Thursday , July 7 2022
shabu drug arrest

Lalaking tirador ng bisikleta huli sa shabu

KALABOSO ang isang lalaki matapos magnakaw ng bisikleta at makuhaan ng shabu sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon City police chief Col. Albert Barot ang suspek na si Raizon Dela Cruz, 20 anyos, residente sa Bagong Barrio, Caloocan City.

Batay sa ulat ni P/MSgt. Randy Billedo, unang tinangay ng suspek ang bisikleta ni Mark Bryan Moreno, 22 anyos, online seller, habang nakaparada sa harap ng kanilang bahay sa Anonas Road, Brgy. Potrero ngunit nakita siya ng biktima.

Humingi ng tulong ang biktima sa mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Garry Ignacio, dakong 10:30 pm.

Habang nagsasagawa ng mobile patrol namataan ang suspek hanggang magkahabulan, makorner at maaresto ang suspek.

Nabawi ang bisikleta ng biktima na nagkakahalaga sa P8,000 ngunit nang kapkapan ng mga pulis ay nakuha pa sa pag-iingat ni Dela Cruz ang tinatayang 7.9 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P53,720.

Bukod sa kasong pagnanakaw, mahaharap din ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Bongbong Marcos BBM Mark Lapid Tanya Garcia

Mark T. Lapid itinalagang COO ng TIEZA

MULING itinalaga bilang Chief Operating Officer (COO) ng Tourism Infrastructure and Enterprise Authority (TIEZA) si …

Ambeth Ocampo Ella Cruz

Pinoy historian umentra sa pasabog ni Ella

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng tawa namin nang makita sa isang social media …

Tirso Cruz III Johnny Revilla Bongbong Marcos BBM

Tirso Cruz III bagong FDCP chair, Johnny Revilla sa MTRCB

UMAGA pa lang kahapon, July 5 umugong na ang balitang pinalitan na si Liza Dino Seguerra bilang Film …

Ops kontra sugal ikinasa 6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA Boy Palatino

Ops kontra sugal ikinasa
6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA

NASUKOL ng mga awtoridad ang anim na indibiduwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal sa …

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa murder
LIDER NG GUN-FOR-HIRE GROUP ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong murder at sinasabing lider ng …