VIVA Films Eddys

Viva Films 3 beses nang ginawaran ng Producer of the Year ng 6th The EDDYS

I-FLEX
ni Jun Nardo

IKATLONG beses nang nahirang na Producer of the Year ang Viva Films ng The EDDYS o ng Entertainment Editors Choice November  26.

Of course, patunay ito ng commitment ng Viva Films na magbigay ng content sa iba’t ibang platform para bigyan ng entertainment ang publiko sa bansa.

Ang Viva Films ngayon ang most prolific film producer na nagpabalik ng mga tao sa sinehan nang ipalabas nila ang box office movie nilang Maid In Malacanang at iba pa.

Maging ang streaming app nilang Vivamax ay mahigit 7 million na ang subscribers.

Bukod sa paggawa ng films at contents,  abala rin ang Viva Communications sa paghahatid ng live concerts, record production, film distribution, at artist management.

Congratulations, Viva Communications at sa lahat ng nasa likod ng tagumpay nila!