Monday , July 4 2022
Andrea Torres
Andrea Torres

Andrea sinulit ang trabaho-bakasyon sa Japan

ILANG araw bago ang kanyang special live performance para sa Kapuso sa Tokyo, Japan, naglibot-libot muna si Andrea Torres.

Suot ang isang bright pink dress, bumisita si Andrea sa very trendy na Takeshita Street sa Harajuku pati sa tanyag na rebulto ni Hachiko sa Shibuya.

May nakilala rin siyang ilang mga sumo wrestler at nagpa-picture kasama ang mga ito.

Sa kanyang pangalawang araw ng paglilibot, nag-food trip naman siya sa Tsukiji Market na tumikim siya ng fresh sashimi, yakitori at marami pang iba.

Bukod dito, nag-take over din si Andrea sa Instagram stories ng GMA Pinoy TV para ibahagi ang kanyang bakasyon.

Bahagi si Andrea ng live presentation ng GMA Pinoy TV sa Philippine Expo 2020 na ginanap sa Ueno Onshi Park sa Tokyo noong June 12.

Ito ang kauna-unahang live event ng GMA Pinoy TV sa Asia simula nang magkaroon ng pandemic.

Malapit na ring ipalabas ang Pasional na international movie ni Andrea.

(Rommel Gonzales)

About Rommel Gonzales

Check Also

The Juans Callalily

Hiwalayan ng banda nauuso rin

HATAWANni Ed de Leon NAUUSO yata ang paghiwalay sa mga banda. Sinabi ng The Juans, na …

Atom Araullo Toni Gonzaga Cris Villonco

Atom kalmado sa coverage ng inauguration ni PBBM

HATAWANni Ed de Leon SINASABI nilang maganda ang naging inaugural ng Pangulong Bongbong Marcos na binigyan ng …

Faye Tangonan Lester Paul Recirdo

Faye Tangonan,  enjoy sa muling pagharap sa camera

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPAGPAPATULOY nina Faye Tangonan at Direk Romm Burlat ang shooting …

Christine Bermas 2

Christine Bermas tiniyak, mga barako ‘di mabibitin sa Scorpio Nights 3

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IDINEKLARA ni Christine Bermas na ang Scorpio Nights 3 ang …

Christine Bermas

Christine tiyak na pag-uusapan sa Scorpio Nights 3

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAPAKA-RAW at ibang-iba ang nakuha naming sagot kay Christine Bermas nang magkaroon …