan ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa Department of Foreign Affairs (DFA) para makapaghandog sa mga Navoteño ng madaling access sa passport application at renewal. Umabot sa 800 Navoteño ang nakinabang sa mobile passport service na isinagawa sa Navotas City Hall noong Sabado, 1 Setyembre. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Mayor John Rey Tiangco ang …

Read More »

Pinoys sa Libya pinaghahanda na sa paglikas

PINAGHAHANDA na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Filipino Community sa Libya para sa posibleng paglikas dulot nang lumalalang kaguluhan sa nasabing bansa. Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano, hinimok ang mga Filipino ng voluntary repatriation makaraan magdeklara ng alert level 3 ang Libya dahil sa sunod-sunod na karahasan, at banta sa kaligtasan ng tinatayang 3,500 Filipino …

Read More »

Rep. Benitez umatras na sa Senado

UMATRAS na si Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez sa balak na pagtakbo sa senado sa 2019 midterm elections bilang kandidato ng PDP-Laban. Ani Benitez, naniniwala siya na ang pagkabuo ng partido ay maisasakatuparan kung mabibigyan ng “free hand” ang liderato ng partido. “I decided to forego the opportunity to run as a member of the PDP-Laban’s senatorial line up …

Read More »

87-anyos ama utas sa suicide, asawa, anak manugang niratrat muna

dead gun

PAWANG sugatan ang mag-ina at isa nilang kaanak makaraan pagbabarilin ng kanilang padre de familia na pagkaraan ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa Calumpit, Bulacan, kahapon. Ayon sa ulat, kinilala ang suspek na si Ludovico de Guzman, 87-anyos, sinasabing bumaril sa kaniyang asawang si Adelaida de Guzman, anak na si Janette Gomez, at manugang na si Myrna …

Read More »

P.6-M shabu nasabat sa 14 tulak

shabu

TIMBOG ang 14 hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang pagsalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Quezon City Police District sa Brgy. San Martin de Porres, Cubao, Quezon City, nitong Martes ng hapon. Nakompiska mula sa mga suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na aabot sa P600,000 ang halaga. Ayon sa ulat, isinagawa ng …

Read More »

Estudyanteng dalagita sugatan sa ‘saksak tripper’ sa loob ng bus

knife saksak

SUGATAN ang 16-anyos estudyante makaraan saksakin ng hindi kilalang lalaki sa loob ng pampasaherong bus sa Malabon City, kamakalawa ng umaga. Ginagamot sa Fatima University Medical Center sanhi ng saksak sa kanang bahagi ng katawan ang biktimang itinago sa pangalang Joysel, Grade 11 student, at residente sa Banana Road, Brgy. Potrero, Malabon City. Mabilis na tumakas ang suspek makaraan ang …

Read More »

US$12K tinapyas sa placement fee (Sa Pinoy caregivers sa Israel)

JERUSALEM – Mabu­bunutan ng tinik ang mga Filipino caregiver na nais magtrabaho sa Israel matapos lagdaan kamakalawa ang kasun­duan para mabawasan ng US$12,000 ang bina­bayarang placement fee. Lubos ang naging pasa­salamat ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kay Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu sa kanilang makataong pagtrato sa halos 28,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang bansa. Ayon kay Pangulong Duterte, hindi …

Read More »

OFWs sa Libya mag-ingat at maghanda — DFA

MAKARAAN magde­klara ng state of emer­gency ang Tripoli Autho­rity, pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino bunsod ng kagu­lohan doon na kumitil ng maraming buhay. Umapela ang ahen­siya sa mga Filipino sa Lib­ya na gawin ang iba­yong pag-iingat at manatili sa loob ng ba­hay at iwasan ang luma­bas kung hindi naman kinakailangan dahil sa sitwasyon sa Libyan …

Read More »

Pang-amoy ng K9 dogs ‘di scientific evidence sa ‘P6.8-B shabu’ (Kung walang ilegal na droga)

HINDI tinatawaran ni  (BoC) chief, Commissioner Isi­dro Lapeña ang patuloy na imbestigasyong gina­gawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa sinabing ‘P6.8 bilyong shabu sa magnetic lifters na natagpuan sa isang bodega sa General Ma­riano Alvarez, Cavite. Matatandaang patu­loy na iginigiit ni PDEA Chief Aaron Aquino sa House Committee on Dangerous Drugs na ang magnetic lifters na natag­puan sa …

Read More »

Alam ni Ex-PNOY: Amnestiya depektibo

JERUSALEM – Batid ni dating Pangulong Benig­no “Noynoy” Aquino III na depektibo ang amnes­tiya na ibinigay niya kay Sen. Antonio Trillanes IV at iginawad ito dahil kakampi niya ang senador. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, political accommodation ang dahilan nang pagka­kaloob ni Aquino ng amnestiya kay Trillanes kahit hindi sinunod ng senador ang  requirements para makakuha nito. Nanindigan ang …

Read More »

Salag ni Trillanes: Pagbawi political persecution

TINAWAG ni Senador Antonio Trillanes IV bilang political per­secu­tion at isang malaking kalokohan ang pagbawi ng Malacañang sa am­nestiya na ipinagkaloob sa kanya noong panahon ni dating Pangulong Be­nigno “Noynoy” Aquino III. Ayon kay Trillanes, hindi totoong wala siyang application form na pinirmahan para sa am­nesty program ng gob­yerno. “Ito ay isang mala­king kalokohan. Alam n’yo po, hindi naman ako …

Read More »

Pagbawi sa amnestiya kay Trillanes, Kabaliwan — Solon

TINAWAG ni Caloocan Rep. Egay Erice na kabaliwan ang pagbawi sa amnestiya na ipinag­kaloob kay Sen. Antonio Trillanes IV noong panahon ni Pangulong Benigno Aquino III. “This is crazy, I don’t think that President Aquino will grant amnesty to Sen. Trillanes if he did not applied (Kabaliwan ito. Hindi magbibigay ng amnestiya si President Aquino kay Sen. Trillanes kung hindi …

Read More »

Senate president ikinustodiya si Trillanes

ISINAILALIM si Senador Antonio Trillanes IV sa kustodiya ni Senate President Vicente Sotto III makaraan ipawalang-bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnestiya at iniutos ang pag-aresto sa senador. Sinabi ni Trillanes, dating Navy officer na lumahok sa kudeta laban sa Arroyo administration, ang nabuong desisyon ay makaraan makipag­pulong siya kina Sotto at Minority Leader Franklin Drilon. “Kakakausap lang namin kay …

Read More »

Utos ni Duterte: Trillanes ibalik sa kulungan

JERUSALEM – Inutusan ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na gawin ang lahat ng legal na paraan upang maaresto at maibalik sa kulu­ngan  si Sen. Antonio Trillanes IV. Dalawang araw bago nagtungo sa Israel si Pangulong Duterte ay nilag­daan niya ang Proclamation 572 na nagpawalang bisa sa amnestiya para kay Tril­lanes dahil …

Read More »

Holocaust victims kinilala ni Duterte

090418 Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte sa Yad Vashem Holocaust Memorial Center

JERUSALEM – Nagbigay-pugay si Pangulong Rodrigo Dut­erte sa milyon-milyong Hud­yo na nagbuwis ng buhay no­ong Holocaust ng World War III. Nag-alay ng mga bulaklak si Pangulong Duterte kahapon sa Yad Vashem Holocaust Memorial Center sa Remem­brance Center, ang pinaka­malaking himlayan ng mga biktima sa Israel. Kasama ng Pangulo ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte at iba pang …

Read More »

8 rice warehouses sa Bulacan ininspeksiyon

Manny Piñol Jason Aquino NFA rice

SORPRESANG ininspe­ksiyon nina Agriculture Secretary Emmanuel Piñol at National Food Authority Administrator Jason Aquino ang walong NFA licensed grain warehouse sa Marilao, Bulacan. Ayon kay NFA-Bula­can Provincial Mana­ger Elvira Obana, kabil­ang sa mga ininspeksiyon ang Faerdig General Mercha­nd­ise, Lom Marketing, Paracao General Merc­handise, at Marilao Gene­ral Merchandise. Napag-alaman na pawang naglalaman ang mga bodega ng mga below normal rice stocks …

Read More »

Utos ni Duterte sa DILG: Bodega ng rice hoarders salakayin!

JERUSALEM – Pagsalakay sa mga bodega ng bigas ng  pinaniniwalaang rice hoarders ang nakikitang solu­syon ni Pangulong Rodrigo Duterte upang matuldukan ang kapos na supply ng bigas sa bansa. Sa mini-cabinet mee­ting na ginanap sa eropla­no habang patungo sa Israel si Pangulong Duter­te at kanyang opis­yal na delegasyon, inu­tusan niya si DILG Secretary Edu­ardo Año na pangunahan ang pag­salakay sa …

Read More »

Bilibid official patay sa ratrat sa Muntinlupa

PATAY ang isang opisyal ng New Bilibid Prison (NBP) makaraan pag­ba­barilin sa Muntinlupa City, nitong Linggo ng hapon. Kinilala ni Southern Police District director, C/Supt. Tomas Apolina­rio ang biktimang NBP official na si Inspector Romel Reyes. Ayon sa ulat, pinatay si Reyes dakong 4:00 pm nitong Linggo habang nasa NBP Reservation sa Brgy. Poblacion sa Mun­tinlupa. Ang hindi kilalang suspek …

Read More »

Nationwide martial law ‘di napapanahon — solon

Duterte Marcos Martial Law

NANINIWALA si Senate President Vicente Tito Sotto III na hindi pa napapanahon para ipatupad ang nationwide martial law sa bansa. Ito ang naging reaksiyon ng senador nang tanungin ng mga mamamahayag kung panahon nang ipatupad ang batas militar sa buong bansa makaraan ang sunod-sunod na pagsabog, ang pinakahuli ay sa Sultan Kudarat na ikinamatay ng dalawa katao at 37 ang …

Read More »

Digong hinimok makipagpulong sa NSC at LEDAC

Marawi

HINIMOK ni House Majority Leader Rolando Andaya si Pangulong Rodrigo Duterte na tipu­nin ang National Security Council (NSC) at ang Legislative-Executive Development Advisory Council (LE­DAC) para pag-usapan ang progreso ng Marawi rehabilitation program at ang Bangsa­moro Organic Law (BOL). “I would suggest that Malacañang call a meeting of the National Security Council, or even LEDAC, para mapag-usapan ang progress ng …

Read More »

Relasyon ng PH sa Arab nations ‘di apektado

WALANG epekto sa relasyon ng Filipinas at ng ibang bansa ang pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Israel sa 2-5 Setyembre. Ito ang tiniyak ni Foreign Affairs Under­secretary Ernesto Abella sa pre-departure brie­fing sa Palasyo kaha­pon. Batid aniya ng Filipi­nas ang sentemyento ng Arab countries na hindi kinikilala bilang isang hiwalay na estado ang Israel. Ayon kay Abella, nakamit na …

Read More »

P6.8-B shabu sa magnetic lifters positibo

TALIWAS sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang basehan ang sinabing shabu ang laman ng apat na magnetic lifters na namataan sa Cavite, nanindigan si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na shabu nga ang laman nito. Ani Aquino, sa pag­dinig ng House Commit­tee on Dangerous Drugs, ang mga kagamitan na huli sa General Mariano Alvarez …

Read More »

Piñol pakainin ng bigas na may bukbok

PAKAKAININ ni House Minority Leader Danilo Suarez si Agriculture Secretary Manny Piñol ng bigas na may bukbok araw-araw para maram­daman niya ang mga sinabi niya na pwede pang kainin ang ganoong klaseng bigas. Ayon kay Suarez, “conduct unbecoming of a cabinet official” ang sinabi ni Piñol. “That [statements made by Piñol] is a conduct unbecoming of a Cabinet official. Kakain …

Read More »

Galunggong walang nasyonalidad — Piñol

Manny Pinol DA Agriculture Galunggong

ANG Filipinas ay mata­gal nang nag-aangkat ng isda, kabilang ang ga­lung­gong o round scad upang madagdagan ang supply lalo na tu­wing closed fishing sea­son, pahayag ni  Agri­culture Secretary Emma­nuel Piñol nitong Martes, bilang sagot sa mga kritiko. Noong 2017 lamang, ang bansa ay nag-ang­kat ng 130,000 metric tons ng isda ngunit walang nagreklamo, pa­ha­yag ni Piñol. Ngayong taon, tat­long bilyong …

Read More »

Negosyante, prof patay sa ambush

dead gun police

PATAY ang isang nego­syante at isang propesor makaraan silang pagba­barilin habang pasakay sa sasakyan pagkagaling sa isang restaurant sa Dagupan City, Panga­sinan, kamakalawa. Ayon sa ulat, ang isa sa mga biktima ay minsan na ring tinambangan noon ngunit nakaligtas. Kinilala ang mga biktimang sina Johnny Baniqued, 47, nego­syan­te, at Oscar Fernandez, propesor sa isang uni­bersidad sa Dagupan. Habang sugatan ang …

Read More »