BAGAMAT ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Health (DOH) Undersecretary Leopoldo “Bong” Vega sa kanyang tanggapan sa Palasyo kagabi para sa isang one-on-one meeting, nanatiling hepe ng ahensiya si Secretary Francisco Duque III. Nabatid sa Palace source, ang pulong ay naganap bago harapin ni Pangulong Duterte ang ilan sa kanyang “key cabinet members” para talakayin ang panawagan ng …
Read More »Masonry Layout
Maritime police timbog sa parricide
INIHARAP ng Provincial Intelligence Branch na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Vicente Cabatingan kay Cavite Police Provincial Office Director (PD) P/Col. Marlon Santos ang nadakip na pulis na si Patrolman Ricky Rico ng Maritime Group makaraang silbihan ng warrant of arrest sa kasong parricide. Ayon sa imbestigador na si P/SSgt. Armin Matro ng General Trias CPS, naglabas ng warrant ang korte …
Read More »Pagkamkam sa 2 telcos maghahasik ng takot sa mga mamumuhunan (Babala ng advocacy group)
NAGBABALA ang isang lawyers’ advocacy group sa gobyerno kung tototohanin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang bantang pagkamkam sa dalawang higanteng kompanya ng telekomunikasyon sa bansa ay maghahasik ito ng matinding takot sa mga mamumuhunan, dayuhan man o lokal. “Labag sa prinsipyo ng Konstitusyon na hadlangan ang pag-unlad at operasyon ng mahalagang industriya sa manipis na dahilan kahit maaaring maisaayos …
Read More »Approval ng cell tower permit pinabibilisan ni Duterte sa LGUs (Mula 200 days gawing 16 days — Sec. Año)
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng local government chief executives sa bansa na aksiyonan nang mabilis ang aplikasyon ng telcos para sa tower building permit, o harapin ang ‘pinakamasamang epekto’ ng pagkakaantala ng cell sites. Sa COVID-19 briefing sa Malacañang, masusing tinalakay ng halatang nayayamot na Pangulo ang mga paraan kung paano mapagbubuti ang internet connectivity para sa …
Read More »6,136 lockdown violators, naaresto sa Navotas
UMABOT sa 6,136 indibidwal ang nahuli ng mga awtoridad na lumabag sa ordinansa at health protocols sa ipinatupad na 14-day lockdown na nagtapos nitong Miyerkoles ng gabi dahil sa COVID-19 sa Navotas City. Ayon sa ulat ni Navotas Police chief, Col. Rolando Balasabas kay Mayor Toby Tiangco, 5,805 ang mga nahuling nasa hustong gulang habang 331 ang mga menor …
Read More »2 ex-OFWs, 1 pa timbog sa P3.4-M shabu
NASABAT ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency – Special Enforcement Service (PDEA-SES), Regional Office – National Capital Region, at Taguig City Police ang nabulagang tatlong suspek sa ikinasang buy bust operation na nakompiskahan ng tinatayang P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu, sa Barangay Western Bicutan, Taguig City, nitong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang mga suspek na …
Read More »Pasaway sa Marikina binalaan ni Teodoro (Pulis, barangay chairmen mananagot)
NAGBABALA si Marikina City Mayor Marcy Teodoro sa ilang barangay chairman dahil sa paglabag sa quarantine protocols. Ang pahayag ay ginawa ng alkalde kaugnay ng panayam sa radyo hinggil sa mga ulat na nagkakaroon ng mass gathering gaya ng inuman at videoke sa ilang barangay sa Marikina City, kabilang sa Fortune, Parang, at Marikina Heights. “Bawal ‘yan. Hindi dapat mangyari… …
Read More »167 Filipino seafarers dumating na sa bansa
NASA bansa na ang karagdagang 167 Filipino seafarers mula sa Germany. Dumating mula Hamburg International Airport lulan ng charteted Condor airlines flight ang nasabing seafarers na mula sa iba’t ibang maritime companies. Ang pinakamalaking bilang ng crew members na may 70 manggagawa ay mula sa kompanyang Marlowe Shipping Management Company na nakabase sa Germany. Isinagawa ang repatriation …
Read More »48 LSIs sa Rizal Stadium positibo sa COVID-19
UMABOT na sa 48 locally stranded individuals (LSIs) na namalagi sa Rizal Memorial Stadium ang nagpositibo sa rapid test sa coronavirus disease 2019 o COVID-19. Dahil dito, nakatakdang isailalim sa isang araw na lockdown ang stadium upang magsagawa ng decontamination o disinfection sa buong lugar. Matatandaan na umabot sa libo-libong LSIs ang dumagsa sa stadium sa layong makapagpa-rapid …
Read More »14 Pinoy seafarers sa Brazil nagpositibo sa COVID-19
LABING-APAT pang Pinoy seafarers na nasa Brazil, ang nagpositibo sa COVID-19, ayon kay Brazil Philippine Ambassador Marichu Mauro. Sa report, sinabing nasa 11 seafarer ang naka-recover, 2 ang nananatili sa ospital at isa ang pumanaw. “Mayroon tayong Filipno seafarers, hindi po sila nakatira rito sa Brazil ngunit dumaong ang ship sa Brazilian ports, mayroon po tayong mga 14 …
Read More »Titser na pinapasok sa iskul sa Maynila, nagpositibo sa COVID-19
NAGPOSITIBO ang isang guro ng Manuel A. Roxas Senior High School sa Maynila matapos makaramdam ng sintomas ng COVID-19. Sa ulat, ang naturang guro ang pangulo ng The Teachers’ Dignity Coalition (TDC), Manila chapter na si Ildefonso “Nono” Enguerra III. Ayon sa report, 22 Hulyo nang sumailalim ang nasabing guro sa swab test matapos magkaroon ng mataas na lagnat, …
Read More »19 bodega sa Tondo naabo
TINUPOK ng apoy ang isang commercial area sa Bambang Street, Maynila, nitong Miyerkoles ng gabi. Ayon kay Fire Senior Superintendent Geranndie Agonos, District Fire Marshall ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), dalawang malalaking warehouse building na nagsisilbing bodega sa 19 establisimiyento ang natupok. Sa report, pawang mga tela, laruan, medical supplies at furniture ang laman ng warehouse …
Read More »3 akusado sa hazing na ikinamatay ni Dormitorio inilipat sa Baguio City Jail
ILILIPAT sa Baguio City Jail ang tatlong kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na sangkot sa hazing at pagpatay kay 4th cadet class Darwin Dormitorio. Kasunod ito ng kautusan ni Baguio Regional Trial Court Branch 5 Presiding Judge Maria Ligaya Itliong-Rivera. Sa kanyang kautusan, sina PMA 3rd class cadets Shalimar Imperial, Felix Lumbag, at Julius Tadena ay pinalilipat …
Read More »16-anyos timbog sa shabu (Nasita sa paglabag sa curfew)
ARESTADO ang isang 16-anyos binatilyo na sinabing sangkot sa ilegal na droga matapos makuhaan ng shabu nang sitahin dahil sa paglabag sa curfew hour sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Ayon kay Caloocan police chief, Col. Dario Menor, dakong 3:40 am, nakatanggap ng tawag ang Caloocan Police Sub-Station 5 mula sa concerned citizen hinggil sa nagaganap na illegal …
Read More »Ospital ng Maynila 10 araw isasarado
DAHIL sa sunod-sunod na pagkakasakit ng medical frontliners sa Ospital ng Maynila, pansamantala itong isasara sa publiko sa loob ng 10 araw. Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, isasara ang naturang ospital simula 12:01 am 31 Hulyo hanggang 9 Agosto. Isasailalim sa disinfection ang naturang ospital makaraang tumaas ang bilang ng COVID-19 patient at mahawaan ang ilang …
Read More »PH ibinabaon sa utang at kahirapan ni Duterte (Bawat Pinoy may utang na P83K) — KMP
IDINADAHILAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kampanya kontra coronavirus disease (COVID-19) para ibaon sa utang at kahirapan ang sambayanang Filipino. Inihayag ito kahapon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa kanilang kalatas. “Kailangan daw mangutang para sa ‘new normal’ at muling pagbubukas ng ekonomiya pero ang limpak na mga bagong utang ay para sa mga proyektong impraestruktura na ipinapakete bilang …
Read More »PBMA Supreme Master Ruben Ecleo, Jr., nasakote sa Pampanga
NATUNTON na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si Ruben Ecleo, Jr., ang no.1 top most wanted person ng Department of Interior and Local Government (DILG) na naaresto sa Balibago, Angeles City, Pampanga, kahapon ng madaling araw. May pabuyang P2 milyon, si Ecleo ay matagal nang nagtatago at gumagamit ng pangalang Manuel Riberal, 60 anyos, ng Lot 6, Block …
Read More »Mega web of corruption: IBC-13 Technical upgrade para sa DepEd project ‘drawing’
ni Rose Novenario SUNTOK sa buwan ang panukalang P1.5 bilyong technical upgrade budget para sa state-run Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) na ikinasa ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at nais paaprobahan sa Kongreso bilang paghahanda sa layunin nitong maging “DepEd Official Channel.” Ayon sa source, kapos na ang panahon para paghandaan ang ambisyosong TV-based learning project dahil magbubukas na ang …
Read More »‘Burarang’ kampanya ng gov’t sinisi (Sa pagtaas ng COVID-19 cases)
‘BURARA’ ang implementasyon ng administrasyong Duterte sa kampanya laban sa coronavirus disease (COVID-19) kaya patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa sakit. Mismong sa inilabas kahapon ng Palasyo na Resolution No. 60 ng Inter-Agency Task Force (IATF) on the Management of Emerging Infectious Disease na nagsasaad ng direktiba ng Department of Health (DOH) sa Department of Interior and …
Read More »Ayuda ipinambili ng Lamborghini
KUNG tumaas ang inyong kilay matapos mabalitaan ang babaeng nagpa-rebond ng kanyang buhok makaraang tumanggap ng ayuda mula sa gobyerno sa gitna ng pandemyang coronavirus, basahin n’yo ang kuwento ni David Hines. Makaraang tumanggap ng US$4 milyon sa COVID-19 relief loans mula sa federal government, isa sa unang binili ni Hines ay isang super-luxury na Lamborghini Huracan Evo — na …
Read More »Nobya ni Jang Lucero dinukot ng armadong kalalakihan sa Laguna
HINIHINALANG dinukot ang nobya ni Jang Lucero, ang babaeng driver na natagpuang patay dahil sa maraming saksak sa katawan, nitong Miyerkoles, 29 Hulyo sa Bay, Laguna. Sa panayam sa telepono, sinabi ng hepe ng Laguna Police Public Information Office na si P/Lt. Col. Citadel Gaoiran puwersahang dinukot ng 10 lalaki si Meyah Amatorio at pamangkin na kinilalang si Adrian Ramos …
Read More »Binatilyo tinangay ng baha patay (Sa Bohol)
BINAWIAN ng buhay ang isang 17-anyos binatilyo nang maanod ng baha sa isang barangay sa bayan ng Jagna, sa lalawigan ng Bohol, sa kasagsagan ng malakas na ulan noong Miyerkoles, 29 Hulyo. Kinilala ang biktimang si Niño Cagasan, residente sa Barangay Odiong sa naturang bayan, na patungong palengke upang maghatid ng panindang gulay, nang tangayin ng baha habang papatawid …
Read More »P3.7-M ‘bato’ nakompiska sa OFW at trader (Sa Zamboanga)
ARESTADO ang isang babaeng overseas Filipino Worker (OFW), at isang negosyante sa lalawigan ng Zamboanga matapos magbenta sa isang undercover police agent ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P3.7 milyon noong Martes ng hapon, 28 Hulyo. Sa ulat nitong Miyerkoles ng umaga, 29 Hulyo, kinilala ni Zamboanga Peninsula (PRO-9) Director P/BGen. Jesus Cambay, Jr., ang mga nadakip na …
Read More »4 Chinese fishermen, arestado sa Navotas
NASAKOTE ng Maritime Group ng Phillipine National Police (PNP) ang apat na mangingisdang Chinese nang mamataan silang bumababa sa isang sasakyang pandagat sa Navotas Fish Port Complex. Kinilala ni Col. Ricardo Villanueva, hepe ng Regional Maritime Unit-National CapitalRegion Office (RMU-NCR) ang apat na naaresto na sina Huang Yongjie, 42 anyos; DaiShiwen, 56 anyos; Yafeng Zhou, 47[ at Tan Riyang, …
Read More »2 tulak timbog sa P.3-M shabu
DALAWANG hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado matapos makompiskahan ng mahigit sa P300,000 halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operations ng mga awtoridad sa mga lungsod ng Caloocan at Navotas. Ayon kay Caloocan police chief, Col. Dario Menor, dakong 12:50 am nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni …
Read More »