Thursday , June 4 2026
Nueva Ecija PPO, PNP PRO3, Prison

No. 1  most wanted rapist ng Nueva Ecija, nasakote

ARESTADO sa inilatag na Manhunt Charlie Operation ng mga awtoridad ang nakatalang Rank no. 1 Most Wanted Person para sa kasong  Statutory Rape sa bayan ng Talavera, lalawigan ng Nueva Ecija nitong Martes ng umaga, 20 Setyembre.

Sa ulat mula kay P/Col. Richard Caballero, OIC ng Nueva Ecija PPO, dakong 9:40 ng umaga kahapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Talavera MPS sa pamumuno ni P/Lt. Col. Ranny Casilla ng Manhunt Charlie operation sa Brgy. Baluga, sa nabanggit na bayan.

Nadakip sa operasyon ang suspek na kinilalang si Geremias Grospe, 39 anyos, residente ng naturang barangay at nakatala bilang No. 1 Most Wanted Person sa bayan ng Talavera.

Inaresto si Grospe sa bisa ng warrant of arrest para sa dalawang bilang ng kasong Statutory Rape na walang itinakdang piyansa.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Talavera MPS ang suspek para sa nararapat na disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …