Saturday , November 16 2024

Masonry Layout

5 bansa idinagdag sa travel restriction

IDINAGDAG ang lima pang bansa sa ipinatutu­pad na  travel restriction sa Filipinas dahil sa bagong CoVid-19 variant. Inihayag ni Presidential spokes­person Harry Roque na kasama sa travel restriction ang China, Pakistan, Jamaica, Luxembourg, at Oman. “Ipinagbabawal po ang pagpasok ng mga dayuhan galing sa mga bansang ito, galing po roon sa mga lugar iyon effective January 13, 2021 at noon …

Read More »

Ilang aktibidad sa pista ng Sto. Niño sa Tondo, kinansela

MATAPOS ang paggunita sa kapistahan ng Poong Itim na Nazareno, ang kapistahan ng Poong Sto. Niño de Tondo naman ang susunod na babantayan. Ayon sa Archdiocesan Shrine of Sto. Niño na ipagbabawal rin nila ang prusisyon at motorcade sa Linggo na nakasanayan nang isinasagawa. Taon-taon ay dinarayo ang simbahan ng mga debotong may bitbit ng kanilang mga imahen ng Sto. …

Read More »

Aksyon ng PNP giit ng taga-Malabon (Sa sunod-sunod na pagpatay)

WALO katao, isa rito ang punong barangay ng Hulong Duhat, ang pinatay sa pamamaril ng mga hindi kilalang suspek sa loob lamang ng dalawang linggo sa lungsod ng Malabon. Kaugnay nito, nagtalaga ng 100 pulis si Northern Police District (NPD) director P/BGen. Eliseo DC. Cruz bilang karagdagan sa 400 dating pulis sa lungsod. Kahapon ay pinagba­baril sa sariling bakuran si …

Read More »

Bakunang aprobado ng FDA ligtas (Palasyo kibit-balikat sa Kritisismo)

HINDI natinag ang Palasyo sa mga kritisis­mo sa pahayag na hindi puwedeng maging ‘choosy’ ang mga Pinoy at nanindigan na go­byerno ang masusunod at hindi puwedeng mamili ang mamama­yan ng tatak ng CoVid-19 vaccine alinsunod sa national immunization program. Katuwiran ng Malacañang, lahat ng tatak ng bakuna na aaprobahan at bibigyan ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug …

Read More »

‘Fluids’ na nakuha sa katawan ni Dacera malaking tulong sa imbestigasyon — NBI

MADALING matutu­koy ng National Bureau of Investigation (NBI) kung mayroong alcohol o ilegal na droga sa katawan ng flight attendant na si Christine Dacera na namatay sa isang hotel sa Makati City. Ayon sa NBI, kahit dalawang beses nang isinailalim sa awtopsiya ang bangkay ng bikti­ma, mayroon pa rin nakuhang 100 mililiters ng bodily fluids sa katawan ni Dacera sa …

Read More »

Tserman itinumba ng tandem (Tinambangan sa loob ng manukan)

dead gun police

PATAY ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng dalawa sa apat na hindi kilalang suspek sa kanyang manukan sa likod ng kanyang bahay sa Malabon City, kama­kalawa ng hapon. Dead on arrival sa Manila Central University (MCU) hospital ang biktimang kinilalang si Anthony Velasquez, 41 anyos, barangay chairman ng Brgy. Hulong Duhat at residente sa Florante St., ng nasabing lugar …

Read More »

200k Pinoys turok-bakunakada araw — Palasyo

ni ROSE NOVENARIO TARGET ng gobyernong mabaku­nahan laban sa CoVid-19 ang may 200,000 Pinoy kada araw. Upang maisaka­tuparan ito’y suma­sailalim sa training ang 25,000 vaccinators, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez. Inihahanda aniya ng local government units (LGUs) sa Metro Manila ang listahan ng mga indibidwal na maba­bakunahan. Nais aniya ng gobyer­no na makabili ng 148 milyon doses ng CoVid-19 …

Read More »

2 manyakis na amain, timbog sa Bulacan

arrest posas

ARESTADO ang dalawang lalaki ng mga awtoridad nitong Linggo, 10 Enero, mata­pos ireklamo ng pangga­gahasa ng kanilang mga anak-anakan sa lalawigan ng Bulacan. Sa ulat mula sa Pandi Municipal Police Station (MPS), unang nadakip ang suspek na kinilalang si Anton Nazar Paelma sa panggagahasa sa 12-anyos anak ng kanyang live-in partner sa Brgy. Pinagkuartelan, sa bayan ng Pandi, sa naturang …

Read More »

4,000 kaso ng CoVid-19 kada araw ikinabahala

Covid-19 positive

IGINIIT  ni Senadora Imee Marcos na dapat agad tutukan ng gobyerno ang posible pang pagtaas ng mga kaso ng CoVid-19 na maaaring lumobo sa 4,000 kaso kada araw, na una nang binabala ng health experts. “Ilang buwan pa ang hihintayin bago ang maramihang pagba­bakuna at ang EUAs (emergency use approvals) ay nakatengga pa rin. Ang unang dapat harapin ay maiwasang …

Read More »

4 todas sa pamamaril sa Laguna (Auto-shop sinalakay)

dead gun police

PATAY ang apat katao, kabilang ang isang sinasabing may kaugnayan sa ilegal na droga, nang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek na sumalakay sa isang tarpaulin printing at automobile shop sa lungsod ng Biñan, lalawigan ng Laguna, noong Linggo ng gabi, 10 Enero. Ayon kay P/Lt. Col. Giovanni Martinez, hepe ng Biñan City police, naganap ang insidente ng pamamaril dakong …

Read More »

Kasong walang ebidensiya ibasura — De Lima

IPINABABASURA ni Senadora Leila M. de Lima ang isa sa tatlong kasong isinampa sa kanya sa Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 205 dahil sa kawalan ng ebidensiya na nag­sa­sangkot sa kanya sa bentahan ng ilegal na droga sa Bilibid. Noong 7 Enero, inihain ni De Lima ang “Demurrer to Evidence” sa Criminal Case 17-166, na kapwa akusado niya …

Read More »

Bulate, nakuha sa tonsils ng babae nang kumain ng hilaw na isda

ISINUGOD sa ospital ang 25-anyos babae dahil sa pananakit ng lalamunan nang kumain ng “sashimi” o hilaw na isda. Sa inilabas na pag-aaral ng the American Journal of Tropical Medicine and Hygiene, lumabas sa ekasiminasyon ng hindi pinangalanang babae, may gumagalaw na bulate sa kanyang kaliwang tonsil. Naiulat na limang araw bago magtungo ng St. Luke’s International Hospital ay kumain …

Read More »

16-anyos estudyante minolestya sa inuman, 3 suspek timbog sa Nueva Ecija

harassed hold hand rape

ARESTADO ang tatlong lalaking may edad 19 hanggang 24 anyos matapos gahasain ang isang 16-anyos na estudyante sa bayan ng Licab, lalawigan ng Nueva Ecija noong Biyernes, 9 Enero. Ayon kay P/Col. Marvin Joe Saro, direktor ng Nueva Ecija provincial police office, nadakip ang mga suspek, kabilang ang kasintahan ng biktima, ilang oras matapos ang krimen. Ayon sa mga imbestigador, …

Read More »

Crop circle, misteryosong lumitaw sa France

DINARAYO ngayon ng mga nag-uusing turista ang crop circle o crop formation na bigla na lang umanong lumitaw sa France. Mula sa itaas, tila makikita umano ang disenyo ng Templar cross. Sa YouTube video, sinabing isang magsasaka ang nakakita sa crop circle. Ang crop circle enthusiast na si Genevieve Piquet, nag­tungo sa lugar para maranasan ang pakiramdam ng nasa loob …

Read More »

Kaalaman sa bakuna kailangan bago dumating — solon

HINIMOK ni House Deputy Speaker Neptali “Boyet” Gonzales II ang Kagawaran ng Kalu­su­gan na magkaroon ng malawakang educational campaign patungkol sa CoVid-19 vaccine upang maliwa­nagan ang publiko hingil sa bakuna at mawala ang mga maling haka-haka. Ayon kay Gonzales, masasayang ang mga bakuna kung hindi magpapabukana ang mga tao. “All the billions of pesos appropriated by the government will simply …

Read More »

70M Pinoy target bakunahan ng DOH

TARGET ng pamahalaan na mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong Filipino sa loob ng taong kasalukuyan ngunit hanggang ngayon ay wala pang naaaprobahang bakuna ang Food and Drug Administration (FDA). Lumabas ito sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole na pinamunuan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, matapos aminin nina CoVid-19 czar Carlito Galvez, Jr., at Health Secretary …

Read More »

Sangkot sa Dacera case inimbitahan na ng NBI

PINAMAMADALI ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera. Ayon kay Guevarra, umaasa siyang sa susu­nod na linggo o pagka­tapos ng 10 araw may­roon nang resulta ang isinasagawang parallel investigation ng NBI. Kaugnay nito, sinabi ni Guevarra, nitong Lunes ay ipinatawag ng NBI ang mga indibidwal …

Read More »

Pinoy ‘wag choosy sa libreng Covid-19 vaccine — Palasyo (Pambili ng vaccine kahit babayaran ng tax)

ni ROSE NOVENARIO HINDI puwedeng maging choosy ang mga Pinoy sa tatak ng CoVid-19 vaccine na ituturok sa kanila dahil ito’y libre, ayon sa Palasyo. “Totoo po, mayroon tayong lahat na karapatan para sa mabuting kalusu­gan pero hindi naman po puwede na pihikan dahil napakaraming Filipino na dapat turukan,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque sa virtual Palace press briefing. …

Read More »

Magdyowang tulak sa Pampanga nasakote sa buy bust ops

HINDI nakapalag ang magkasintahang hini­hinalang mga tulak na kinilalang sina Danilo Darieles, alyas Dada, 39 anyos; at Rastly Joyce Alfonso, 34 anyos, kapwa residente sa Sta. Lucia, sa bayan ng Sasmuan, lalawigan ng Pampanga. Nasukol ang dalawa nang ma-flat ang gulong ng kanilang getaway car na Mitsubishi Mirage G4, may conduction sticker number B5-P798 dahil sa tama ng bala. Nakompiska …

Read More »

Sa internal cleansing, adik na pulis sibak

BAWAL ang adik na pulis, at sisibakin palabas ng Philippine National Police (PNP) kapag nagpositibo sa drug testing na gumugulong ngayon sa buong puwersa ng Police Regional Office 3. Sinabi ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon, ito ay bilang pagtalima sa direktiba ng pamunuan ng PNP na magsagawa ng simultaneous random drug testing sa buong kinasasakupan upang matiyak na …

Read More »

13 sugarol timbog sa Bulacan

HINDI nakapalag ang 13 katao matapos dakpin ng pulisya nang maaktohanng nagsusugal sa ikinasang anti-illegal gambling operations ng mga awto­ridad sa lalawigan ng Bula­can, nitong Sabado, 9 Enero. Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, naaresto ang 13 suspek sa pinagting na kampanya ng pulisya laban sa ilegal na sugal sa mga  bayan ng Pandi, Doña Remedios …

Read More »

10 tulak, 4 wanted swak sa kalaboso

shabu drug arrest

ARESTADO ang 10 hinihinalang tulak ang apat na pinaghahanap ng batas sa ikinasang buy bust at manhunt operations ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon, 10 Enero. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nagresulta sa pagkakadakip sa magkakahiwalay na buy bust operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Units ng Meycauayan CPS, …

Read More »

Gatchalian nagbanta sa PLDT, Converge (Huling babala)

internet connection

IPINATAWAG ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang mga kinatawan Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT) at Converge para bigyan ng ‘huling babala’ upang tugunan ang hinaing ng kanyang mga nasasakupan. Ito ay makaraang ulanin ng reklamo ang alkalde ukol sa koneksiyon ng internet mula sa mga Valenzuelano nitong nagdaang Kapaskuhan. Bago ito, sa social media ibinuhos ng alkalde ang …

Read More »

Fr. Badong: deboto spreader ng pag-asa hindi ng CoVid-19

IGINIIT ng pamunuan ng Quiapo Church na nasunod ng mga deboto ng Poong Itim na Nazareno ang health protocol sa pagdiriwang ng kapistahan sa kabila ng banta ng CoVid-19. Ayon kay Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene o mas kilalang bilang Simbahan ng Quaipo, naging maayos ang daloy ng kanilang aktibidad nitong Sabado dahil …

Read More »