Saturday , November 16 2024

Masonry Layout

1,710 kilo ng smuggled bangus nasamsam sa Pangasinan (Mula sa Bulacan)

NAKOMPISKA ang 1,710 kilo ng bangus na nagmula sa lalawigan ng Bulacan na ipinuslit sa lungsod ng Dagupan, lalawigan ng Pangasinan at sinubukang ikalat at ibenta sa mga pamilihan. Ipinuslit ang mga bangus sa Sitio Calamiong, Brgy. Bonuan Gueset, sa naturang lungsod upang hindi mahuli ng mga empleyado ng City Agriculture Office at market marshals. Nabatid na plano itong isakay …

Read More »

4 tulak, 3 tomador timbog (Lumabag sa curfew at health protocols)

ARESTADO ang apat na hinihinalang tulak at tatlong iba pang naaktohang umiinom ng alak sa oras ng curfew sa sunod-sunod na police operations ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang kahapon, 19 Abril. Ayon kay kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang apat na drug suspects sa ikinasang buy bust operation ng mga operatiba ng Station …

Read More »

2 rookie cops pinosasan ng mga kabaro sa target shooting

HINDI inakala ng dalawang bagitong pulis na ang ginawang target shooting ay magdudulot ng masamang pangitain sa kanilang buhay nang pagdadakmain at posasan ng mga kabaro sa Santor River, bayan ng Gabaldon, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado, 17 Abril. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon ang mga rookie cop na sina P/Cpl. Lawrence Natividad, nakadestino sa Manila …

Read More »

Sales lady pinagsasaksak ng holdaper

Stab saksak dead

MALALALIM na sugat at halos mabiyak ang katawan ng isang sales lady nang pagsasaksakin ng isang holdaper makaraang pumalag sa panghoholdap ng suspek sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Wala nag buhay nang idating sa Ospital ng Malabon (OsMa) ang biktimang  kinilalang si Maribeth Camilo-Goco, 47 anyos, residente sa Gen. Luna St., Brgy. Baritan, sanhi ng mga saksak sa iba’t ibang …

Read More »

Reimbursement ng PhilHealth sa private hospitals, aabonohan ng DBP

Philhealth bagman money

PABOR ang Palasyo na saklolohan ng Development Bank of the Philippines (DBP) ang PhilHealth sa pagbabayad ng reimbursement ng mga pribadong ospital upang makaagapay sa CoVid-19 pandemic. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi katanggap-tanggap na naaantala ang reimbursement sa mga pribadong pagamutan ng PhilHealth dahil ang pondong ito ang inaasa­han upang magpatuloy ang kanilang operasyon. “Talagang hindi katanggap-tanggap na …

Read More »

Serye-exclusive: Villamin, kumita sa SEC Advisory vs DV Boer Farm

ni ROSE NOVENARIO IMBES malungkot sa inilabas ng Securities and Exchange Commission (SEC) na advisory laban sa DV Boer Farm na nagbabala sa publiko na huwag tangkilikin ang ibinebentang stocks dahil wala itong secondary license, pinagkakitaan pa ito ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a Dexter Villamin. Nabatid, matapos lumabas ang SEC Advisory noong Abril 2019, natauhan ang investors ng DV Boer …

Read More »

Netizens umalma vs harassment ng PNP sa community pantry

ni ROSE NOVENARIO MAAARING makialam ang mga awtoridad sa community pantry kapag may mga paglabag sa minimum health protocols gaya ng social distancing, ayon sa Palasyo. “Depende po kung mayroong pangangai­langan dahil panahon po ng pandemya. Kung magiging dahilan naman po iyan ng pagkukumpol-kumpol, siyempre po iyong mga lokal na pamahalaan baka kina­kailangan manghimasok. Just to make sure na safe …

Read More »

7-taon nagtago, most wanted ng Nueva Ecija tiklo

INARESTO ng mga kagawad ng Lupao Municipal Police Station ang isang suspek na kabilang sa top most wanted ng Nueva Ecija, pitong taon nagtago sa batas nang dalawin niya ang kanyang pamilya nitong Sabado, 17 Abril, sa Brgy. Manicla, lungsod ng San Jose, sa nabanggit na lalawigan. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano de Leon, ayon sa ulat ni P/Col. …

Read More »

PRO3 nakiisa, namigay ng alay sa mga kapatid na Muslim (Sa pagdiriwang ng Ramadan)

NAMAHAGI ng Ramadhan Sadaqah ang mga kawani ng Angeles City Police Office sa pamumuno ni P/Col. Rommel Batangan, sa ilalim ng superbisyon ni PRO3 P/BGen. Valeriano de Leon, nitong Sabado, 17 Abril, bilang pakikiisa sa mga kapatid na Muslim sa kanilang pagdiriwang ng Ramadan, sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga. Sa pagtitipong gina­nap, ipinatupad ang minimum standard ng safety …

Read More »

Saklaan sinalakay 12 sugarol dinakma

HINDI na nakapalag ang mga itinurong ‘sugarol’ nang arestohin ng nakapaligid na mga kagawad ng Mabalacat City Police Station habang abala sa pagsusugal sa ikinasang raid nitong Huwebes, 15 Abril, sa isang Saklaan sa 63 St., Mawaque Resettlement Center, Sapang Biabas, sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga. Kinilala ni P/Col. Rossel Cejas, hepe ng Mabalacat City PNP, ang mga …

Read More »

Matataas na kalibreng baril, granada buko sa raid (Sa Zambales)

NATAGPUAN ang matataas na kalibre ng mga baril at granada sa mga bahay ng dalawang suspek na hindi nadatnan sa ginawang pagsalakay ng pinagsamang puwersa ng CIDG CFU Olongapo, CIDG PFU Zambales, 301st MARPSTA, PIU, PDEU, 1st at 2nd PMFC, PDEG, SWAT, ZPO, HPG, PDEA at Subic Municipal Police Station sa bisa ng search warrants nitong Huwebes, 15 Abril, sa Subic, lalawigan ng …

Read More »

4 miyembro ng sindikato timbog sa entrapment (Pekeng yosi ikinalat sa Bulacan)

NAARESTO ang apat na hinihinalang miyem­bro ng grupong nasa likod ng pagpapakalat ng mga pekeng sigarilyo sa magkahiwalay na entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng Doña Remedios Trinidad (DRT) Municipal Police Station (MPS) at Bulacan Provincial Intelligence (BPIU) sa Bgry. Camachile, sa bayan ng Doña Remedios Trinidad, sa lalawigan ng Bulacan, at sa Brgy. Poblacion, sa bayan ng San …

Read More »

Tulong at suporta ng USAID at DOH pinasalamatan

TAOS-PUSONG pina­salamatan ng pamaha­laang lungsod ng Caloocan ang United States Agency For International Development (USAID) at Department of Health (DOH) para sa tulong at suporta na natatanggap ng lungsod kaugnay ng patuloy na laban sa pandemya. Sa programang isi­naga­wa sa Buena Park, Caloocan, inianunsiyo ng USAID sa pangunguna ni Chargé d’Affaires John C. Law kasama si USAID Philippines Mission Director …

Read More »

Gamot sa CoVid-19 libre sa Maynila

LIBRENG iniaalok ng pamahalaang lungsod ng Maynila, bilang bahagi ng kampanya kontra pandemyang dulot ng CoVid-19, ang dalawang gamot na mahirap hanapin at napakamahal na maaaring makapagbigay lunas sa mga pasyenteng nahawa o naimpeksiyon ng nasbaing virus. Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, lokal na pamahalaan ay mayroong Remdesivir gayondin ang gamot na Tocilizumab (Actemra 80mg) na maaaring makatulong …

Read More »

Dalawang 3-anyos paslit patay sa sunog sa Caloocan

fire dead

DALAWANG batang edad 3-anyos ang namatay sa sumiklab na sunog sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Patay nang idating sa Caloocan City Medical Center sanhi ng mga paso sa katawan ang biktimang si Kendal Janda, 3 anyos, babae; habang hindi rin umabot nang buhay sa Tondo Hospital sanhi ng suffocation si Mikho Cabansag, 3 anyos. Ayon kay Caloocan Fire Arson …

Read More »

2 kelot timbog sa damo

marijuana

MAHIGIT kalahating kilo ng marijuana ang nasabat ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Las Piñas City Police sa dalawang lalaki kahapon. Nadakip ang dala­wang lalaki sa ikinasang buy bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Pulang Lupa Dos, Las Piñas City. Sa ulat kay P/BGen. Eliseo Cruz, director ng Southern Police District (SPD), ng Las Piñas …

Read More »

Inflation rate ng NEDA mintis sa mataas na presyo ng bilihin

money Price Hike

KINUWESTIYON ni Senador Imee Marcos ang hindi pagkakatug­ma ng mataas na presyo ng pagkain sa mga palengke sa iniulat na pagbaba ng inflation rate sa bansa. Sinabi ni Marcos, pinuno ng Senate committee on economic affairs, dapat tapyas na ang mga presyo ng pagkain dahil malaki ang epekto nito sa pagkalkula ng inflation rate na sinasabing bumaba sa 4.5%. “Totoo …

Read More »

Kumalam na sikmura nagsariling kayod sa community pantry (Zero hunger program ‘nanggutom’)

ni ROSE NOVENARIO LALONG nagutom ang mamama­yang Filipino sa ilalim ng Zero Hunger Task Force na pina­mu­munuan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, dahil imbes magsagawa ng konkretong programa, idinaan niya sa pag-indayog sa social networking platform TikTok (https://vt.tiktok.com/ZSJk1pXdN/) ang paglutas sa kagutuman dulot ng kahirapan sa bansa. Si Nograles, itinalagang chairman ng Inter-Agency Task Force on Hunger na itinatag alinsunod …

Read More »

Bulacan COP, et al ‘nagsinungaling’ (Swak sa kasong administratibo)

SASAMPAHAN ng kasong administratibo sa IAS Camp Crame ang hepe ng San Ildefonso Police Station at mga tauhan nito dahil sa pagsisinungaling at pinalabas sa media at sa police report na kasapi ng “Basag Kotse Gang” ang isang pulis-Maynila ngunit ito’y taliwas sa katotoha­nan. Pinalabas umano ng hepe ng San Ildefonso police na nagkaroon ng habulan dahil tumakbo patungong San …

Read More »

Pangulong Rodrigo Duterte, suportado si DA Secretary Dar

AYON mismo kay Agriculture Secretary William Dar,  ang pagkakasangkot niya sa sinasabing bilyong pisong ‘tongpats’ na makukuha sa bumuhos na imported pork products at pagpapababa sa taripa nito gamit ang African swine fever. “As regards to the alleged ‘tongpats’ of about P5 to P7 per kilo of imported pork, the present DA leadership categorically denies any involvement if such scheme …

Read More »

Pandemya magtatagal pa, buhay tsambahan lang — Duterte

MULING nagpakita ng ‘pagkahapo’ si Pangulong Rodrigo Duterte bilang pinuno ng bansa sa panahon ng CoVid-19 pandemic. Inamin ng Pangulo na walang sapat na supply ng bakuna sa buong mundo kaya magtatagal pa ang narara­nasang pan­demya at marami ang magbubuwis ng buhay. “Now, ngayon hintay tayo nang hintay. Itong vaccine na itong pinag-usapan natin ganito, wala sana ito kung mayroong …

Read More »

Aktor nauwi sa P1K ang P10K na hinihingi kay showbiz gay

NAGMAMAKAAWA raw ang isang dating male star sa showbiz gay dahil wala na raw silang kakainin ng kanyang pamilya. Kailangan daw niya kahit pambili lang ng isang kabang bigas at groceries, at humihingi siya ng P10K. Hindi kumagat ang showbiz gay dahil ano nga ba ang makukuha niya kapalit ng 10K? Bukod doon, noong sinundang gabi ay nakita niyang kumakanta pa ang dating male star habang nakikipag-inuman. …

Read More »

Serye-exclusive: Ibinentang stock certificates ng DV Boer, bogus

ni ROSE NOVENARIO KUNG ginawa ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang kanilang trabaho nang maayos, posible kayang nahadlangan ang Ponzi-scheme agribusiness ng DV Boer Farm Inc., ni Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin? Tanong ito ng mga nalinlang na investors ng DV Boer na hanggang ngayo’y umaasa pa rin na aaksiyonan ng SEC ang kanilang mga reklamo laban sa …

Read More »

Duterte, DOH manhid sa miserableng lagay ng health workers

ni ROSE NOVENARIO MANHID si Pangulong Rodrigo Duterte at ang Department of Health (DOH) sa miserableng sitwasyon ng medical frontliners na pangunahing lumalaban sa CoVid-19 pandemic. Kahapon tila ginigising ng health workers si Pangulong Duterte at ang DOH nang kalampagin ang mga kaldero at hinipan ang mga torotot, saka sabay-sabay na nagdaos ng noise barrage bilang protesta ng mga mangga­gawang …

Read More »