ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang medal of valor awardee bilang bago at ika-siyam na Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff ng kanyang administrasyon. Inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque, si Philippine Army commanding general Lt. Gen. Cirilito Sobejana ang bagong pinuno ng AFP kapalit ni Gen. Gilbert Gapay na nakatakdang magretiro sa susunod na linggo. …
Read More »Masonry Layout
Presyo ng manok at baboy ididikta ng EO ni Digong — Go
TINIYAK ni Senador Lawrence Christopher “Bong” Go na maglalabas ng Executive Order (EO) si Pangulong Rodrigo Duterte para sa tamang presyo ng baboy at manok nang sa ganoon ay mabigyan ng proteksiyon ang kapakanan ng mga mamimili at ganoon din ng mga namumuhunan. Inamin ni Go, kasalukuyang pinag-aaralan ng tanggapan ng Pangulo ang lalamanin ng naturang EO na kanyang lalagdaan. “Lagi ko …
Read More »PSG deadma sa FDA probe sa ilegal at smuggled Sinovac COVID-19 vaccine
DEADMA ang Presidential Security Group (PSG) sa isinasagawang imbestigasyon ng Department of Health (DOH) sa paggamit nila ng smuggled at hindi awtorisadong anti-CoVid-19 vaccine na gawa ng Sinopharm. “The secretary of health sent a letter to the PSG asking for a list of whoever was vaccinated, if they were and what the vaccine was so that they can be monitored …
Read More »SWEAP kumalas sa COURAGE
PORMAL nang umalis ang Social Welfare Employees Association of the Philippines (SWEAP-NATIONAL) bilang kasapi ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE). Ang aksiyon ng nasabing labor union ay kaugnay ng pagtatatak sa COURAGE na umano’y kabilang sa communist terrorist group (CTG) front organization. Sa ilalim ng SWEAP-National Council Resolution No. 001 series of 2021 na inilabas …
Read More »Doctor nandaya ng maraming Covid-19 swab test results (2011 PLE top-notcher)
NAGSAMPA ng kasong kriminal ang pangulo ng isang kilalang medical at diagnostic clinic sa Bulacan laban sa isang kapwa niya doktor na sinabing nameke at gumawa ng daan-daang CoVid-19 swab test results gamit ang mismong molecular laboratory ng una. Bukod dito, pormal na naghain ng reklamong administratibo si Dr. Alma Radovan-Onia, taga-lungsod Quezon at medical director ng Marilao Medical and …
Read More »P15-B pondo ng PhilHealth hindi nawala — Gierran
HINDI nawawala o napunta sa katiwalian ang P15 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at 92 porsiyento nito’y nai-liquidate o natuos na. Sinabi ito ni PhilHealth chief Dante Gierran sa virtual Palace press briefing kahapon. Hindi umano siya papayag na mawawala ang pera ng PhilHealth lalo’t galing siya sa National Bureau of Investigation (NBI). Inulan ng batikos ang …
Read More »Blended learning kaysa paglabas ng bahay pagtuunan (Isko sa mga bata)
KASABAY ng pahayag ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na hindi muna papayagan ang mga bata na lumabas ng bahay umapela siya sa mga magulang na tulungan ang kanilang mga anak na makasabay sa hamon ng sistema ng kanilang pag-aaral gamit ang internet. Ang pahayag ng alkalde ay bago bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng IATF na payagang …
Read More »‘Militarisasyon’ ng mass vaccination program kasado na
IKINASA na ang mahalagang papel na gagampanan ng militar sa mass vaccination program ng gobyerno. Sa kanyang ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi, inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tinanggap na ng kanyang kagawaran ang alok ng negosyanteng si Joey Concepcion na isailalim sa pagsasanay ang military-medical personnel sa vaccination drive lalo sa mga lalawigan. Mag-uumpisa aniya …
Read More »Limited face-to-face classes para sa medical & allied health programs sa GCQ at MGCQ areas
BINIGYAN ng go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng limited face-to-face classes para sa medical and allied health programs sa mga institusyon sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque ang desisyon ng Pangulo ay batay sa rekomendasyon ng Commission on Higher Education (CHED) upang hindi maubusan ang …
Read More »Bakuna sa wetpaks mas kursunada ni Pang. Duterte (Kaya hindi isasapubliko)
WALANG plano si Pangulong Rodrigo Duterte na ipakita sa publiko ang pagpapabakuna laban sa CoVid- 19 dahil sa puwit niya ito ipatuturok. Paliwanag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque hinggil sa pribadong pagpapabakuna ni Duterte taliwas sa ginawa ng ilang world leader na napanood ng buong mundo ang pagturok sa kanila ng CoVid-19 vaccine. “I think so, he has said …
Read More »Ignoranteng coast guard inireklamo ng BoC-NAIA (Lady Customs Officer tinakot)
ISANG Philippine Coast Guard (PCG) personnel ang inireklamo ng Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa tahasang paghihimasok sa operasyon ng ibang ahensiya sa pangunahing paliparan ng bansa. Sa liham ni Atty. Ma. Lourdes Mangaoang, Deputy Collector ng Passenger Service Bureau of Customs, sa NAIA, tinukoy niya ang isang PCG personnel na kinilalang si PO2 …
Read More »3-buwan P10K ayuda at price control dapat ibigay ng gobyerno sa mahihirap (Para makabangon sa epekto ng pandemya)
KAGYAT na bigyan ng P10,000 ayuda sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan ang mga pamilyang mahihirap at kontrolin ang presyo ng mga bilihin, ang dapat iprayoridad ng administrasyong Duterte upang maisalba sa matinding dagok ng pandemya sa kanilang kabuhayan. Ipinanukala ito ng research group na Ibon Foundation sa pamahalaan sa gitna ng kawalan ng trabaho at pagbagsak ng kita …
Read More »Motorista ginagatasan ng DOTr, LTO sa PMVIC
MAGLULUNSAD ng noise barrage nationwide ang mga motorista dahil ginagawa silang gatasan ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Office (LTO) sa pamamagitan ng itinatag na monopolyadong Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVIC) na naging epektibo noong 29 Disyembre 2020. Sa press concerence kahapon, sinabi ni Dr. Larry Pitpit, pangulo ng Clean Air Movement Philippines Inc., (CAMPI), pahirap …
Read More »Nagbigay ng maling info sa DOH target ni Ping (Sa presyo ng Sinovac)
“SINO’NG nagbigay ng maling info sa Department of Health (DOH)?” Ito ang tanong ni Senador Panfilo “Ping” Lacson matapos mabunyag ang mababang presyo ng bakunang Sinovac kada dose nito sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole na pinamumunuan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ukol sa road map plan ng pamahalaan sa bakuna laban sa CoVid-19. Ayon kay …
Read More »Minors 10-14 anyos stay at home pa rin
KINATIGAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala ng mga doktor na huwag munang pahintulutang makalabas ng bahay ang mga batang may edad 10 hanggang 14 anyos. Ang desisyon ng Pangulo ay taliwas sa naging rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on the Emerging Infectious Disease na payagan nang lumabas ang mga batang 10-14 anyos sa mga lugar na nasa ilalim …
Read More »Pera ng Juan, sulit sa Iskolar ng Bayan
NAPAPAKINABANGAN ng sambayanang Filipino ang mga resulta ng pagsasaliksik ng mga nagtapos sa University of the Philippines (UP) lalo sa pagtugon sa CoVid-19 pandemic taliwas sa akusasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kuta ang unibersidad sa pagrerekluta ng mga komunistang grupo. Sa paglulunsad ng Saliva CoVid-19 testing ng UP katulong ang Philippine Red Cross kahapon ay ipinagmalaki …
Read More »Bintang na PLM pugad ng NPA recruiter, insulto — PLM prexy
TINAWAG na insulto ng pangulo ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ang akusasyon ng militar na isa sa mga unibersidad na nagrerekrut ng mga estudyante para maging kasapi ng New People’s Army (NPA). Ayon kay PLM President Emmanuel Leyco, malaking insulto sa kanilang faculty, masisipag na staff, at magagaling na estudyante na inihahanda nila para maging lider ng bansa …
Read More »Sorry ng AFP hindi sapat — Colmenares
ni Gerry Baldo HINDI sapat na mag-sorry lamang ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga taong ‘binansagan’ nilang mga komunista. Ayon kay Bayan Muna Chair Neri Colmenares, ang nararapat ay itigil na ang “red-tagging.” “Ang ‘sorry’ ng AFP ay hindi sincere hanga’t hindi nila ihihinto ang red-tagging,” ayon kay Colmenares. Sa isang press briefing kahapon sa …
Read More »‘Quarantine hotels’ sa QC, bantay sarado
MAHIGPIT na pinababantayan at ipinamo-monitor ni Quezon City mayor Joy Belmonte ang mga hotel na ginagamit bilang quarantine facilities para sa Returning Filipino Workers (RFWs) o overseas Filipino workers (OFWs) mula sa mga bansang may mga kaso ng B.1.1.7 variant o ‘high levels’ ng CoVid-19 community transmission. Inutusan ni Belmonte ang Quezon City Police District (QCPD) na magtalaga ng mga …
Read More »Abandonang bahay sa QC nasunog 2 bombero sugatan
SUGATAN ang dala-wang bombero nang apulain ang apoy na tumupok sa isang abandonadong bahay sa Brgy. South Triangle, Quezon City, nitong Linggo ng umaga. Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), minor abrasion sa kaliwang kamay ang pinsala ni Fire Officer (FO) 2 Dariel Resonable, ng La Loma Fire Station habang ang fire volunteer na si James Pilapil, …
Read More »Epektibong bakuna ibibigay sa publiko (Go humingi ng pasensiya)
NANAWAGAN Si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, chairman ng Senate committee on health sa publiko na dagdagan pa ang pasensiya at pang-unawa para patunayan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang bisa ng Sinovac vaccine. Tiniyak ni Go, lahat ng bakunang papasok sa bansa ay daraan sa pag-aaral at pagsusuri. Inamin ni Go na palagian niyang pinaaalalahanan ang DFA at …
Read More »‘Mother tongue’ policy ng programang K to 12 muling suriin — Gatchalian
NAGHAIN si Senador Win Gatchalian ng isang resolusyon upang suriin ng Senado ang pagpapatupad ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) o “mother tongue” policy na mandato sa ilalim ng K to 12 Law (Republic Act 10533). Sa inihaing Senate Resolution No. 610 ni Gatchalian, nais ng senador na masuri kung epektibo nga ba ang paggamit sa MTB-MLE sa sistema ng …
Read More »Parlade ‘buminggo’ ulit sa 4 NCR universities
BUMINGGO na naman ang walang pakundangang pag-aakusa ni Southern Luzon Command (SolCom) chief at gov’t anti-communist mouthpiece Lt. Gen. Antonio Parlade, Jr., sa apat na unibersidad sa Metro Manila bilang “recruitment havens” ng mga grupong komunista. Sa inilabas na joint statement, tinuligsa ng Ateneo de Manila University, De La Salle University, University of Santo Tomas, at ng Far Eastern University …
Read More »‘Red-tagging’ ng AFP butata (Lorenzana nag-sorry)
ni ROSE NOVENARIO WALANG kapatawaran ang kahihiyang ginawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nang isama ang ilang nagtapos sa University of the Philippines (UP) sa listahan ng umano’y narekrut ng New People’s Army (NPA). Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagkamali ang AFP at tinawag ito na isang “unpardonable gaffe.” Tiniyak niya na hihingi ng paumanhin ang …
Read More »Nagpaputok ng baril sa convenience store 50-anyos lalaki arestado
DINAKIP ng mga awtoridad ang isang 50-anyos lalaki matapos magpaputok ng baril sa labas ng isang convenience store sa lungsod ng Butuan, lalawigan ng Agusan del Norte, nitong Miyerkoles, 20 Enero. Kinilala ni Police Regional Office 13 (CARAGA) director P/BGen. Romeo Caramat ang suspek na si Noel Salvador, 50 anyos, residente sa Purok 5, Silad, Bgy. Mahogany, sa naturang lungsod. …
Read More »