Thursday , October 28 2021
District Special Operation Unit Northern Police District, DSOU-NPD

Budol-Budol King nasakote sa Kankaloo (Top 6 most wanted)

NASAKOTE ng mga tauhan ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) sa bisa ng warrant of arrest ang tinaguriang Budol-Budol King at top 6 most wanted person sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni DSOU head P/Lt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong akusado na si Eduardo Dela Rosa, alyas Edwin, 43 anyos, J&T Express Delivery rider at residente sa Brgy. 171 Bagumbong, Caloocan City.

Base sa report ni P/Lt. Col. Dimaandal kay NPD Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr., nakatanggap ang DSOU ng impormasyon mula sa NDIT-RIU NCR na naispatan ang akusado sa kanilang lugar.

Kaagad bumuo ng team ang DSOU sa pangunguna ni P/Lt. Melito Pabon saka nagsagawa ng manhunt operation dakong 3:30 pm na nagresulta sa pagkakaresto kay Dela Rosa sa kanyang bahay.

Ayon kay DSOU investigator P/MSgt. Julius Mabasa, si Dela Rosa ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Regional Trial Court (RTC) National Capital Judicial Region Branch 80, Quezon City Hon. Judge Madonna Echiverri para sa kasong Robbery at Theft, may piyansa P100,000 para sa pansamantalang kalayaan.

Ang akusado ay nasa top 6 most wanted person sa Caloocan City at tinaguriang lider ng “Dela Rosa Steal Gang” na responsable sa maraming kaso ng robbery at budol-budol sa Metro Manila at mga karatig probinsiya. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Lebanon Philippine Embassy Beirut

Hikayat ng PH Embassy sa Lebanon
LIBRENG BAKUNA DAPAT SAMANTALAHIN NG OFWs

HINIKAYAT ng Philippine Embassy sa Lebanon ang mga Filipino na samantalahin ang programa ng International …

Covid-19 Vaccine Fake news

‘Fake news’ vs bakuna pananagutin — NCRPO

NAGBABALA ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa lahat ng mga nagpapakalat ng ‘fake …

Valenzuela BikeCINATION

May kasamang livelihood assistance
56 VALENZUELANO NAKATANGGAP NG LIBRENG BISIKLETA

INILUNSAD ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment – …

Sa Kankaloo
LOLANG KOBRADOR, 2 PA ARESTADO SA LOTTENG

ISANG 62-anyos lola ang inaresto, kabilang ang dalawa pang katao sa magkahiwalay na anti-illegal gambling …

Habang naghahapunan
RETIRADONG SUNDALO INUTAS SA ISANG BALA

ISANG bala ang tumapos sa buhay ng isang retiradong sundalo nang barilin ng hindi kilalang …

Leave a Reply