Saturday , November 16 2024

Masonry Layout

Bakwit ng Tanauan umangal sa gutom at sakit sa evac centers

HABANG may oversupply ng mga damit ang bakwit sa Tanauan City Gymnasium, nagkukulang naman sa mga gamot at pagkain. Ayon sa mga bakwit, nagkakasakit na sila maging ang kanilang mga anak dahil sa congestion. Wala rin anila silang regular na rasyon ng pagkain. Ayon kay Georgina Quembo, taga-Barangay Ambulong ng Tanauan, halos dalawang linggo na silang nasa evacuation center at …

Read More »

Kontrata ‘fruitful, beneficial’… 50k trabaho sa Ayala-UP partnership

LIBO-LIBONG trabaho ang nilikha ng kontrata ng Ayala Land Inc. (ALI) sa University of the Philip­pines (UP) para sa Techno­hub complex sa Diliman. Ayon sa ALI, mag­mula nang simulan ang operasyon noong 2008, ang ALI-UP partnership ay nakapagbigay ng 50,000 trabaho. Kasabay nito, inilinaw ng kompanya, sa ilalim ng kanilang development lease agreement sa UP para sa Technohub pro­perty, ang …

Read More »

Tulong para sa Taal victims… Kambal na reso aprub sa kongreso

BATANGAS CITY – Inaprobahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kambal na resolusyon na sumu­suporta sa adhikain ni Pangulong Rodrigo Duterte na agarang tulungan at makapagpatupad ng rehabilitation plan para sa mga biktima ng pag-aalboroto ng bulkang Taal. Sa kauna-unahang sesyon ng Kamara na ginawa sa labas ng institusyon, pinagtibay ng mga kongresista ang House Resolution (HR) No. 662 na …

Read More »

Sa pagrerebyu ng gobyerno sa water concession deals… Pagbaba ng FDI titindi

NAMEMELIGRONG tumindi ang pagbaba ng foreign direct investments (FDIs) sa bansa dahil sa pagrerepaso ng pamahalaan sa mga kontrata ng water concessionaires na Manila Water at Maynilad, ayon sa Management Association of the Philippines (MAP). Sinabi ng MAP, ito’y dahil nakaaapekto ang ‘regulatory risk’ sa pag­hikayat ng bansa sa mga investor, na hindi maka­bubuti sa ekonomiya. Sa ika-71 inaugural meeting …

Read More »

Bagong komite para sa PWD serbisyo paiigtingin

PAG-IIBAYUHIN ni Rep. Ma. Lourdes “Marilou” Arroyo ang mga serbisyo para sa persons with disability (PWD) matapos siyang italaga bilang chairperson ng bagong Special Committee on PWDs. Ayon kay Arroyo ng 5th District, Negros Occidental, pagtutuunan niya ng pansin ang lahat ng panukalang mag kaugnayan sa kapakanan ng mga PWD. “The PWDs sector is one of the most overlooked sectors …

Read More »

Maraming lindol indikasyon ng malakas na pagsabog

lindol earthquake phivolcs

MATINDING banta ng pagsabog ang indikasyon ng maraming paglindol na ibig sabihin ay uma­angat ang magma sa bunganga ng bulkang Taal. Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) director Renato Solidum, sakaling suma­bog ang bulkan, magla­labas ito ng ring of clouds na mapanganib sa tao. Ito aniya ang dahilan kaya hindi pa ibinababa ng Phivolvs ang alert level 4 …

Read More »

P50-M hatag ni Digong sa biktima ng Taal eruption

BINIGYAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ng P50 milyon ang mga lokal na pamahalaan ng Batangas na naapektohan ng pag­sabog ng bulkang Taal. Nagtungo kahapon ang Pangulo sa PUP Gymnasium para pangu­nahan ang pamamahagi ng food packs sa mga bakwit. Sinabi ni Sen. Christopher “Bong” Go, binigyan ni Pangulong Duterte ng tig-limang milyong piso ang Lipa City, Agoncillo, Tanauan, Mabini, Batangas …

Read More »

‘Window hours’ sa Batangas, ipinahinto ni Año

IPINATIGIL ni Depart­ment of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang implementasyon ng ‘window hours’ na ipinagkakaloob nila para sa ilang nagsilikas na residente ng Batangas na nais bumalik sa kanilang mga tahanan upang kunin ang kanilang mga personal na gamit o ‘di kaya’y pakainin ang kanilang mga alaga, na naiwan sa kanilang mga tahanan na direktang tinamaan ng …

Read More »

Lola, 2 Maria patay 3 sugatan sa sunog sa QC at Tagbilaran

NALITSON nang buhay ang 65-anyos lola habang dalawang paslit na Maria ang nilamon ng apoy sa mga sunog na naganap sa Quezon City at lungsod sa Tagbilaran, nitong Linggo ng gabi. Iniulat na tatlo ang sugatan nang hindi maka­labas sa nasusunog nilang tahanan sa Bara­ngay Sto. Domingo, Quezon City. Kinilala ni Maj. Gilbert Valdez, Deputy Fire Mashal ng Bureau of Fire …

Read More »

Pangako napako — Colmenares… Cell sites ng 3rd telco apurahin

DAPAT silipin ng Kongreso ang progreso ng operasyon ng third telco na Dito Telecom kasunod ng report na nahuhuli sa kanilang ipinangakong target na pagsisimula ng operasyon, ayon kay dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares. Sinabi ni Colmenares, ikalawang quarter ng 2020 ang nakatakdang pilot testing ng Dito Telecom subalit lumilitaw na kulang-kulang pa rin ang pasilidad nito gaya …

Read More »

Kontratang UP-Zobel de Ayala binubusisi na ng Palasyo

BINUBUSISI na rin ngayon ng Palasyo ang isa pang kontrata na pinasok ng negosyanteng si Fernando Zobel de Ayala sa pamahalaan. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, iimbestigahan na ang kontrata ng mga Ayala sa University of the Philippines Ayala Land Technohub sa Quezon City. Ayon kay Panelo, napag-alaman niya na umuupa lamang si Ayala ng P20 kada square meter …

Read More »

Duterte inimbita ni Trump sa US Asean Summit

INANYAYAHAN ni US President Donald Trump si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa US-ASEAN Summit na gaganapin sa Las Vegas sa 14 Marso 2020. Sa kalatas na inilabas ng Palasyo kahapon, nakasaad na bukod kay Pangulong Duterte, inim­bi­tahan rin ni Trump ang siyam na leaders ng mga bansang bumubuo sa ASEAN. Unang inihayag ang paanyaya ni Trump noong ASEAN Summit and …

Read More »

Panelo sinopla si Lacson

“TALK to your lawyers, hindi ka naman abo­gado.” Ito ang buwelta ng Palasyo sa pahayag ni Sen. Panfilo Lacson na mauuwi sa constitutional crisis ang nakaambang paghahain ng quo warranto petition ng Office of the Solicitor General sa Korte Suprema para sa prankisa ng ABS-CBN. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mas maka­bubu­ting kumonsulta muna si Lacson sa kanyang mga …

Read More »

Quo warranto ihahain sa SC… Calida atat sa ABS-CBN

WALANG basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang plano ni Solicitor General Jose Calida na bawiin ang prankisa ng ABS-CBN, ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Ang pahayag ay ginawa ni Panelo kasu­nod ng plano ni Calida na maghain ng quo warranto petition sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa ‘validity’ ng prankisa ng naturang TV network. Ayon kay Panelo, ang plano …

Read More »

Digong lumagda sa one-time gratuity para sa JO, kontraktuwal sa gobyerno

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang one-time gratuity pay para sa job order at contract of service workers sa gobyerno. Pinirmahan ng Pangulo ang Administrative Order No.20 na nagbibigay ng maximum na P3,000. “Granting a year-end gratuity pay to JO (job order) and COS (contract of workers is a well-deserved recognition of their hard work,” ayon sa order ng Pangulo. (ROSE …

Read More »

Health audit sa bakwit kailangan gawin — Imee

DAPAT gawing prayoridad ngayon ng Department of Health (DOH) at Barangay Health Workers ang health audit sa lahat ng bakwit lalo sa mga pasyenteng senior citizen na may malubhang karamdaman. Ayon kay Senador Imee Marcos, kailangan agad mabigyan ng tulong medikal dahil delikado sa kalusugan ang manatili sa evacuation centers. Sinabi ni Marcos, prayoridad ang mga buntis at mga bata …

Read More »

RDC Bilibid sorpresang ginalugad ni Bantag

NASAMSAM ng mga tauhan ng Bureau of Correction (BuCor) ang iba’t ibang uri ng kontrabando kabilang ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu matapos magsa­gawa ng Oplan Galugad sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) kahapon ng madaling araw. Nagsagawa ng sorpre­sang operasyon sa pangu­nguna ni BuCor Director General Gerald Bantag sa loob ng Reception and Diagnostic Center ng NBP …

Read More »

10K barangay officials, bubulabugin ni Isko

BUBULABUGIN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang 10,000 barangay officials sa Maynila upang makiisa sa patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan sa paglilinis at pagsasaayos ng Lungsod. “Balewala ang pagliling­kod nang tapat at sigasig ng gobyerno kapag ang tao, ‘di nag-participate… impor­tante na tulungan ninyo ang city government hindi para sa atin kundi para sa mga susunod na …

Read More »

‘Kamay ng Malacañang’ gumagalaw vs prankisa ng ABS-CBN — Defensor (Palasyo naghugas ng kamay)

Duterte money ABS CBN

HALATANG gumaga­law ang Malacañang laban sa prankisa ng dambuhalang ABS-CBN Network matapos mag­hain ang Office of the Solicitor General ng petisyon sa pagbawi nito. Ayon kay Anak Kalusugan Rep. Mike Defensor, malinaw na ang ehekutibo ay hindi sang­ayon sa pagpapalawig ng prankisa ng nasabing network. “The OSG by filing a petition to revoke the ABS -CBN franchise is a clear …

Read More »

Koordinasyon ng Iraqi Embassy malaking tulong sa PH — DFA

MALAKI ang papel ng Iraqi Embassy sa Maynila sa nagpapatuloy na repatriation ng mga Filipino sa Iraq, ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA). Ayon sa DFA, sa pakikipagtulungan ng naturang Embahada, napabibilis ang proseso sa pagpapauwi sa ating mga kababayang naiipit sa kaguluhan sa Middle East o Gitnang Silangan. Nitong Miyerkoles, tagumpay na nakauwi sa bansa ang unang …

Read More »

Tulong sa mga biktima ng pagsabog ng Taal, ipinadala ng Bulakeños

PERSONAL na dinala ni Governor Daniel Fernando kasama si P/Col. Emma Libunao, police provincial director ang tulong mula sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan para sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal sa Batangas. Nagkaloob ng tulong-pinansiyal ang gobernador na nagkakahalaga ng isang P1 milyon at 500 packs ng relief goods sa mga Bata­ngueño na tinanggap ng kanilang punong panlala­wigan …

Read More »

2 patay, 82,000 bakwit inilikas sa Taal eruption

DALAWA katao pa ang binawian ng buhay dahil sa cardiac arrest habang patu­ngo sa mas ligtas na lugar kasunod ng pagsabog ng bulkang Taal noong Linggo, 12 Enero, habang mahigit sa 80,000 residente sa 14-kilometer radius permanent danger zone ang ligtas na nailikas ng pamahalaan, iniulat kahapon. Kinilala ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (BPDRDMO) ang mga …

Read More »

Sa pakikialam sa kontrata sa tubig… Ph infra projects apektado

MAKASASAMA sa public-private part­ner­ship deals para sa  mga proyektong  pang-impra­estruktura ng bansa ang pakikialam ni Pangulong Rodrigo Duterte sa  water con­cession agreements ng Manila Water Co. Inc., at ng Maynilad Water Services Inc., gayondin ang pagbabanta niya na hindi ire-renew ang prankisa ng ABS-CBN. Ito ang babala ni Romeo L. Bernardo ng Global Source Partners, country analyst for the Philippines, …

Read More »

PWD, 3 paslit na mag-uutol, ina, isa pa patay sa sunog

PATAY ang anim katao na kina­bibilangan ng person with disability (PWD), tatlong paslit na magka­kapatid, ang kanilang 36-anyos ina, at isa pang lalaki sa sunog na naganap nitong Huwebes nang madaling araw sa Yuseco Street, Tondo, Maynila, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP). Kinilala ang mga namatay na biktimang sina Jean Paul Esguerra, PWD, 42 anyos; si Odessa Conde, …

Read More »