Sunday , November 17 2024

Masonry Layout

7, 684 magsasaka sa Bulacan tatanggap ng tig-5k financial assistance

7, 684 magsasaka sa Bulacan tatanggap ng tig-5k financial assistance

UPANG punan ang kawalan sa kita ng mga magsasaka ng palay dahil sa pagbaba ng presyo nito, pagtaas ng presyo ng fertilizer at iba pang inputs, magbibigay ang Department of Agriculture sa pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa 7,684 magsasakang Bulakenyo ng P5,000 Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) simula 12 hanggang 16 Setyembre 16. Karagdagan ito sa 19,588 benepisyaryo …

Read More »

Becoming Ice personal kay Ice Seguerra

Ice Seguerra

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio WALANG Ice Seguerra kung walang Eat Bulaga at Okay Ka, Fairy Ko. Ito ang ipinaliwanag ng singer-songwriter at OPM icon dahil ito ang nagsalba sa kanya noong mabawasan ang mga raket niya Sa pakikipaghuntahan namin kina Ice at dating FDCP (Film Development Council of the Philippines) Chair Liza Dino nang magpa-dinner sila sa SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors, Inc), para sa Becoming Ice: The 35th Anniversary …

Read More »

UFFC: PROTEKSIYON NG ERC UNA DAPAT SA CONSUMERS

DAPAT protektahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga consumer laban sa banta ng pagtataas sa singil ng koryente. Binigyang diin ni United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) president Rodolfo Javellana, Jr., na hindi dapat matakot ang ERC na desisyonan ang apela ng South Premier Power Corporation (SPPC) at San Miguel Electric Company (SMEC) na makawala sa Power Supply Agreement …

Read More »

Pedicab driver arestado sa sumpak

arrest posas

HIMAS-REHAS ang isang pedicab driver matapos maaktohan ng mga pulis na may bitbit na isang sumpak habang gumagala sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon City police chief, Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Rolly Tolentino, 26 anyos, residente sa Sitio 6, Brgy. Catmon. Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Diego …

Read More »

Pot session sa Vale
10 ADIK SA SHABU HULI

drugs pot session arrest

SAMPUNG hinihinalang drug personalities ang inaresto kabilang ang isang babae nang maaktohang gumagamit ng ilegal na droga sa magkakahiwalay na drug operations ng pulisya sa Valenzuela City. Batay sa  isinumiteng ulat ni P/Cpl. Glenn De Chavez kay Valenzuela City police chief, Col. Salvador Destura, Jr., nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni …

Read More »

Bawas presyo sa produktong petrolyo inabiso ng oil companies

oil gas price

NAG-ABISO ang mga kompanya ng langis sa pagbaba ng presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ngayong Martes. Pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz, at Phoenix Petroleum na magpapatupad sila ng bawas presyo na P0.45 kada litro ng gasolina, P1.45 kada litro ng diesel at P1.70 kada litro ng kerosene epektibo 6:00 am …

Read More »

84 PDLs sa Bilibid nagtapos ng pag-aaral

nbp bilibid

MATAGUMPAY na naisagawa ng Bureau of the Corrections (BuCor) sa pakikipag- ugnayan sa University of Perpetual Help Dalta ang 33rd  Commencement Exercise ng mga person deprived of liberty (PDL) sa Medium Security Compound, New Bilibid Prison Reservation, sa lungsod ng Muntinlupa . Ang nasabing pagtatapos ay binubuo ng 84 PDL, ang 21 ay nagtapos sa kursong Bachelor of Science in …

Read More »

Math, science high schools sa lahat ng probinsiya isinusulong ni Gatchalian

Win Gatchalian ARAL

MULING inihain ni Senador Win Gatchalian ang kanyang panukalang magtatag ng math at science high schools sa lahat ng probinsiya sa bansa, bagay na sumasang-ayon sa direktiba ng administrasyon na patatagin at bigyan ng prayoridad ang Science, Technology, Engineering, at Mathematics (STEM) sa basic education. Sa ilalim ng Senate Bill No. 476 o ang Equitable Access to Math and Science …

Read More »

Senado iimbestigahan talamak na kidnapping, krimen sa bansa

Senate Philippines

NAKATAKDANG magsimula ang imbestigasyon ng senado ukol sa lubhang nakaaalarmang kidnapping at ilang mga krimen sa bansa. Ito ay matapos kompirmahin ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, chairman ng Senate Committee on Public Order na itinakda niya ang pagdinig sa darating na Huwebes, 15 Setyembre, upang pagpaliwanagin ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ukol sa kanilang datos sa mga …

Read More »

500 gramo ng damo buko sa ukay-ukay

marijuana

NABUKO ng mga awtoridad ang 500 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana o ‘damo’ na itinago ng 19-anyos binata sa ukay-ukay na ipapadala sa pamamagitan ng isang delivery service sa Quezon City, Lunes ng umaga. Ang suspek ay kinilalang si Clachy John Balansag De Quiroz, 19, binata, at naninirahan sa Unit 3B 123-A N. Domingo, Balong Bato, San Juan City. …

Read More »

Gustong magbenta kahit walang puhunan
KELOT KALABOSO SA ‘CHOCOLATES’ 

chocolate Toblerone Cadbury

SA KULUNGAN bumagsak ang pangarap ng isang lalaking gustong magbenta ng ‘chocolates’ kahit wala siyang puhunan nang mahuli sa pang-uumit sa isang convenience store sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Nahaharap sa kasong Theft ang suspek na kinilalang si Ronnel Torremonia, 31 anyos, residente sa Dulong Bronze St., Brgy. Tugatog. Batay sa ulat ni P/Cpl. Renz Marlon Baniqued kay Malabon …

Read More »

Sanggol sinakal, isinilid sa maleta, ipinaanod sa ilog

dead baby

INIIMBESTIGAHAN ng mga awtoridad kung pinatay sa sakal ng sariling ina ang bagong panganak na sanggol saka isinilid sa maleta at ipinaanod sa ilog sa Quezon City, noong Sabado ng umaga.                Nakakabit pa ang umbilical cord ng 1-day old sanggol na babae, 53 inches ang haba, may bigat na 1.250 kilogram.                Sa report ng Criminal Investigation and Detection …

Read More »

Rank No. 5 MWP nasakote sa Laguna

Rank No. 5 MWP nasakote sa Laguna

ARESTADO ang No. 5 most wanted sa provincial level sa ikinasang manhunt operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Calamba, lalawigan ng Laguna, nitong Linggo, 11 Setyembre. Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, OIC ng Laguna PPO, ang akusadong si Dennis Olivarez, 34 anyos, fish vendor, at nakatira sa Brgy. Sampiruhan, sa nabanggit na lungsod. Sa ulat ng Calamba CPS, …

Read More »

Menor de edad, 6 pa sugatan
RESTOBAR SA COTABATO PINASABUGAN

explode grenade

SUGATAN ang pito katao kabilang ang isang menor de edad nang pasabugan ng granada ang loob ng isang kainan sa lungsod ng Cotabato, lalawigan ng Maguindanao nitong Linggo ng gabi, 11 Setyembre. Ayon kay P/Capt. Kenneth Rosales, kumakain ang mga biktima sa “Park and Dine Restobar” pasado 9:00 pm kamakalawa nang maganap ang pagsabog. Aniya, patuloy ang kanilang imbestigasyon upang …

Read More »

PH Embassy nagbabala
INGAT VS HUMAN TRAFFICKING NG MGA PINOY SA CAMBODIA

PH Embassy Phnom Penh Cambodia

NAGBABALA sa mga Filipino ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Embassy sa Cambodia na huwag tumanggap ng mga alok na online jobs na umano’y may malaking sahod. Ang nasabing alok na trabaho sa online ay hindi pa nabeberipika ang kompanya at hindi malinaw ang mga detalye ng trabaho. Pinamamadali ng PH Embassy sa Phnom Penh, sa pakikipag-ugnayan sa …

Read More »

Boluntaryo ‘di na kompulsoryo
PINOYS ‘MALAYA’ NA VS FACE MASK

091322 Hataw Frontpage

BOLUNTARYO na ang pagsusuot ng face mask sa mga pampubliko, hindi siksikan at may “good ventilations” na mga lugar, ayon sa Malacañang. Alinsunod sa Executive Order 3, inaprobahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na alisin ang mandatory face mask requirement na ipinatupad ng pamahalaan nang magsimula …

Read More »

10 ‘pasaway’ sa Bulacan pinagdadakma

MIcka Bautista photo

SUNOD-SUNOD na inaresto ang 10 katao na pawang may mga paglabag sa batas sa operasyong isinagawa sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Bulacan mula Linggo hanggang nitong Lunes ng umaga, 12 Setyembre. Kinilala ni P/Col. Relly Arnedo, OIC ng Bulacan PPO ang mga suspek na sina Jayson Garcia, alyas Ison, para sa kasong Lascivious Conduct, at Anthony Corporal, alyas …

Read More »

Baha sa 2 bayan ng Bulacan dekada nang ‘di humuhupa

Baha Calumpit Hagonoy Bulacan

HINDI humuhupa, sa loob ng isang dekada, ang baha sa ilang komunidad sa mga barangay na nasasakupan ng mga bayan ng Calumpit at Hagonoy, sa lalawigan ng Bulacan. Ilang bahagi ng komunidad ang mistula nang ‘ghost town’ dahil maraming mga bahay ang inabandona ng mga residente, habang ang iba ay piniling tiisin ang paninirahan sa ganitong sitwasyon dahil walang ibang …

Read More »

Hari at Reyna ng Singkaban 2022, sinolo ng Bocaue

Singkaban 2022 Bocaue Bulacan

SINOLO ng bayan ng Bocaue, sa lalawigan ng Bulacan ang mga titulo bilang Hari at Reyna ng Singkaban sa taong ito sa katauhan nina Jordan Jose San Juan at Zeinah Al-Saaby sa ginanap na Grand Coronation Night sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos, nitong Sabado, 10 Setyembre. Bukod sa titulo, iuuwi rin ng Hari ng Singkaban 2022 ang …

Read More »

 ‘Tag,’ ‘alarma’ sa nahuling sasakyan tanggalin — MMDA

MMDA, NCR, Metro Manila

HINILING ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Land Transportation Office (LTO) ang pag-aalis ng ‘tag’ at ‘alarm’ ng mga sasakyang lumabag sa polisiya ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) kasunod ng ipinalabas na temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema na nagsuspende sa nasabing polisiya.  Sa liham sa Stradcom Corporation, ang service provider ng LTO, sinabi ni  MMDA Acting …

Read More »

Carnapper tiklo sa boga

Arrest Posas Handcuff

KALABOSO ang isang hinihinalang miyembro ng robbery group nang itimbre ng concerned citizen na naglalabas ng baril sa isang mataong lugar, sa Taguig City, Biyernes ng madaling araw. Kinilala ni Southern Police District (SPD) acting director Kirby John Kraft ang suspek na si Henry Sanoria, 39 anyos, sinabing miyembro ng Bobby Arao Robbery Group, responsable sa serye ng mga insidente …

Read More »

Rider, patay sa bangga ng truck

road traffic accident

UTAS ang isang 22-anyos rider makaraang salpukin ng truck na minamaneho ng kapangalan ng sikat na basketbolistang si Jayson Castro ang kanyang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center (CCMC) ang biktimang kinilalang si Mark Julius Pasague, residente sa Block 9D Lot 29, Phase 2 Dagat-dagatan Kaunlaran Village, Brgy. Longos, Malabon City sanhi ng …

Read More »

Navotas Polytechnic College grads nakatanggap ng cash incentive

Navotas Polytechnic College

NAGBIGAY ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng cash incentives sa mga mag-aaral ng Navotas Polytechnic College (NPC) na nagtapos ngayong taon. Umabot sa 505 NPC graduates para sa academic sa taong 2021-2022 ang nakatanggap ng P1,500 bawat isa.  “Sa lalong madaling panahon, karamihan sa inyo ay sasali sa libo-libong bagong graduates na naghahanap ng trabaho. Sana ay makuha n’yo ang …

Read More »

 ‘Bully’ tinadtad ng icepick ng kapitbhay

stab ice pick

MALUBHANG nasugatan ang 54-anyos lalaki na sinasabing ‘bully’ sa mga kapitbahay makaraang tadtarin ng saksak ng icepick ng kalugar sa Cubao, Quezon City, Linggo ng madaling araw.                Ang biktima ay kinilalang si Roberto Questa Oribiana, 54, walang asawa, at residente sa Bonny Serrano Ave., Brgy. Bagong Lipunan ng Crame, Cubao, Quezon City.                Nakatakas ang suspek na si Mignard …

Read More »