Wednesday , July 6 2022
Navotas
Navotas

3 tulak nabitag sa Navotas

TATLO katao na pinaniniwalaang tulak ng ipinagbabawal na droga, kabilang ang isang babae ang naaresto matapos malambat sa magkakahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Navotas City police chief Col. Dexter Ollaging, dakong 12:20 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo ng buy bust operation sa M. Fernando St., Brgy. Tangos South.

Nang tanggapin ang P500 marked money mula sa isang pulis na umaktong poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu, agad sinunggaban ng mga operatiba sina Demetria Ochoa, alyas Rhea, 33 anyos, ng Brgy. Tangos South, at Ronie Idos, 43 anyos, ng Brgy. Daanghari.

Nakompiska sa mga suspek ang nasa pitong gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price P47,600 at marked money.

Dakong 1:30 am naman nang madakma ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Oliveros St., Brgy. Tangos North si Arnold Villanueva, alyas Boy Duling, 58 anyos, residente sa R. Domingo St., ng nasabing barangay.

Nasamsam kay Villanueva ang tinatayang 6.5 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P44,200 at P300 buy bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Ops kontra sugal ikinasa 6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA Boy Palatino

Ops kontra sugal ikinasa
6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA

NASUKOL ng mga awtoridad ang anim na indibiduwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal sa …

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa murder
LIDER NG GUN-FOR-HIRE GROUP ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong murder at sinasabing lider ng …

dead gun

Convenience store nilooban
KAWATAN BULAGTA SA ENKUWENTRO, KASABWAT NAKAPUSLIT

NAPATAY ng mg aawtoridad matapos manlaban ang isang armadong lalaking pinaniniwalaang nanloob sa isang convenience …

marijuana

Nagkakalat ng marijuana sa Bulacan
TULAK AT RUNNER NA MENOR DE EDAD, TIKLO SA DRUG STING 

NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang personalidad na pinaniniwalaang tulak ng marijuana kabilang ang isang …

dead gun police

Sa Jaen, Nueva Ecija
CARETAKER NIRATRAT NG RIDING-IN-TANDEM 

PATAY ang isang caretaker nang barilin ng dalawang armadong lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa bayan …