Tuesday , December 24 2024

Masonry Layout

Yohan Castro flattered na natipuhan ni Ate Gay

Yohan Castro Ate Gay

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga MASAYANG-MASAYA ang nagbabalik-showbiz na si Yohan Castro dahil muli siyang nakapag-perform sa harap ng live audience sa Music Box bilang isa sa guest singers sa COVID Out, Ate Gay In concert na inorganisa ng The Entertainment & Arts Media (TEAM) kamakailan. Muling nabuhay ang mga entertainment venues at comedy bars tulad ng Music Box sa pagluluwag ng restrictions kahit pandemya pa rin. “I’m overwhelmed …

Read More »

Consumer group nanawagan sa NGCP supply ng koryente tiyakin

NGCP

NANAWAGAN ang isang pro-consumer, non-government organization (NGO) group sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na gawin ang kanilang bahagi upang maiwasan ang pagkawala ng supply ng koryente sa Luzon. Sa isang opinion piece, sinabi ng Kuryente.org ang posibilidad na maaaring mawalan ng koryente sa araw ng halalan sa 9 Mayo kung hindi aaksiyon ang NGCP. “Hindi namin maaaring …

Read More »

Jodi Sta. Maria nagbahay-bahay para kina Robredo, Kiko at Diokno

Jodi Sta Maria Leni Robredo Kiko Pangilinan Chel Diokno

SA PANIWALANG hindi ito ang panahon upang manahimik, nagpasya ang aktres na si Jodi Sta. Maria na lumabas at magbahay-bahay para sa tatlong kandidato na pinaniniwalaan niya. Kasama ang iba pang volunteers, nag-ikot si Sta. Maria sa Barangay Tumana sa Marikina City para ikampanya sina Vice President Leni Robredo, Senador Kiko Pangilinan at human rights lawyer Chel Diokno, na tumatakbo …

Read More »

‘KakampINC’ nag-trending, mga miyembro ng INC iboboto Leni-Kiko pa rin

#kakampINC kakampINC for L

NAG-TRENDING ang hashtag #KakampINC matapos magpahayag ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) ng suporta sa tambalan nina Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan. Nangyari ito matapos iendoso ng INC, kilala sa kanilang bloc voting, sina Ferdinand Marcos, Jr., at Sara Duterte bilang pambato sa pagkapangulo at bise presidente sa darating na halalan sa Lunes, 9 Mayo. …

Read More »

Transport workers, commuters maghahatid sa Leni-Kiko tandem sa Malacañang

Leni Robredo Kiko Pangilinan

NAIS ng mahigit 30 grupo ng commuters at transport workers na ihatid sina Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan sa Malacañang. Kabilang rito ang commuters pati ang mga nagmamaneho ng pampublikong sasakyan gaya ng jeepney, tricycle, bus, at iba pang manggagawa sa sektor ng transportasyon. Sa isang pahayag, sinabi nilang ang tambalang Leni-Kiko ang magbibigay sa mga Filipino …

Read More »

Ex-PBA superstars ‘manok’ si Robredo bilang pangulo

Yeng Guiao Olsen Racela Leni Robredo Johnny Abarrientos Jojo Lastimosa

PINILI ng apat na dating Philippine Basketball Association (PBA) superstars si Vice President Leni Robredo bilang manok nila sa pagkapangulo ng bansa sa darating na halalan sa 9 Mayo. Sa isang video kasama ang beteranong PBA coach na si Yeng Guiao, nagdeklara ng buong suporta kay Robredo sina Jojo Lastimosa, Olsen Racela, at Johnny Abarrientos. Una nang nagdeklara ng suporta …

Read More »

Dahil sa mental health condition
BINAY ‘DI KALIPIKADO MAGING SENADOR

050522 Hataw Frontpage

HINILING kahapon ni dating Overseas Workers  Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Mocha Uson sa Commission on Elections (Comelec) na tingnan ang mental capability ni dating vice president Jejomar Binay na sinasabing nakararanas na ng dementia o memory disorder. Sa isang pahinang manifestation na inihain kahapon ni Uson sa Comelec, iginiit na wala siyang kahit anong galit kay Binay ngunit karapatan …

Read More »

Sa pagkiling sa pasista
LOREN ISINUKA NG ANAK

050522 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO ISINUKA ng kanyang sariling anak si senatorial bet Loren Legarda dahil nanghilakbot sa pagsanib ng ina sa ticket ng UniTeam nina presidential candidate Ferdinand Marcos, Jr., at vice presidential bet Sara Duterte. Sa isang open letter ni Lorenzo Legarda Leviste na inilathala sa Rappler, tinawag niyang kasuklam-suklam, kahangalan, at walang pakundangan ang pagsali ng kanyang ina sa …

Read More »

Outreach Mission sa Sofia, Bulgaria natapos ng PH Embassy

MATAGUMPAY na naisagawa ng Philippine Embassy sa Budapest ang consular outreach mission sa Sofia, Bulgaria. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang consular team ay binubuo nina Consul Ria E. Gorospe at Attachés Iluminada Manalo at Claro Cabuniag. Kabilang sa mga serbisyo ng consular mission ang passporting, notaryo, paghahain ng civil registration reports, at application para sa NBI clearance. …

Read More »

Susunod kami sa utos — Atong Ang

Atong Ang e-sabong pitmaster

“NAGSALITA na ang pangulo (Rodrigo Duterte), kaya susunod kami sa utos niya.” Ito ang pahayag ni Charlie “Atong” Ang, ang pangulo ng Pitmaster Live na isa sa mga kompanya na may palarong e-sabong. Dagdag ni Ang, “gagamitin namin ang panahon na ito para ayusin ang mga isyu hinggil sa sinasabi ng pangulo na mga problema sa e-sabong.” Nauna nang ipinatigil …

Read More »

Health insurance policy para sa estudyante suportado ni Eleazar

Guillermo Eleazar

NAGHAYAG ng suporta si senatorial candidate Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar para sa panukalang bumuo ng health insurance policy para sa mga estudyante. Ayon kay Eleazar, malaki ang maitutulong ng panukala upang matiyak ang kalusugan ng mga estudyante lalo ngayong hindi pa tapos ang pandemya. “Suportado ko ang pagbibigay ng health insurance sa mga estudyante lalo sa panahon ng pandemya o …

Read More »

‘Talpakan’ tinuldukan ni Duterte

050422 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO TINULDUKAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng e-sabong o mas kilala bilang talpakan simula kahapon dahil sa masamang epekto sa mga Filipino. Ang desisyon ni Duterte ay ibinatay sa rekomendasyon ng Department of Interior and Local Government (DILG). Sa kanyang Talk to the People kamakalawa ng gabi, inilahad ni Duterte na inutusan niya si DILG Secretary …

Read More »

3 bata, 2 senior citizens, 5 pa  
10 KATAO PATAY, INULING NG SUNOG

050322 Hataw Frontpage

HINDI na nakilala dahil sa labis na pagkasunog at nagmistulang uling ang 8 biktima ng sunog na namatay sa UP Campus, Diliman, Quezon City kahapon ng umaga; habang ang magkapatid na biktima din ng sunog sa Catarman, kapwa namatay rin, isang 10-anyos batang lalaki, at 18-anyos dalaga ay nakulong sa kanilang kuwarto, sa Catarman Northern, kahapon ng madaling araw. Patayang …

Read More »

Sa panahon ng eleksiyon 
ISKO et al SINAMPAHAN NG KASONG GRAFT  SA OMBUDSMAN
Divisoria vendors umalma

ombudsman

PORMAL nang naghain ng reklamo ang Divisoria vendors laban sa ilang opisyal ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa tanggapan ng Ombudsman sa paglabag sa Republic Act No. 3019, kilala bilang Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Kinakatawan nina Emmanuel Plaza, Eduardo Fabrigas, Rogelio Bongot, Jr., Betty De Leon, at Lourdes Estudillo, mga opisyal ng Divisoria Public Market Credit Cooperative, ang pagrereklamo …

Read More »

24.7K barangays drug-cleared na — PDEA

Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

SIMULA nang ideklara ang gera laban sa droga ng administrasyong Duterte, mayroon ng 24,000 barangay sa buong bansa ang nalinis o naideklara nang cleared mula sa ilegal na droga. Base sa pinakahuling real numbers data na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Sabado, hanggang nitong Marso 2022, nasa 24,766 mula sa kabuuang 42,045 barangays ang naideklara nang drug-cleared …

Read More »

3-araw local absentee voting matagumpay — NCRPO

NCRPO absentee voting election vote

NAGING matagumpay ang 3-araw local absentee voting sa National Capital Region Police Office (NCRPO)at ng National Support Units mula 27-29 Abril 2022, ayon kay NCRPO chief, P/MGen. Felipe Natividad. Sa unang dalawang araw, may  kabuuang 1,984 men in blue ang bumoto, 137 ay mula sa Regional Headquarters (RHQ), 110 mula sa Northern Police District (NPD) , 142 mula sa Eastern …

Read More »

QC voters: Defensor at Crisologo dapat sumunod na kay Marcoleta

Onyx Crisologo Mike Defensor Rodante Marcoleta

PINAGRERESIGN na rin ng mga botante ng Quezon City si Anakalusugan Partylist Representative Mike Defensor at First District Representative Onyx Crisologo sa kanilang paghahangad na tumakbo bilang Mayor at Congressman ng lungsod at gayahin na lang ang ginawa ni SAGIP Partyist Representative Rodante Marcoleta na umatras na sa kanyang pagtakbo bilang senador. “Tulad ni Marcoleta, hindi rin maganda ang kanilang …

Read More »

Senator Alan Peter Cayetano sa training center ng Angkas ride-hailing app

Alan Peter Cayetano Angkas

INIKOT ni Senator Alan Cayetano ang training center ng Angkas sa Cainta at ipinaliwanag na mas okey kapag member ng ride-hailing app kaysa habal ang bawat indibidwal.Aniya, “Maraming benepisyo lalo sa seguridad ng rider at pasahero.“There is strength in number. Nagiging platform din para i-voice out ang concerns nila. Mas nakararating sa gobyerno kapag grupo ang lobbying. (EJ DREW)

Read More »

Susunod na presidente bahala na
OIL PRICE HIKE GUSTONG TAKASAN NI DUTERTE

050222 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO GUSTO nang takasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis at produktong petrolyo at ipaubaya ang problema sa susunod na presidente ng Filipinas. An1g hindi makontrol na oil price hike ay dulot aniya ng sigalot ng Russia at Ukraine na ang epekto’y tiyak na iindahin ng susunod na aministrasyon. “I think …

Read More »

Acts of lasciviousness, grave threat isinampa ng masahista vs Batangas vice mayor

rape

NAGHAIN ng pormal na reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang isang masahista laban kay Mataas na Kahoy, Batangas Vice-Mayor Jay Manalo dahil sa kahalayang ginawa nito habang nagpapamasahe sa loob ng kanilang bahay sa nasabing bayan. Sa tulong ng Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), ang biktimang itinago sa pangalang Marites (di-tunay …

Read More »

Chel Diokno binansagang ‘pambansang chicken’ kandidatong ayaw sumipot sa debate

Chel Diokno

TINAWAG ni senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno na ‘pambansang chicken’ ang isang kandidato na ayaw sumipot sa mga debate. Hindi man nagbanggit ng pangalan, tanging si Ferdinand Marcos, Jr., lang ang tanging kandidato sa pagkapangulo ang hindi humaharap sa debate. Tumanggi si Marcos sa imbitasyon na one-on-one debate ni Vice President at kapwa presidential aspirant Leni Robredo. …

Read More »