Friday , December 1 2023
Andrea del Rosario at Kych Minemoto Gold Aceron

Feeling virgin sa lovescenes
ANDREA MULING SASABAK SA PAGPAPA-SEXY

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PATOK at malakas ang dating ng trailer ng May December January movie ng Viva Films na nagtatampok kina Andrea del Rosario at Kych Minemoto kaya naman imbes na sa Vivamax ito mapapanood, sa mga sinehan na. Ang bilis kasing tumaas ng views nito simula nang i-post online ang trailer. 

Ito ang ibinalita ni Direk Mac Alejandre sa naganap na digital mediacon ng pelikula kamakailan. Kaya naman ganoon na lamang ang kasiyahan ng direktor na ang unang sinabi sa kanya at ang pagkakaalam niya ay sa Vivamax lamang ipalalabas.

Kaya tuwang-tuwa si Direk Mac nang malamang sa sinehan ipalalabas ang May December January. “Ang pagkakaalam namin dati, sa Vivamax ipalalabas. 

“Nagkaroon ng positive reaction sa trailer, napanood ng mga taga-Viva, and then I got a call from them telling me na cinema release na ang pelikula that made me extremely happy,” anang direktor.

Hindi naman nagdalawang-isip si Andrea sa pagtanggap ng proyektong ito lalo’t mapapasabak siya sa pagpapaseksi at paghuhubad.

Ani Andrea, feeling virgin siya dahil bata nga ang kanyang makakapareha at first time niyang makagagawa ng ganitong tema ng pelikula. 

“Alam ni Direk ‘yan kasi it’s been a while but, kumbaga, ibinigay ko na lang talaga ‘yung tiwala kay Direk because baka hindi ko nga magawa. So, I’m happy naman that I did.”

Ani Andrea tinanggap niya agad ang project dahil bukod kay Direk Mac, napakaganda  ng kuwento na isinulat ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee.

“I always say that this is once in a lifetime opportunity. I don’t know if I’d be able to be offered a project like this ever again.

“I’m very, very grateful. I’ve been in the business for almost 30 years. I’ve never been offered ng ganitong kalaking project until Boss Vic del Rosario called me. Direk Mac was also there with Sir Ricky Lee.

“Alam naman natin na may golden touch si Boss Vic na hanggang ngayon, tinatawag pa rin akong Lupe,” ani Andrea na ang Lupe ang launching movie niya noong 2003.

And when he called me for this movie, I just had to say yes. There’s no other option. I’m just grateful that I’m in a project like this,” aniya pa.

Sa kabilang banda, iginiit ni Direk Mac na si Andrea ang first choice niya sa pelikulang ito. “Si Andrea ang unang na-cast. She was the only choice to play the mother. Kasi ang requirement, hindi lang ‘yung what we term as hot mama.

“Mas mabigat sa akin ‘yung requirement na kailangan mahusay umarte kasi napakahirap ng role. And si Andrea was the only choice na gumanap bilang central female lead,” paglilinaw ni Direk Mac.

Makakasama rin sa May December January si Gold Aceron, ang gaganap na anak ni Andrea. Mapapanood na ito sa October 12 sa mga sinehan nationwide.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lolit Solis Andrea Brillantes

Lolit Solis kay Andrea: pinaka-promising youngstar ngayon kaya crush ng bayan

MA at PAni Rommel Placente NAAAWA ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis kay Andrea Brillantes dahil sa …

Andrea Brillantes ine-enjoy ang walang ka-loveteam

Andrea kaliwa’t kanan ang endorsements kahit nega

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoo ang nasagap namin, this 2024 daw ilalabas ang mga …

GomBurZa

Mga bida sa historical film hahangaan ang tikas magsalita ng Spanish at Latin 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SERYOSO naman ang atake ni direk Pepe Diokno sa GomBurZa, ang natatanging historical entry …

Lito Lapid

Action movies ni Sen Lito Lapid mapapanood na sa Netflix

PUSH NA’YANni Ambet Nabus DAPAT pala ay nagkasama sa movie sina Sen. Lito Lapid at Jackie Chan. Pero …

Mamasapano Now It Can Be Told

Pelikula ukol sa SAF 44 nasa Netflix na

I-FLEXni Jun Nardo MAPAPANOOD na sa Netflix ang Borracho Films movie na Mamasapano (Now It Can Be Told). …