Monday , July 4 2022
Sharon Cuneta Regine Velasquez

Sharon at Regine na-miss ang live na palakpakan, sigawan ng fans

HARD TALK
ni Pilar Mateo

THIS week-end, sa June 17 and 18, 2022, magsasanib-puwersa ang mga tagahanga nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez sa Grand Ballroom ng Marriott Hotel sa Newport Center on Pasay sa pagbabalik ng Iconic concert ng mag-Nana (‘yan po ang term of endearment nila sa isa’t isa).

Kung hindi nga nagkaroon ng pandemya, malamang na nagkaroon na ito ng repeat sa Big Dome at nakaikot na sa iba’t ibang venues sa bansa, pati na sa ibayong dagat.

Ngayon pa lang nila muling mararamdaman ang live na palakpakan, sigawan, pagpapakuha ng larawan, pati na pagpirma ng autograph at pagse-selfie with their beloved fans.

Kung namaalam sa Magandang Buhay si Regine bilang co-host nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros, matagal nang naghihintay ang fans na magkaroon na sila ng musical talk show ni Mega.

At sa muli nilang pagharap sa media, balitaktakan na namang umaatikabo sa pagsagot ng kilometriko ang dalawa sa patuloy nilang nami-miss na pakikipag-tsikahan with the media.

Ibinahagi ng dalawa ang magiging espesyal na panauhin nila sa dalawang gabing pagtatanghal. Ang Asia’s Queen of Songs na si Ms. Pilita Corrales.

Parehong malapit sa puso ng dalawa si Tita Pilits.

Sumasali pa lang sa Tawag ng Tanghalan noon si Regine ay madalas na nga nitong makadaupang-palad ang reyna.

At si Shawie naman, maliit pa lang ay kinakanta na ang mga awit ng reyna, lalo na kapag pinatutugtog ito ng kanyang ama sa kanilang sasakyan kapag pupunta sa vacation house nila sa Baguio. Kaya pamilyar na pamilyar na siya sa mga awit nito.

Dagdag pa ni Mega, “Madalas na rin ako magpunta sa bahay niya, when Jackie(lou Blanco) and I made movies together.” 

The one question I posed sa dalawa ay kung ano, sa kabila ng mga narating na at naabot nila sa kasalukuyan ang maituturing nilang greatest achievement nila, na no one can ever take away from them.

For Regine, “It has always been my family. Alam niyo namang lahat na nanggaling ako sa wala. Mahirap lang kami. Pero nag-struggle. To where I am now. Sila talaga ang greatest achievement ko…napag-aral…napagtapos. Pamilya ko talaga. Kaya ‘yung karakter ni Ate as Rebecca sa ‘Bukas Luluhod Ang Mga Tala.’ ‘yung nasa bintana, ako na ako ‘yun. Relate na relate ako roon. Kasi, dinaanan ko talaga.”

Nagbahagi naman si Mega ng relasyon niya with her fans and the press. Na, ibang-iba ang prosesong dinaanan niya. Nila ni Regine. Dahil wala pang social media.

And I am really very thankful. We have a history with our fans. Sa mga bago ngayon, darating din ‘yun sa inyo. I saw the sincerity of them (fans and press)…

At magpa-hanggang ngayon.

About Pilar Mateo

Check Also

Bea Alonzo Lolit Solis

Lolit kay Bea — ‘wag power tripping para ‘di lumabas wrinkles 

MA at PAni Rommel Placente MULI na namang nagpatutsada si Lolit Solis kay Bea Alonzo na idinaan sa kanyang Instagram post.  …

Ruru Madrid Bianca Umali

Ruru at Bianca itinatago pa rin tunay na estado ng relasyon

MA at PAni Rommel Placente SA interview kay Ruru Madrid sa segment ng 24 Oras na Chika Minute, ay tinanong …

LUV Is Caught In His Arms Sparkada

Sparkada Boys malakas ang dating

I-FLEXni Jun Nardo LUMUTANG ang pangalan nina Marian Rivera, Heart Evangelista, Kyline Alcantara, at Bianca Umali sa Sparkada Boys ng GMA Artist …

Rita Daniela

Rita ayaw pa ring pangalanan ang lalaking nakabuntis sa kanya

I-FLEXni Jun Nardo IPINAGDAMOT pa rin ng Kapuso artist na si Rita Daniela nang tanungin ni Nelson Canlas ng 24 Oras kung sino …

The Juans Callalily

Hiwalayan ng banda nauuso rin

HATAWANni Ed de Leon NAUUSO yata ang paghiwalay sa mga banda. Sinabi ng The Juans, na …