Saturday , June 14 2025
Ayungin Shoal DFA

PH host sa 3rd maritime dialogue

NAKATAKDANG mag-host ng ikatlong Maritime Dialogue sa susunod na taon ang Filipinas.

Pinaigting ng Filipinas at Australia ang ugnayan para resolbahin ang iba’t ibang maritime issues makaraang dumalo ang mga kinatawan mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa ikalawang Maritime Dialogue na ginawa sa Canberra, Australia.

Kabilang sa mga usaping tinalakay sa dialogo ang isyu ng pangisdaan, maritime domain awareness, marine environmental protection, defense, at maritime science.

Pinangunahan ni DFA Assistant Secretary for Maritime and Ocean Affairs, Maria Angela Ponce ang delegasyon ng Filipinas.

Tinalakay dito ang pagkapanalo ng Filipinas noong 2016 sa International Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands nang ipaglaban ang claim ng bansa sa West Philippine Sea.

Gagawin sa Filipinas bilang host country ang ikatlong Maritime Dialogue sa susunod na taon. (GINA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Arrest Shabu

Tulak arestado sa P6.8-M shabu

DINAKIP ang isang lalaking itinuturing na big time tulak matapos kumagat sa buybust ng mga …

061325 Hataw Frontpage

Impeachment trial vs VP Sara ongoing, alive & kicking — Risa

HATAW News Team HINDI ‘dead on arrival’ kundi nanatiling buhay, ongoing, alive and kicking ang …

Senate CHED

4 na higher education bills ni Cayetano, pasado na sa Final Reading sa Senado

INAPROBAHAN ng Senado sa 3rd and Final Reading nitong Lunes, 9 Hunyo ang apat na …

Gen Nicolas Torre III

Torre, tiniyak na ligtas Balik-Eskwela sa 16 HunyoTorreTorre, tiniyak na ligtas Balik-Eskwela sa 16 Hunyo

TINIYAK ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III na ligtas ang pagbabalik …

arrest, posas, fingerprints

NAIA employee timbog sa human trafficking

INARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babaeng empleyado ng …